As usual nasa trabaho na naman ako at nandito na naman si Mondragon na nangungulit. Nandito din si Break. Wala daw kasi siyang trabaho ngayon.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong pa ni Break nang makitang prenteng nakaupo si Austin sa sofa.
"Nagcacamping" sagot naman ng isa.Nakita ko naman ang inis sa mukha ni Break. "Tado" bangas niya.
Kung ano ano ang ginawa nila habang nagtatrabaho ako, ngayon ko lang napansin na sobrang close pala talaga nila na kahit puro sigawan at sapakan ang nangyayari ay makikita mo naman na mahal nila ang isat isa. But knowing boys, hindi nila pinapahalata.
Nang mabored sila ay tinawagan nila si Xander, ilang minuto pa ay dumating siya na may dalang pizza at kape, agad naman akong napatakip ng ilong.
"Xander! Alisin mo nga iyang kape" sigaw ni Austin sa kanya, naguguluhan namang nilapag ni Xander ito.
"Gago, ikaw na nga ang binilhan ko. Ikaw pa galit," Napa tss nalang si Austin at kinuha ang kape at walang sabing binasura. "Hoy, bat mo tinapon. Ang mahal niyan!"
"Edi babayaran,tangna."
Nasapak nalang ni Xander si Austin at itong si Break naman ay tumatawa lang, buti hindi nila nahahalata na iba ang kulay ng pinsan nila. Wala na silang ibang ginawa kundi magbangayan. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa ginagawa, this is gonna be the last project for me ngayong buwan na ito. Tsaka magsusummer vacation na kami. Yaaay! Dapat walang summer vacation pero dahil mabait sila pinagbigyan nila kami ng one month vacation pero syempre may mga take home works parin naman.
"Anong plano niyo ngayong summer?" Break
"Gonna fuck my girl" Napailing nalang ako sa sinagot ni Xander. They are so blunt.
"Nothing's new" Austin.
"Si Break lang ata ang virgin pa sa ating magpipinsan" marinig ko naman na nagmura si Break.
"Ako, virgin ako!" natatawang sabi ni Austin.
"Gago, grade six palang tayo ilang babae na napasok mo"
"Gwapo kasi eh, walang akong magagawa." Napairap naman ako sa hangin.
"Bakit ba natin pinag-uusapan ang sex life ko, ako lang ba ang virgin?!" ani Break.
"Anong alam ko, baog ka kasi. Ikaw Aiv?" nagulat naman ako sa biglang pagsali ni Xander sa akin.
"H-hah?"
"Virgin ka pa ba?"
Damn, kailangan ko bang sagotin iyan? Nakita ko naman ang pag-aantay nila ng sagot ko. "H-hindi na" agad akong napatungo dahil sa kasinungalingan ko. Sabi kasi ng librong nabasa ko.Kung may nagtanong ng ganun magsinungaling ka daw at sabihing hindi na kasi doon mo makikita kung ano ang pakay talaga sa iyo ng isang lalake. Narinig ko ang paghalakhak ni Xander at ang pagtitig sa akin ni Mondragon. Hindi ko alam kung galit ba ang nakikita ko sa mga mata niya. Madilim ang mukha niya at wala kang mababasang kung ano.Kinabahan tuloy ako.
"Sino?" bigla niyang tanong na nakapagtigil sa aming tatlo.
"H-huh?" kinakabahan kong tugon dahil sino naman ang sasabihin ko?
"Sino!"
"Hindi ko kilala," Umiling nalang ako, tinignan ko si Break at nagpipigil ng tawa, pinandilatan ko siya ng mata.Tumahimik ka Break or I'll freaking break your face.
"Are you serious? Dapat ibigay mo iyan sa mapapangasawa mo" singhal niya pa. Ako naman ang natawa.
"Really? Ee bakit ikaw? Kung kani kanino?" Napaawang naman ang bibig niya at inismiran ako.
BINABASA MO ANG
Left Behind [#Wattys2016]
RomanceShe walked away. Not because she didn't love you anymore, but because her love for you took her to nowhere. Her peace of mind was too precious to lose again. She fought too hard to be with you and she forgot herself. She went where she was enough. ...