Chapter 2: Consequence

136 6 2
                                    

* Althea's POV *

"HAHAHAHAHAHA! NAKAKATAWA SA TOTOO LANG, GIRL!" humagalpak na naman siya ng tawa.

"Ano ka ba, Joanna! This is bad, seriously!" Pagpapaalala ko sa kanya. How can this girl be calm!?! After what happened to me!?! Ganyan ba talaga siya!? Ugh.

Humiga ako sa kama at tinakpan ng unan ang mga mata ko. Nag-iisip ako ng mga maari niyang gawin sa akin kapag nagkita kami ulit!

* Imagination *

"Althea, clean my shoes."

"Yes sir!" Sabay punas ng sapatos niya.

"I'm hungry, bring me some food."

"Yes sir!"

Agad-agad naman akong bumaba at ginawan siya ng egg sandwich.

"Ito na po sir." At abot ng sandwich sa kanya.

"Ayoko niyan."

"Okay Sir!"

"HINDI AKO PAPAYAG!" Agad akong napatayo at naglakad-lakad sa harapan ni Joanna na prenteng nakaupo sa kama.

"Eh bakit mo naman kasi yun nalaglag, girl? Kasalanan mo 'yun no. HIndi naman kasalanan nung first love mo. At tsaka buti nga hindi tinurn-over sa principal 'yang ID mo e. You should be thankful pa nga, no."

"Tigil-tigilan mo ako sa kaka-conyo mo Joanna Marie ha. Hindi ko nga din alam na nalaglag diba? Eto naman pwede mo naman siguro akong aluin kesa naman sa inaasar mo pa ako dyan. Di kita talaga ma-gets."

Tumawa lang ito. "Ano nang gagawin mo, Thea?"

I sighed. Eh ano pa ba, wala na naman akong choice kundi hintayin kung ano mang consequence yang pinaplano ng evil evil evil na yun."

"Kung ako sa'yo, kakain muna ako. Gutom lang yan. Kumain ka muna ng kumalma yang puso mo. Sige na, ako na magluluto." 

Tumayo na si Joanna at nagsimulang magluto sa kusina. 

Sa iisang condo lang pala kami nakatira ni Joanna. Pinsan ko kasi siya sa side ni Mommy at napag-isipan naming isang condo na lang kami tutal naman halos sabay na kaming lumaki. Siya lang kasi ang nag-iisa kong pinsan e. Kaya ever since, magkasundo na kami. Pero ibang-iba ako sa kanya. Siya fashionista, ako puchu-puchu lang ang sinusuot. Kung anong nandyan, sige go. Ramp Model din naman kasi siya. Kaya given na sa models ang great sense of fashion. 

Dumiretso na din ako sa kusina at sumalampak agad sa sofa. Binuksan ko ang TV at nagdecide na manuod na lang ng kahit ano sa TV. Pero sa totoo lang, wala talagang pumapasok sa isip ko kung hindi ano ang mangyayari pag nagkita kami ulit ng simpatikong yun. Hays. Nakakasira ng ulo.

"AAAAAAAAAAARGH!!!!" I let my frustration out through a shout. Agad din akong napayuko at ginulo ang buhok. "Badtrip naman e!" 

"Alam mo kasi, wag ka naman masyadong nega, girl." nakaupo na pala si Joanna sa tabi ko. "Malay mo naman wala lang yung ipapagawa niya sa'yo. Baka naman overreacting ka lang talaga. We wouldn't know naman, di'ba? Kaya kalma ka lang muna."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Eh hindi naman ikaw ang nabuking eh!" 

Sa kahit ano talaga, positive itong babaeng 'to. Di ko nga alam kung good or bad thing yun e! :(

"Whatever, pinsan." Dumekwatro ito. "Bakit hindi ka na lang magquit sa pagbaband mo? You're tall naman e, you can join me--"

Tinakpan ko na ang bibig niya. Alam ko na ang sasabihin niya. "For the nth time, Joanna. NO."

Bumusangot naman agad ang mukha nito. "Eh ikaw naman kasi eh, nag-iisip ka ng mga ganyan tapos pag binigyan ka ng other choice, ayaw mo naman."

"Ayoko, Joanna. Wala akong hilig sa mga ganyan. In the first place naman e singing lang talaga ang hilig ko. No more, no less. Ayoko naman gawin ang ayoko dahil lang sa pera, no."

"Whatever, whatever." Umakto pa ito na nagwawagayway ng isang flag. "Kumain na nga tayo."

Tahimik naman ang naging dinner namin. Maliban na lang sa manager ni Joanna na kanina pa siya pinipilit na tanggapin na ang isang proposed shoot. Yun nga lang ayaw niya yung partner kaya todo effor yung manager para mapapayag siya.

Umiling na lang ako at inilagay ang mga pinagkainan namin sa dishwasher at pumasok na sa kwarto ko.

Agad akong nahiga at chineck ko ang cellphone ko. Seriously?! 10 messages? Hindi naman ako karaniwan nakakatanggap ng ganito karaming texts ah, did something happen?

Binuksan ko naman kaagad ang inbox ko at galing lang sa iisang number ang nagtext. Unregistered ah! Ugh. Creepy. -__-

Agad namang nanlaki ang mata ko ng makita kung kanino nanggaling ang mga ito.

FROM: +639152628***

Hi, this is Thomas. I just need to talk to you about the deal.

Feeling ko inagawan ako ng 1000000 bloodcells sa katawan. Nanlamig bigla ang kamay ko. WOOOOH! Ang init! >___<

Nireply ko naman siya.

To: +639152628***

WHAT DO YOU NEED?! Just to tell you in advance, I won't accept your proposal if it's me being your assistant. 

HA! Akala niya ba papayag ako maging chimay niya!? NO. NEVER. NOT IN HELL!!!! >________________<

Tumawag naman siya. Agad akong kumuha ng napakaraming hangin at sinagot ang tawag niya.

"HELLO?!" sigaw ko.

[Are you always like that? Shouting and stuff?]

"HINDI SA'YO LANG. NOW WHAT DO YOU WANT FROM ME. GET STRAIGHT TO THE POINT." Wala akong time makipagchitchat, man.

[That's fast. Um, well. You need to promise me that you would say yes, in anything I ask you of. Are we clear?]

"I told you I'm not going to be your--"

[I'm not telling you to be my assistant, dummy.]

Medyo nakahinga naman ako dun ng maluwag. "Okay. So, is that all?"

Magye-yes lang naman ako sa lahat ng irerequest niya eh. Wala na din namang mas nakakatakot pa sa pagiging alalay ng ibang tao.

[Look forward for tomorrow. See you, then.]

He turned of the phone. But why did my heart skip a beat?

I'm Dating A Troublemaker: MinSulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon