Chapter 4

109 5 1
                                    

* Althea's POV *

I checked my watch. 9:30 na ah. -___-" The hell!!! Sabi niya 9AM daw kami dapat magkita.

Ako ang babae ah! Ako talaga dapat ang maghintay?! 

Alam ko na ngayon ang feeling ng inindyan ng date. HAHAHAHAHA. Iyak na tayo.

(A/N Suot sa gilid ni Althea ----------------> )

Nyemas forever talaga itong si Joanna. Nasa kalagitnaan pa ako ng panaginip ko na lahat ng nahahawakan ko naging gummy bear tapos gigisingin niya ako na kailangan ko raw maghanda para sa first date namin ni Thomas tapos wengya, mukhang iindyanin pa ako.

Pinasuot niya ako ng napakaikling skirt na kulay itim with tiny colorful dots at white shirt na may color red na design sa harap. Kinuha ko ang kung anumang bag na makuha ko at nagbabadya ng umalis. Pero hindi ko alam na may kahindik-hindik pa palang plano si Joanna bukod sa gawin niya akong paperdoll, gagawin niya din akong clown.

Aba ang loka! Pinagmake up pa ako, ang dahilan daw kasi ay very dashing ang aking ka-date at magmukha nga akong chimay nito.

Baka nga, e di pinagbigyan ko. Mahirap nang mapagkamalang yaya ako ni Thomas, masaktan pa ang aking beautiful heart. CHOS.

Ugat na ugat na ako dito sa Town Square na ito. Sabi ng mwiset na si Thomas e dapat daw, 9AM kami magkikita. Mukha na ako ditong istatwa. Mga 5 minutes pa bato na ako dito. Aba naman dapat sa ganda ko na ito, hindi ako pinaghihintay! Malay mo nasa tabi-tabi ko lang pala ang Prince Charming ko. <3

"Sorry, I was late."

Nilingon ko siya ng slow-motion, para makita niya kung gaano ako kaganda. Dejk. Pero hindi talaga joke na maganda ako. Aba naman! Hindi lang ako nililigawan kasi akala nila may boyfriend na ako sa sobrang ganda ko. Kalma fans. 

"Buti alam mo na late ka. Nakngteteng naman Thomas! Mukha na akong puno dito kakahintay sa'yo. Kulang na lang tubuan ako ng ugat!"

"Sabi kasi dun sa... whatever site that was, 30 minutes or more raw kung ma-late ang mga babae. So I decided to be late because I don't want to wait under the sun." sabi pa nito habang nakataas ang dalawang kamay sa likod ng ulo nito.

Kalma lang Althea, kalma! First date niyo ito. Kumalma ka. 

Nauna na akong lumakad sa kanya at sumunod din 'yung mokong. At may naisip akong bright idea! Mas bright pa sa bulok na idea ng Meralco.

Agad akong humanap ng shop for girls. Yung mga bilihan ng lingerie. HAHAHAHA. Maghintay ka dyan sa ilalim ng sikat ng araw. Tignan natin kung makakasunod ka dito sa akin. HAHAHAHAHA. 

Dumiretso ako sa loob at tumingin-tingin ng mga underwear. Mukha namang walang sumusunod sa akin. HAHAHAHA. Ayos! Hindi niya ko sinundan! This is it baby, this is it. >:3 Ikaw naman paghihintayin ko dyan sa likod hanggang sa pumuti na mata mo. 

"You sure have a bad taste in panties, Althea. If you want to turn me on, you should choose the lacy ones." 

ABANAMANTALAGAOO. 

"Huy! Hindi ka ba nahihiya. Bilihan 'to ng mga panties! Mahiya ka ano ka ba!" Pabulong na sita ko sa kanya.

Hindi ko alam kung walanghiya ba siya, o talagang wala lang siyang pakialam sa paligid niya.

"What? You went here, so I also went inside. What, do you want me to wait outside and burn me to death?"

Paalala lang, you also made me wait to death and crisp burnt.

May lumapit naman sa amin na store attendant, at may inabot na shopping bag kay Thomas. NagThank You lang ang mokong at pinaalis na si Ateng. 

Srsly hindi ko alam kung bulag siya o nagbubulag-bulagan na halos malaglag na panty ni Ateng Attendant kanina at ngayon nakikichika doon sa kahera. 

Ito na ba ang part na eeksena ako sa girlfriend?!

Joke, takot ako e. Bahala na sila dyan.

Halos naikot na din naman ang laman ng Town Square, lahat na pinasukan ko. Lahat na tinignan ko hanggang sa malusaw sila sa imagination ko, pero hindi man lang nagrereklami itong Adonis na kasama ko. Mukha tuloy na bodyguard ko siya. Pag may nagtanong, sasabihin ko na talaga na PA ko siya. Pero baka ako pa ang mukhang muchacha, haller!?! Ang gwapo kaya niya. Hays. Hassle much.

Nasa gitna ako ng mga iniisip ko ng bigla akong minura ng tiyan ko. UGH. GREAT TIMING BADI. 

Agad ko naman nilingon si Thomas at WTF!?! Nakatawa ang ulupong na 'yan. 

Wala na, nakakahiya. Ngayon ka pa nagreklamo, alaga kong ahas sa tiyan. Hindi ka na banakahintay? :"<

I pouted. Best day ever.

"Okay, let's eat." Niyaya ako ni Thomas at hinawakan ang kamay ko.

Parang may kuryente, teka. Ano ba yun?!

Habang hila-hila niya ako (Pramis mukha akong aso habang hawak-hawak niya ako. Nasaan ang leash? Itali niyo na sa leeg ko.) nagpatianod na lang din ako sa kung anumang balak nitong Amo ko. Peste talaga dahil lang naman sa ID ko bakit ba ako nagkakaganito.

Dinala niya ako sa isang hotel. Teka, dito ba talaga kami kakain!?! Hindi kaya ng puso ko. -___-a

"What? Let's eat. You're hungry, right?" Tanong niya sa akin.

Nakakahiya naman, wala akong pambayad. Huwag na umarte Althea.

"Ah Thomas, wala kasi akong dalang pera e. Pwede ba sa fastfood na lang tayo kumain?"

"What? I'll pay."

Banaman, ayos din talaga.

I'm Dating A Troublemaker: MinSulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon