Enjoooooyyy!! Eto muna haaa :))
-a/n-----
Heather.. Will you be my girlfriend?
Naalala ko pa nung tinanong niya sakin yan 5 years ago. Ilang taon na rin pala ang nakakaraan mula ng sinagot ko siya. May munting sorpresa siya saakin, nakaporma pa siya at nakangiti siya nung tinanong niya ako. Nakakakilig kung aalalahanin. Ilang buwan din kaming magkakilala. Halos araw araw niyang pinaparanas niya sakin kung gaano niya ako kamahal kahit na magkasintahan na kami. Ilang taon kaming nagmahalan ng tunay at wagas. Ngunit may tanong na bumabagabag sa aking isip netong mga nakaraang mga araw na bakit ganito ang nangyayari saamin? Kailangan ba talaga namin na magkaganito? Kasama ba to sa mga mararanasan namin pag pumasok kami sa isang relasyon? Di ba pwedeng masaya lang kami lagi? Ano nga ba ang nangyayari?
Madalang nalang kami magusap. Magkita. Hindi kami nagkakasundo ng schedule. Wala ng time at connection. Ngayong araw monthsary na namin. Inaya ko siya na magkita kami ngayon. Pumayag naman siya. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko dahil sa muling pagkikita namin. Ilang buwan na rin mula ng huling magkita kami.
Andito nako Lyndon..
Inulit ko ung pagsend ng message ko. Kanina pa siya hindi nagrereply. Baka di niya nareceive okaya baka busy lang talaga siya ngayon.
Hindi na kami masyado nagkakatext. These past few weeks sobrang dalang nalang niya magtext sakin. Before nakakapag good morning at good night pa siya sakin. He even ask me kung nakakain naba ako or not. Sometimes he ask me what am i doing or he will share any random stories. Hndi na din kami nakakapagusap sa call or nakakapagkita masyado.. Napabuntong hininga nalang ako.
Isang oras na ng pagaantay ko sakanya..
Sorry Heather I can't make it. Bawi nalang ako next week.. I love you.
I don't know what to feel when I read his message.
He made me wait. He forgot about our monthsary and he's telling me again that he will make it up next week which is i know, that this incident will be repeated again and again and it will end up with his apology.
Tears filled up and I stopped breathing for a few seconds. Then I let out a sigh.
Okay lang monthsary lang yan. Busy lang sguro siya. Sana wag niyang kalimutan na anniversary na namin next month.
Challenge lang siguro to sa amin.
But i feel so lonely..
---
"Baka may iba na siya, Heather"
Napalingon ako sakanya.
"Imposible Jacinth. Alam kong di niya magagawa yun" nakakunot kong sabi. Sa sobrang tagal namin. Kilalang kilala ko na hindi talaga mambababae yun.
"Sigurado kaba? Lalake parin siya Heather. Pano pag inakit siya? Lalo na kungwari nung sekretarya niya? Ay nako kung ako sayo matatakot nako dun. Ang ganda pa naman nun tas amputi, at ang kinis! Eh medyo malapit pa naman yung sekretarya niya kay Lyndon"
"Hindi mangyayari yun no. May boyfriend yung sekretarya niya"
"Malay mo magkagusto pa dn siya kay Lyndon kahit may jowa na siya. Iba din ang tindig ng boyfriend mo no"
Nakakunot lang ang nuo ko. Pilit na inaalis ang isip ko na posible ngang mangyari ung ganun.
"Friend ayoko man sabihin pero kelangan eh" Napabuntong hinga siya. "Nakita ko silang magkasama nung isang araw sa isang food park. Mukhang ang saya nila tingnan. Nakita ko din na natapunan ng juice ung sekretarya tapos pinahiram ng boyfriend mo yung coat niya"