Chapter 13

8 0 1
                                    

PAGKATAPOS NAMIN magusap ni Juls hinatid niya ako sa gate ng bahay namin ng biglang tumunog yung phone ko. Pag tingin ko si Kean pala...

"From: Kean

Hi Anna, do you have time? Can we meet?" 

Tinignan ko yung oras maaga pa naman 5:00 pm palang naman, siguro naman hindi ako aabutin ng gabi pagkatapos kong kausapin si Kean, saglit lang naman siguro 'to kaya pumayad na ako.

"To: Kean

Sure."

Nagkita kami ni Kean sa isang coffee shop na pinag meetan namin ni Jamaica dati, malapit lang din kasi to sa school. Medyo onti nalang yung estudyante pagdating ko kanina pa kasi yung uwian yung mga nandito more likely mga college na 'to.

"Kean." Sabi ko pag dating ko.

"Anna, inorder na kita ha."

"Thank you." I sipped my coffee. Ang sarap eto yung timpla ko palagi eh.

"Kuhang kuha mo yung timpla ko, stalker ba kita? Hahaha." Asar ko sakanya.

"Sana nga stalker mo nalang ako eh, haha."

"What do you mean?" I ask in confusion. Sa itsura ni Kean sobrang kabado yung muka niya hindi ko alam kung bakit, parang pati tuloy ako kinabahan.

"Anna, i need to tell you something." 

"O-kay, what is it?"

"Naalala mo ba yung nag open up ako sa'yo? Sabi mo saakin na wag kong sayangin yung chance, wag kong sayangin hanggat magagawan pa ng paraan, sabi mo mag try ako diba? Remember?"

Ahhh, yes naalala ko yun, natuwa naman ako sinunod kaya niya advice ko? Sila na kaya nung girl? Hahaha. Sabe na eh words of wisdom ko talaga.

"Yes yes, i remember all of it. Why? Omg, kayo na nung girl? She said yes? What happened? Did you find her? Kwento Kean!!" I said.

"Uhhm actually not yet." 

"Huh?"

"Anna, susundin ko na yung advice mo." He said.

"Yes great, that's a great plan kean. Keep it up."

"Kaya aaminin ko na sa'yo to, Anna, ikaw yung babaeng sinasabi ko. Anna." What as far as i can remember naglinis ako ng tenga kaninang umaga. Para akong natulala sa sinabi ni Kean.

"Hahahaha pinaglololoko mo nanaman ako Kean, look i don't really have much time. I gotta go, goodluck with the girl youre talking about." I was about to stand up when he held my wrist, reason para mapa upo ako.

"Anna look i know akala mo nag jjoke ako pero hindi, ikaw yon Anna i'm telling you the truth!"

"Quit it Kean, it's not funny anymore." I said.

"Anna, maniwala ka man o hindi i wouldn't risk our friendship for something not worth the try. That's why i'm telling you this, Anna i've been in love with you ever since i met you at the lib."

"Bullshit Kean, i gotta go." This time hindi na niya ako napigilan at kusa na akong lumabas nang coffee shop, naiiyak ako hindi ko maintindihan ano ba tong nararamdaman ko, ano ba yung sinabi sakin ni Kean kanina hindi ko siya maintindihan, ngayon ko lang naman siya nakita bakit niya sinasabi saakin lahat ng yon kanina. Baka may sakit lang siya, Kaso hindi talaga sobrang impossible, paano naging ako yun eh diba kakauwi ko lang galing US? baka nag ppractice lang siya, baka --

Napahinto ako sa pagiisip ng may tumawag sa pangalan ko eh.

"Anna?" Akala ko nagkamali lang ako ng rinig, kaso hindi narinig ko ulit ang pangalan ko full name pa.

"Anna Dela Cruz?" Kaya hindi ko na din napigilan hindi mapalingon, isa siyang babaeng payat sexy actually, ang ganda ganda niya mestisa siya. Kaso hindi ko naman kilala.

"I'm sorry but are you calling me?" I ask.

"Anna! It's me! Bella, Y'know Isabella! Classmates tayo dati 2ndyr highschool tayo diba?" Tanong niya sakin, huh hindi naman ako dito nag 2nd yr, paguwi ko as far as i can remember 3rdyr ako ngayon.

"I'm sorry i don't--" Tapos nagsalita ulit siya

"Ano ka ba! Haha kamusta na nga pala kayo ni Juls?" Teka kilala niya si Juls?

"Wala na kasi akong balita sainyo eh! Kayo pa ba until now? Grabe ang sweet sweet niyo dati eh, ano bang course kinuha mo ngayon? Magkasama pa din ba kayo? Or break na kayo? Palagi ko kasing nakikita sa magazine si Juls eh, ikaw ba kamusta ka na?" 

Tuloy tuloy niyang tanong, ano? Kami pa ba ni Juls? Naguguluhan ako? Naging kami ng kapatid ko? Ano? 

"I'm sorry, i think you have been mistaken. Bye." Sabi ko at tuloy tuloy nang umalis. Narinig kong nagsasalita pa siya at patuloy akong tinatawag, pero hindi ko na pinansin.

This day was too much for me, parang sumasakit ang ulo ko nanaman kaya nagmadali na din ako pauwi, sobrang gulo ng mga nangyayare ngayon. Sobra na ko naguguluhan, i need to talk to Aki.

-

PAGDATING KO SA bahay wala si mommy kaya dumeretcho na 'ko agad sa kwarto ni Aki kaso i was disappointed nung wala siya don. 

"Manang, were's aki?" Sabi ko sa maid.

"Ay wala pa po, hindi pa dumadating. Alam ko nagsabi siya kanina na mag ttraining siya ngayon maya maya pa ang dating noon Anna."

Bullshit, i need answers now! Ahhh mas lalong sumasakit ulo ko, kaya pumunta nalang ako sa kwarto ko pagkatapos ay nahiga ako. Kaso may naalala ako, naalala ko yung box na nakita ko dati. Puro pictures namin yun ni Juls eh. Hindi ko na natignan pa yung iba kasi yung nasa ibabaw lang nakuha ko tapos nagtanong ako kay aki tas nawala na din sa isip kong balikan pa yun.

Binuksan ko yung box. Pagbukas ko sa box kinuha ko yung pictures.

Sweet kami ni Juls bilang magkapatid... Pero habang pagtingin ko ng ibang polaroid pictures hindi ko napansin may nakasulat pala sa bawat likod non. 

"January 12, 2012

Hi baby happy monthsary, i love you so much. Wag mo 'ko iiwanan ha? Sapak ka sakin! Kala mo! Papakasalan pa kita eh, hihi. I love you!

- Juls."

Sinubukan ko pang tignan yung ibang mga nakasulat sa likod ng pictures, sa likod ng mga pictures na sweet ay may mga sweet messages din. Pinipilit kong alalahanin lahat ng nasa pictures ng biglang..

"AHHHHHHHHHHHHH" Hindi ko na mapigilan mapasigaw sa sakit ng ulo ko. Huli ko nalang naalala bumasok si Aki sa kwarto ko na bakas sa muka ang pagaalala. At nawalan na 'ko ng malay.

How can i forgot? (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon