• May mga bagay na akala mo okay na pero paulit-ulit pa rin pala lahat sa utak mo. Yung tipong alam mo sa srili mong niloloko mo lang yung sarili mo..
Hindi nga ako makapaniwala na sa kabila ng pursigido kong puso na kayang banggain lahat, ay nakaya pa rin ito sanggain kahit papapano.
Kahit papaano? Oo alam ko kahit papaano ang bawat kilos nati'y unti-unting gustong maglapit. Ngunit may pumipigil. Bakit?
Bakit? Kasi oo mahal pa, hindi ka pa rin lumilisan pa. Para kang mundong kay ganda't nakakawala sa pagkabighani. Ngunit sa sa kaloob-looban, ay magulo't kumplikado.
Pero kung iisa lang naman ang nadarama'y bakit nagpipigil? Dahil may mga bagay na lumalago'ng magkalayo at hindi pwedeng laging tayo.
Kahit ilan beses kong hilinging tama na. Naiisip ko pa rin na baka, tama. Tama na maghintay, baka tama na sinusubok lang tayo at tama na mahal mo pa rin ako.
Pero ang tanong. May patutunguhan nga ba? Makapaghihintay nga ba? Kasi dito, dito sa parten ito ako natatakot. Dahil ayokong walang patunguhan ito.
Mahal pa rin kita, pero sana mawala na. Kasi gusto kitang murahin ng paulit-ulit, dahil para sa'kin para kang inukit. Maganda ngunit masakit at higit sa lahat, masakit pag inulit.
Bakit? Kasi nawala na ang lahat ngunit ang pagmamahal ay hindi manlang nabwasan. Pero sa panahon ngayon hindi sapat ang pagmamahal lang.
At kung mangyari man sa tamang panahon. Sana tama na ang lahat at kakayanin na.
ziiliisea°