Pag-ibig

5 0 0
                                    


Pag-ibig. Paulit-ulit na kahit anong ulit ay hindi mo pa rin masulit.

Paulit-ulit mo itong hahanapin at nanaisin, ngunit kasabwat ng pag hanap at pag nais ay ang pag nais na ito'y lisanin.

Lisanin ang bawat ala-ala na laging naaalala, mga alaalang hanggang sa paglayo at pagtagal ay tila nananatili.

Sana tayo nalang ang nanatili ng hanggang ngayo'y puno pa rin ng ngiti.

Ngiti? Oo ngiti. Ang 'yong laging dala dala hanggang sa pati ako'y nadala. Ngunit para san pa kung tayo'y nasira na.

Nasira sa mga dahilang kahit kelan hindi mo maiintindihan. Kasi ano nga naman ang maiintindihan mo sa bawat haplos at salita?

Galit. Puro galit, inis, at tampo ang 'yong nakikita. Sana makita mo naman yung pagmamahal kong wagas . Oo wagas, dahil kung iyo'y saktan ay wagas wagas rin.

Ngungit kahit ganon ay ang pgmamahal mo ay kay tamis, na sing taming rin dahilan kung bakit kita nilisan.

Nilisan para sa kapakaanan ng iilan, At kasama ka na don.

Dahil sa bawat yakap at halik, bumabalik. Bumabalik ang mga salik sa'ting pag ibig na hindi nagpapatabig.

Ngunit kahit ganoon alam kong pagod ka na, dahil sino nga bang hindi mapapagod umintindi sa taong hindi nagpapa intindi at kung kela wala na'y babalik.

Babalik at sasabihing, " Ako na lang ulit."

Pasensya na kung ganon na tila parang pinaglaruan na garapon. Sadyang hindi lang ako marunong kumalimot.

Kumalimot sa nakaraang minsang nakapag pasira sa'tin.

Kaya patawad. Patawad kung ang pagmamahal ko ay dumaan sa prosesong kay tagal dahil nais na ito'y mag tagal.

Patawad, dahil nais kong mahalin ka ng puno ng pagtitiwala at supporta. At ngayo'y nagawa na tayo nama'y hindi nagtagal.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Oct 14, 2016 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

UnspokenTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang