Cristine Pov
Wala pa kaming tulog lahat kasi Maya-maya kasi Dadalhin na si Trisha sa US . Para doon na ipagamot! Mas Mabilis daw! Kasi Syang Gagaling doon. Comatose kasi si trisha dahil sa Accidente nangyari sa kanya habang Pa-punta sya doon sa Meeting Place nila nung Friend nya before .
Naawa na ako kay tita and tito . At pati rin kay kenken na halos hindi na kumain! Gusto nya lang daw Makasama si Trisha Magdamag! Halos hindi nya na bitawan yung mga kamay ni trisha. Naawa na ako sa kanya! Lalu na siguro kapag dinala na Mamaya si trisha sa US. Paniguradong Lalu syang Masasaktan :'( Ako Nasasaktan ako sa Mga Nangyayari kasi Kapatid na ang turing ko kay trisha mula pa ng Mga Bata pa kami .
Pero alam ko Mas Masakit ito para kay kenneth kasi Hindi sya Makakasama sa US. Dahil Meron pa kaming Pasok sa School .At Ang pinaka-Masakit na sinabi pa ng Doctor sa amin Lahat ay,
2years to 3years daw Ma-Cocoma si Trisha . Sobrang Tagal nun! Paano na ang Pag-aaral ni trisha nun :'( Kung sino Man Ang Gumawa sa Kanya nito Alam kong May karmang Babalik sa Kanya! Grabe sinira nya ang buhay ni Trisha :'(-
Naayos na ang Papel ng Paglipat ng Hospital ni trisha kaya naman Ready na syang Dalhin sa America :'(
Paano na kami nito kapag wala ng Trisha :'(
"Be , gusto kong sumama sa US"sambit ni Cielle sa akin .
"Kahit naman ako Be . Kaso 2years si Trisha dun Paano na yung Pag-aaral natin diba? Tsaka Malapit na ang Graduation nyo :'(" sambit ko habang naiyak . Hanggang ngayon naiiyak padin ako sa mga nangyayari .
"Sa Bakasyon nalang tayo Lahat Mag-punta" sambit naman ni Bakla .
"Mabuti pa nga!. Wag kayong Mag-alala Mabilis lang Ang 2years na yun" Sambit ko para Naman Palakasin ang kalooban namin .
"Sana Maging okay na si Trisha no"sambit naman ni Jhayjhay.
"Babe . Matapang yan si trisha Kilala namin yan! Lalaban at Lalaban yan sigurado yan" sambit naman ni cielle.
-
"Mag Ready na po kayo! Dadalhin na po natin si Trisha sa Airport"Sambit nung Doctor sa amin .
"Sige po" rinig kong sabi ni tita dun sa Doctor.
Samantalang si kenken ayun! Nakayuko dun sa kama ni trisha habang hawak nya yung kamay ni Trisha .
Kanina nga eh . Nakayapak lang si Kenken nag punta dito sa Hospital! Buti nalang nagdala yung mommy nya ng Sapatos nya . Naka-School uniform parin sya hanggang ngayon!
Ni hindi Manlang sya umalis kahit saglit sa Tabi ni trisha eh! Halatang Mahal na Mahal nya si Trisha .Ililipat na si trisha sa Ambulances! Para dalhin na sa Airport.
Hanggang sa Loob ng Ambulance kasama padin si Kenken sa Loob . At ganun din si tita . Kami nakasakay kami sa Van nila trisha Wala pa kaming Tulog lahat . Ni hindi nga ako Nakakaramdam ng Pagod ngayon!-
*Airport*
Ibaba na si Trisha sa Ambulance para ilipat sa Loob ng Plane .
"Sasama ako . . . " Naiyak na sambit ni kenken habang hawak-hawak sya ni Aaron at ni Justin .
"Bitiwan nyo nga ko sinabing sasama ako may trisha eh" Nag-wawalang sabi ni Kenken . Kasi nag pupumilit syang sumama sa Plane ."Anak! Stop it huh"sambit ng mommy ni kenken sabay ni yakap nya ito .
"Mom! Gusto kong Sumama :'(" sambit ni kenken na habang iyak ng iyak .
"Ken Anak! Sumunod ka nalang sa Bakasyon! Pati kami sasama sayo." Paliwanag naman ng daddy ni kenken habang tinatapik sya sa Likod .
"But daddy! Hindi ko kaya Mawala sya kahit isang araw lang na hindi ko sya Makita hindi ko Makakaya yun :'( " Sabi ni kenken na Halata sa Kanya na Sobra syang Nasasaktan . Kahit naman ako eto naiyak padin at ganun silang Lahat .
BINABASA MO ANG
"LOVE And HATE" (On-going)
Teen FictionNaniniwala kaba sa DESTINY ? Pwes ako Naniniwala ako . Kasi Lahat daw ng Tao Meron kanya kanyang Nakalaan Para sa isat-isa :) Like invisble RED STRING :) Hindi mo Alam na kasalubong mo na Pala Ang Kakabit ng RED STRING MO :) - / WrittenBy:Ayrish...