By:Mishiienhue
(A/P: Vote and comment lang po.Thanks po sa views ✌
Love,lo ve)Chapter Three:
Ell's pov:
Umalis na si kuya lulan ng kanyang sasakyan .Kahit kailan talaga yun napakaabnormal. Haysss... Medyu nawala na yung sakit na nararamdaman ko .
Pumunta ako sa veranda ng kwarto ko dahil kailangan ko lumanghap ng sariwang hangin.
"Hay!Enn sana makalimutan na kita. Kung pwede lang magpainject ng amnesia nagpainject na ako. Kung pwede lang uminum ng gamot na pampalimut ginawa ko na. Pero hindi ehh. " Naalala ko nanaman ang mga tingin sa amin ni Enn ng magkayakap kami ni Kuya. Ayuko man mag assume pero feeling ko nagseselos siya.
Papasok palang ako sa kwarto ko ng may marinig akong nag doorbell.
"Sino naman kaya yun. Grabi siya bumisita huh? gabi na para sa bisita."
"Ell, Ell luma*huk* bas ka*huk* ." Wait si- si Enn ba yun?
Agad akong lumabas ng bahay at pinagbuksan siya ng gate.
"E-Enn anong ginagawa mo--" di ko na naituloy ang sasabihin ko ng niyakap niya ako. He hug me like he never want to let me go.
"E-enn???Amoy alak ka .Halika sa loob." Agad ko siyang dinala sa loob kahit na hirap na hirap ako ay kinaya ko pa rin siya. Inihiga ko agad siya sa sofa .
Ano ba itong lalaking to iinum inum di naman kaya. Aalis na sana ako para kumuha ng towel at isang batyang tubig ng bigla niya akong hawakan sa kamay.
"A, B, C , D, E,"aba at nagawa pa niyang magmemorized ng alphabet.
"F, G, H, I, J, " At tumigil na siya ulit.
"Bitiwan mo ko kukuha ako ng---"
"(K)ala ko si El(L) (M)ahal si En(N)."Napatigil ako sa sinabi niya .
"Enn?" Napaharap ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Pinagmasdan ko lang siya at kitang-kita ko na may tumulong luha sa mga mata niya.Pinunasan ko iyon at umalis na sa tabi niya upang kunin ang batyang may tubig. Pinunasan ko siya at habang pinupunasan ko siya ay bigla niyang tinawag ang pangalan ko.
"Ell?"
"Po?"
"Ell" paulit ulit .
"Baki---" Te-teka nananaginip ba siya? Pambihirang lalaking to. Tsk.
Tapos ko na naman siyang punasan mabuti pa matulog na ako. Nakakaantok na rin ehhh.
Tiningnan ko si Enn na mahimbing na natutulog ang cute niya . Hehe ...
Tsk ,Ell itigil mo yan taken na yung tao .Matulog ka na tsk tama na ang landi.
Pumasok na ako sa kwarto at nagmukmuk..Naluluha nanaman ako. Bakit kasi taken na siya? Sayang!!! sayang talaga Enn.
KINABUKASAN:
Ell's pov:Nagising ako at natagpuan ko pa rin siyang natutulog. Grabi matulog to 10 am na ahh! tsk. nagluto ako ng pagkain at hinain ko ito sa lamesa .
"Tulog pa kaya iyon?" -_-' tulog pa rin po.
Nilapitan ko siya para sana gisingin ngunit di ko siya magising.
"Enn?Uyy Enn gising na." Lalaking ito ohh. Umupo ako sa tabi niya at tinusok tusok ko ang pisngi niya.
"Uyy, gising na." Nakakaasar naman to. *pout*
YOU ARE READING
The fourthteen sign
RandomThis story is base on my own experiences. The people, place and events that happen here is just my imagination. Hope you like it. Please don't copy paste with out permission to the author. Thanks!!!✌