Chapter 5: "Return of Hope"

248 12 1
                                    

~Yoona's POV~

Aminado akong medyo kinakabahan ako sa mga oras na 'to, dahil hindi ko inaasahang magrerequest sila ng sample mula sa 'kin, at hindi ako handa dun. Medyo nabigla ako nang patugtugin nila yung music na sinayaw ko dun sa pacontest nila, pero naging confident din ako dahil hindi ako mahihirapang sayawin yun. Ipinikit ko lang ang mga mata ko at sinimulan ko ng gumalaw. Medyo naeenjoy ko na yung pagsasayaw ko lalo na nung marinig ko ng magpalakpakan at maghiyawan ang EXO, ngunit sa kalagitnaan ng kanta, nang imulat ko ang aking mga mata ay tila nawala ako sa concentration ko nang makita kong nakatingin sa 'kin ang lahat ng members ng EXO specially Kris, kaya medyo naghisterical ako, nagbuhol ang binti ko dahilan para ma-out of balance ako at matumba. Agad naman akong nilapitan ni Sehun at ng ibang members.

"noona, ayos ka lang?" paalalang tanong ni Sehun.

"oo, okay lang ako." Sagot ko.

Tinulungan nila akong makatayo.

"okay ka lang ba talaga? Gusto mo dalhin ka namin sa clinic?" pagcoconcern naman ni Suho.

"ah.. wag na Suho-sshi, I'm really fine. Thanks for the concern." sagot ko.

Dahil sa nangyaring yun ay tila pakiramdam ko'y napahiya ako kaya bigla kong naisipang umuwi na, pero bago ako umalis ng SME ay nagkaron kami ng private conversation ni Sehun.

"Noona, magsabi ka nga sa 'kin ng totoo. Ikaw ba yung mystery contestant dun sa event namin??" deretsong tanong ni Sehun.

"huh? anong sinasabi mo??" tanggi ko.

"Noona, kilala kita, kahit hindi ka umamin, alam ko ng ikaw yung mystery contestant." sabi ni Sehun.

Sandali akong natahimik.

Mukhang nabisto niya ko.

Huminga muna ako ng malalim tsaka ko siya sinagot. "oo na, sige na, ako nga yun. So...??" hindi na ko nakatanggi pa.

Biglang sumigla ang ekspresyon ng mukha niya na kanina'y seryoso. "I'm proud of you noona! at sobra kong ikinatutuwa na bumalik na yung original idol ko!" pasigla niyang sabi.

Napangiti naman ako sa sinabi niya, pero muli din akong natahimik.

"Uhm... Sehun-ah... gusto kong mag-audition sa company niyo." Deretsa kong sabi.

"huh? Mag-o-audition ka??" tanong niya.

"diba nagawa ko na naman dun sa contest? kaya siguradong magagawa ko din yun sa audition sa company niyo." Paseryosong sabi ko.

"pero sigurado ka bang kaya mo na talaga?? Baka kasi....." pag-aalangan niya.

Agad kong pinutol yung sasabihin niya. "walang mangyayari sa 'kin, okay na ko diba? Okay na okay na ko! tsaka isa pa, habang sumasayaw ako dun sa contest palang, narealize ko na.. that there still a chance for me to continue my dream, muli akong nabuhayan ng loob Sehun! At dahil dun ay bigla kong muling nasabi sa sarili ko na.... MAGSASAYAW ULIT AKO!" sagot ko.

Hindi na nakakontra pa si Sehun. Dumating yung oras ng pag-oaudition ko sa SM Entertainment, walang mapaglagyan ang kaba sa katawan ko while I'm waiting for my turn, kaya pilit kong kinakalma ang sarili ko. The time for me has come, it's my turn to face the judges, at sa pagtayo ko sa harapan nila ay tuluyan ko ng inalis sa 'kin ang kaba at ang tension.

"Anyeonghaseyo! I'm Oh Yoona, 20 years old. I joined in this audition because I want to continue my dream, and I also want to prove that I can still be the best." Intro ko.

Hindi ko inasahang isa sa mga judges ang Manager ng EXO. "You are Sehun-sshi's sister, right?" tanong niya

"ah.. yes! I'm his noona." Sagot ko.

A Star in EXO Planet [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon