Isa akong 7 taong gulang na bata noong naging bihasa ako sa pag awit
Noong mga panahong iyon ay wala akong ibang alam kundi ang kumanta, kumanta at kumanta
Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang napakagandang tunog sa mundo?
Halos nilaan ko na ang oras ko sa musika at doon ko nalamang nalaman na unti-unti..... nawawala na ang mga inspirasyon ko sa edad na 10
Sabi nya ako daw ang may kasalanan
Sabi nya ako daw ang may gawa
At sabi nya ako daw ang nagsimula
Pero ano bang magagawa ng isang batang 10 taong gulang na katulad ko?
Sa mga panahong iyon ay wala akong ibang gawin kundi ang magpakasaya at gawin ang mga iniisip kong tama
At ngayon.... 10 taon na ang nakalipas simula nang nahumaling ako sa musika
At 7 taon naman akong nagdudusa dahil sa aking kahibangan
Kahibangan? Kahibangan ba ang tawag sa paghahanap ng iyong kasiyahan? Pagmamahal sa bagay na ibinigay sayo? O kahibangan din ang paggawa ng sarili kong mundo?
Hindi. Hindi totoo ang mga iyan
Pero sa mga nangyayari ngayon
Oo. Kahibangan ang tawag sa paghahanap ng iyong kasiyahan
Oo. Kahibangan ang tawag sa pagmamahal sa bagay na ibinigay sayo
At Oo.Kahibangan din ang paggawa ng sarili kong mundo
Dahil sa sitwasyon ko...hindi ko na malaman ang tamang sagot
Naging dalawa ang aking kasiyahan
Naging dalawa ang ang aking minamahal
At dalawa na din ang aking sariling mundo
Pero ang pinakamasakit ay yung kailangan mong mamili kung sino ang wawasakin at kakalimutan mong mundo.
Ako si Neried Mayhem. Ang babaeng lumaki sa musika at di alam ang kanyang kapalaran kung hanggang sa pagtanda'y ito parin ang aking mundo.
YOU ARE READING
Music is Life, Life is Music
Dla nastolatkówLahat tayo ay may sari sariling pananaw tungkol sa isang bagay. Ang musika...ang isa sa may pinakamalaking bahagdan ng mga tao na naniniwala, gumagamit, tumutugtog, o nakikinig dito. At kasama ako sa bahagdan nito. Mapa vocal or instrumental music...