Chapter 1 - The story begins

219 5 2
                                    

May dalawa akong kaibigan si alyssa cruz at dominique lee

Yuri's POV

Nagising ako dahil sa malakas na kalabog na narinig ko.

"Urrrrgggg. Ano ba yan? Ang ingay ingay! May natutulog dito "
Sigaw ko kung sino man nag iingay don.

Dinilat ko naman ang isang mata ko at nagulat nalang ako kasi nakita ko si lyssa. (Lyssa/alyssa)

"Baka naman gusto mo ng bumangon diyan?" Nakapamewang pa niyang sabi.

"Bakit ba? Ang aga pa lang! Ayan 5:00 am. Saka paano ka nakapasok dito sa kwarto ko? Labas nga" nagtalukbong pa ko sa kumot ko pero makulit talaga si lyssa. Hinila at tinapon pa kumot ko)

"Yaaah! Ano ba kasi?!" Napaupo na ko sa kama ko.

"FYI Ms. Sleepyhead, today's our first day in school. Ang panget naman kung malate ka diba? At idadamay mo pa kami? Ang bagal mo kaya kumilos kaya dapat lang gisingin ka ng maaga, and paano ako naka pasok ng room mo? Well, I just kicked the door. I kept on knocking kanina pero ayaw mo magising. Kaya sinipa ko nalang. Sige. Maligo ka na ha" tinalikuran na niya ako at lumabas na nga.

Psh. Oo na. Ako na mabagal mag ayos. First day nga pala namin.

Pero teka ... naka pasok siya kasi ... sini - sinipa niya yung pinto? Edi nasira ang door ng room ko?

"Lyyyssaaaaaaaa!"

*********

Dominique's POV

"Yuri na nerd hahaha! Bilisan mong kumilos at makaalis na tayo! " sabi ko

"Opo, saglit nalang 5:00 mins okay?" Sabi niya

"Bilisan mo!"

"Excited" ??? Hahaha
sabay sabi ng dalawang baliw kong kaibigan, nagsama nanaman sila!

***

Nakarating na kami sa school. Isang car lang ginamit namin. Nagkatamaran na rin kasi mag drive.

Naglakad na kami sa hallway. Pero bakit parang may something sa school na to?
Hmp. NVM. Hanapin muna namin kung saang section kami.

May dumaan na lalaki kaya hinarangan ko siya "excuse lang kuya, saan po ba nakapost yung sections? "  tanong ko don sa lalaki.

"Ewan ko sayo!" At tinalikuran pa ko ng bwisit. Lalapitan ko sana at masampal pero pinigilan ako ni yuri.

"First day natin dom, huwag ka munang gagawa ng mali, we need to be nice as much as we can." Sabi ni yuri

Makapag sabi naman ng huwag munang gagawa ng mali parang gumagawa naman siya! Eh siya nga tong naaapi at kami ni lyssa ang nagtatanggol sakanya. Eh pano ba naman kasi nerd siya at manang mag suot. Buti nalang meron kami ni lyssa na nagtatanggol sa kanya.

May nadaanan kaming group ng girls. Lumapit si lyssa sa kanila at nagtanong.

"Excuse me po. Uhm. San po ba makikita list ng sections? "

"Ahy yun ba? Nakapost kasi yun sa bulletin board. Diretso lang kayo sa hallway na yan tapos sa unang likuan, kumaliwa nalang kayo ... makikita niyo na yun." Buti pa tong girl na to ang bait hindi tulad ng pinagtanungan ko kanina.

Nagpasalamat na kami at pumunta na sa bulletin board.

NERD Meets The BULLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon