One :: It Started With A Coffee

15 0 0
                                    

A/N:

Chapter title by redberry dahil ang lakas ng tama niya sa pinapanood niya ngayon. :))

-----

Chapter 1

Maagang nagising si Cecille kahit wala siyang pasok sa school dahil summer vacation pa lamang. May part-time job pa kasi siyang papasukan sa isang bookstore mahigit isang oras pa mula ngayon.

High school student palang siya pero may part-time job na, bakit? Dahil sa ayaw niyang maging pabigat sa mga magulang niya, at para kahit man lang mga gastusin niya sa projects at kung anu-ano pang ek-ek sa school ay hindi niya na kailangang humingi sa parents niya. Hindi naman kasi sila mayaman, sakto-sakto lang ang kinikita ng mga magulang niya mula sa trabaho. Ni hindi man lang siya mabilhan ng mga librong gusto niya. Mahilig kasing magbasa itong si Cecille.

Ganun pa man, para sa kanya ay swerte pa rin siya. Isa na ay dahil sa nakapasok siya sa magandang paaralan bilang isang scholar. Wala na siyang binabayarang tuition, basta ma-maintain na mataas lamang ang grades niya. Ang saya, ‘di ba?

Dumaan muna siya sa isang coffee shop malapit sa bookstore na pinagtr-trabahuan niya para magkape. Nakaugalian niya na kasing magkape muna bago dumiretso sa bookstore.

Nag-order na siya at nagbayad nang ibigay na sa kanya ang isang cup ng kape. Palabas na siya mula sa coffee shop ngunit may nagkumpulang isang grupo ng mga lalaki sa tapat ng pinuan. Pilit niyang dumaan habang iniiwas ang kape sa kanila ngunit nagtulakan ang mga ito at nabunggo siya ng isa. Natapon sa kanilang dalawa ang kagagawa at napakainit pang kape.

‘Yung kape ko! Magagalit na sana si Cecille pero inunahan siya ng lalaki.

“What the- Miss! Ano ba?! Didn’t you know that you’re supposed to be careful when carrying a cup of hot coffee? Tignan mo ang nangyari! Tss.” Galit na reklamo ng lalaki nang makita na may mantsa na ng kape ang mukhang mamahalin niyang damit.

“Aba, teka. Ikaw yata yung bumunggo sa akin! Eh, bakit ikaw ang nagagalit? Pa-English-English ka pa dyan.” Nagsitawanan ang mga kasama ng lalaki. Inirapan niya ang lalaki at akmang magwa-walkout na nang hinawakan ng lalaki ang braso niya at pigilan siya. “Ano?!”

“Anong ‘ano’ mo dyan. Sabihin mo, ano ang gagawin mo ngayon sa damit kong nabuhusan ng kape mo?!” Sigaw ulit ng lalaki sa Cecille.

“Ang kapal ng mukha mo. Hoy, hindi lang ikaw ang nabuhusan! Tsaka, may trabaho pa ako. Bye!”

Ngunit hinigpitan ng lalaki ang pagkakahawak sa braso niya. “Akala mo makakatakas ka sa ginawa mo ng ganun lang?” Mukhang galit na talaga ang lalaki at medyo natatakot na rin si Cecille. Ginawa niya na lang ang unang pumasok sa isip niya.

Ibinuhos niya sa kamay ng lalaking nakahawak sa braso niya ang natirang kape. Agad naming bumitaw ang lalaki at tumakbo na palayo si Cecille.

*****

“Ahh!” Nagulat si Zack nang ibuhos ng babae sa kanya ang kapeng sobrang init. Potek, ang init nung kape!

“Hahaha, tol. Wala kang nagawa dun ah!” Natatawa pang sabi ng isa niyang kaibigan nang lapitan siya.

“Langya. Ikaw kaya buhusan ng mainit na kape dyan!”

Nagsisitawanan lang ang kanyang mga kaibigan. “Pero grabe, tol. Ang tapang nung babae ha. Walang-wala si Zack eh,” kumento ng isa pa niyang kaibigan.

“Eh, ano na, mga tol. Sasama ka pa ba?” Tungo nito sa kanya.

Tss. “Sino namang may gustong lumabas na mantsado yung damit? Pass. I’m going home.” Hindi na niya pinansin ang mga pinagsasabi ng mga kaibigan at tinawagan na ang driver para magpasundo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Zack and ZilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon