MAYAMAN ako. I mean yung pamilya ko -_-
SIKAT ako. Hindi dahil sa artista ako pero dahil sa kayamanan ng pamilya ko.
TALENTED din ako. Pero dahil yun lang ang ginagawa ko.
MATALINO ako. Valedictorian ako nung grumaduate ako sa isang prestigious science elementary school sa America.
SPORTY ako. Pero dahil lang yun sa mahilig akong mag-exercise at dinadagdagan ko ng kaunting calculations ang mga laro kaya laging sakto ang mga tira ko. But I don't care anything about those. Bakit?
Aanhin ko naman yun kung hindi kayang bilhin ng kayamanan ang pagmamahal at oras ng mga magulang ko?
Aanhin ko naman ang kasikatan ko kung hindi naman interesado ang magulang ko sa buhay ko?
Aanhin ko naman ang pagiging talented ko kung hindi ko naman sila kayang papuntahin sa mga piano at violin recitals and concerts ko?
Aanhin ko naman ang katalinuhan ko kung hindi man lang nila dinalo ang graduation ko nung elementary?
Aanhin ko pa ang pagiging sporty ko kung hindi ko naman sila kayang pilitin na i-cheer ako tuwing may laban ako sa taekwondo, volleyball and even my soccer games?
Lagi na lang sila busy sa business. Sa trabaho.
Yeah, I can have my own mansion in every corner of this stupid world pero aanhin ko naman yun kung ako lang mag-isa ang titira kasi wala nga naman ang parents ko para samahan ako doon. Kaya kong bilhin ang lahat ng mamahaling sasakyan pero bakit ko naman gagawin yun kung ako lang mag-isa ang sasakay para puntahan ang mga magagandang bagay sa mundo?
C'mon. Mas gugustuhin ko pa ang mamulubi basta may kasama lang ako na kayang ipakita o ipadama sa akin na hindi ako nag-iisa. At least kahit na maghirap ako ay meron akong karamay at kasamang mamatay sa gutom kesa ang mabuhay mag-isa sa mundo hanggang sa ako na lang ang humihinga.
I know maraming tao ang naghahangad na maging isang tulad ko na kayang bilhin ang kahit ano. Marami rin ang gustong makipagkaibigan sa akin at grabe na lang ang pakikipagplastikan nila. Nakakabanas! Akala mo kung sinong mabait. Kaya nga lagi na lang akong nag-iisa dahil sa bwisit na mga plastic na yan. Hindi na lang nagpapakatotoo sa harap ko.
Ikaw reader, gusto mo ba itong posisyon ko? Ang maging anak mayaman, sikat, talented, matalino at sporty? Yung tipong nasa iyo na ang lahat?
Pwes sayo na. Hindi ko din naman ginustong maging ito eh. Ang maging isang Shaine Allysson Neville.
Kaya lang wala akong magagawa dahil ito ang story ko eh.
BINABASA MO ANG
It Started at the Soccer Field
Подростковая литератураShaine Allysson Neville, the only daughter of the best businessman and woman that owns the world's rank one company, finds her life as boring and as lonely as it could be. Everyone knows her and wants to be her friend not because they know her as he...