Chapter 1: FALL

14 2 7
                                    

Hey, readers. I'm Shaine Allysson Neville.

-----------THE----END-----------

Joke -_- Corny no?

Tutal marami na kayong alam tungkol sakin dahil sa napahabang prologue, hindi na lang ako magsasabi ng tungkol sakin.

Andito nga pala ako sa loob ng bedroom ko at currently nanonood sa aking 32 flat screen TV to check the weather. Alam kong pwede ko namang i-check na lang sa net pero mas trip ko 'to kaya wag na kayong makialam.

Ayun, sabi ng tao sa loob ng TV na panahon na daw para paglalaslas. Kaya kinuha ko na ang kutsilyo sa side table at...

.

.

.

.

Syempre joke lang -_-

Ang sabi nung reporter na fine lang daw ang weather ngayon kaya pumunta ako papuntang balcony at tumalon mula tenth floor ng bahay. At syempre joke lang ulit yun -_- Hanggang fourth floor lang ang bahay namin noh.

Pumunta talaga ako ng balcony, tiningnan ang sky at kinumpirmang tama ang sinabi ng reporter. Balak ko kasi ngayon ang maglakwatsa. Napakaboring naman kasi kung hihilata lang ako sa kama ng magdamag.

Pero kung inaasahan niyong sa mall ako pupunta, pwes nakakamali kayo kasi ayoko dun. Ang gusto kong puntahan ay yung sa park kung saan maraming street vendors. Paborito ko ang lugar na yun eh. Pero hindi ganun kadali ang paglalakwatsa ko kasi kailangan ko pang magdisguise.

Hindi ako artista pero kilala ako ng lahat ng tao. Ung family ko kasi ang isa sa may pinakamalaking company na nagp-produce at nagdedesign ng mga high-powered engines. Ang company rin ng pamilya ko ang nag-iinvent ng mga makabagong technologies at dahil dun, well-known ang pamilya ko sa buong mundo at tinagurian ang company bilang 1st sa mga best companies world wide. At malas ko nga naman dahil ako ang nag-iisang anak kaya kilala din ako ng mga tao sa buong mundo.

Back to reality.

As I was saying, kelangan ko ng disguise pero wag nyo akong igagaya dyan sa mga artista na ang mga disguise eh shades and cap with matching hoodie and wig. Hindi ako ganun no. Ang pangit kaya nun, bulok na ang style, masyadong common.

Pumunta at umupo na ako dun sa harap ng salamin ko at biglang may diyosang lumitaw. Joke -_- Syempre magdidisguise na ako nuh. Kinuha ko na yung foundation at nag-apply na sa trabaho. Joke lang ulit -_- Inapply ko na yung foundation sa mukha ko.

Pero imbes na pumuti eh medyo nagdark yung skin tone ko dahil mas prefer kong itago ang totoong kulay ng kutis ko. Tapos sinuot ko na yung black contact lenses dahil sa blue ang mga mata ko at sinabayan pa ng big nerdy glasses para hindi na ako tuluyang makilala ng mga tao.

Kaya lang naman ako nagdidisguise kasi ayokong lahat ng atensyon ng mga tao eh mapunta sakin. Kapag kaharap kasi nila ang isang Neville na gaya ko eh pwedeng makipagplastikan at magbait-baitan sila sa harap ko at ayoko ng mga taong ganun. Hindi ko kasi malalaman kung ano yung totoo sa mga ugali nila. Mas gusto ko pang kamuhian ako ng mga tao sa itsura kong to. At least totoo ang ugaling pinapakita nila sa akin.

Kaya nga ayokong maging mayaman eh kasi wala akong nagiging totoong kaibigan. Paano ko naman kasi magiging kaibigan ang mga taong lumalapit sa akin kung yaman at popularity lang ang habol nila?

At ngayon ay nagsusuot na ako ng stocking na medyo dark brown at gloves na hindi aabot sa shoulder pero hindi rin bababa sa elbow, pero yung color ay pantay lang din sa inapply kong foundation. Nagsuot ako ng black pants na hanggang tuhod tapos nagsuot na rin ako ng isang medyo over-sized na shirt na may naka print na I <3 MYX. Itinali ko na rin ang buhok ko ng papony tail. Tiningnan ko muna ang sarili sa isang full-length mirror.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It Started at the Soccer FieldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon