------------
Ka ga-graduate ko lang ng grade 6 kaya mag fi-first year na ako (Malamang Kyle pagkatapos mag graduate ay mag fi-first year ka. Ka ga-graduate lang diba? Tsk. Shunga! -.- Except sa mga student na nabibilang sa K to 12. Haha :D)
"Kyleeeeee!" - Sigaw ni mama sa baba.
Nandito kasi ako sa 2nd floor ng bahay namin at kaya summer nga, nandito lang ako sa kwarto ko nagbabasa ng mga libro.
"Ano po yun ma?"- Sigaw ko naman sa kanya.
"Bumaba nga kayo ng kapatid mo dito kasi meron kaming importanteng sasabihin sa inyo"-Sigaw ni mama pabalik.
"Opo ma!" -Reply ko sa kanya.
Pumunta naman kaagad ako sa kwarto ng kapatid ko at agad na kumatok sa pintuan niya.
"Jenny pinababa tayo ni mama may importanteng sasabihin daw siya sa ating dalawa" -Sigaw ko sa kanya.
" Bakit daw?" - Jenny
"Aba malay ko, basta sumunod ka nalang sa akin at baba na ako"
Si Jenny Enecio Monasterio pala ang bunsong kapatid ko matalino yan, parating topnotcher sa school namin talo pa nga ako nyan eh! :3 1 year lang ang gap ng edad namin, 13 ako at 12 siya. Maganda rin si Jenny, hindi ko nga alam kung bakit ang lahi namin ay mga gugwapo at magaganda, siguro ang gugwapo at gaganda ng mga ninuno namin kaya ipinanganak kami ng ganito. Halos lahat ng babae nagkakandarapa sa akin maski mga bakla pinagnanasa.an ako. Hahay hirap talagang maging gwapo at sexy. Tsk.
"O andito na pala kayo"- Sabay sabi ni papa sa amin.
"Meron kaming gustong sabihin"- Sabi ni mama.
"Ano po yun?" -Jenny.
"Lilipat na tayo ng bahay" -Mama.
"Ay yun lang pala"- Sabi ko sa kanila.
Sanay na kasi ako at hindi na ako nabigla sa sinabi nila. :3
"Lilipat na tayo bukas, kaya nga inimpake na namin ang ibang gamit natin" -Mama
"Bukas? Agad-Agad?" - Jenny
"Bukas nga sabi diba? Ano ka ba unli? Pa ulit ulit? -Sabi ko kay Jenny sabay binatukan ang ulo.
"Aray! Sakit nun ah? Eh ang grabi naman kasi bukas agad? Di ba pwedeng Next Week nalang o kaya Next Month?" -Sabay sabi ni Jenny na naka pout ang lips.
"Eh bakit ako ang sinasabihan mo niyan dapat sila mama sabihan mo niyan hindi ako, ako ba magulang mo? Ha?" - Sabi ko sa kanya.
"Tss. Maka.alis na nga suplado nito! -.-" - Jenny
-------
Jenny's POV!
"Tss. Maka.alis na nga suplado nito! -.-" -Sabi ko kay kuya. Habang akmang aalis na ako sa harapan niya ay bigla lang niyang tinawag ako at sabay sabi na
"Huwag mung kalimutan mag impake ng mga gamit mo, huwag ka na ring magpatulong sa kasambahay dahil umuwi na sila kaya mo na yan siguro."- Sabi niya sa akin habang nakikinig siya ng music.
Tss.! -.- Mukhang mas excited pa talaga tung si kuya kaysa sa akin! Aisssh! -.-
Naglaro muna ako at nagbabasa ng libro at pagkatapos ng mga ginagawa ko ay hindi ko na namalayan ang oras na mag A-alas 10 na pala ng gabi at hindi pa ako naka-impake patay ako kay kuya nito kapag nalaman niya na hindi pa ako nag iimpake. Dali dali ko namang inimpake ang mga gamit ko at habang nag-iimpake ako ay meron akong nakitang box sa itaas ng cabinet ko at sinubukan ko siyang kunin pero sa kasamaang palad ang kinatatayu.an ko na upuan ay biglang nasira plastik kasi yun at nag tatalon talon kasi ako dahil hindi ko ma abot ang box dahil ang liit ko, kaya yun nabigatan siguro ang upuan sa akin at nag crash ako sa sahig at sa sobrang sakit gusto ko na talagang sumigaw, pero kailangan kung pigilan para hindi ako madinig ni kuya katabi pa naman kwarto namin baka pumasok pa yun dito at pagalitan ako dahil hindi pa ako tapos sa pag-iimpake. -.- Speaking of him, "Anong nangyari dito? Ok ka lang ba? Nasaktan ka ba? Bakit hindi kapa tapos mag impake? Diba sabi ko sayo nag mag impake ka para hindi ma abala sila mama bukas?" - Sabay sabi ni kuya sa akin pero kaysa na magalit siya ay tinulungan nalang niya ako sa pag-iimpake at pinatulog ako at sabay sabi "Good Night na Jenny lilipat pa tayo bukas kaya natulog ka ng maaga!" :) Hahay si kuya talaga ang suplado pero may kabaitan din naman na tinatago. :3
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Short StoryDiba ang sakit sa feeling kapag hinawalayan ka ng mahal mo? Diba masakit rin yung pinapaasa ka sa wala? Yung pinagloloko ka? Tapos hindi ka pala mahal niya, seneryoso mo pa. Alam mo ang dami-daming tao sa paligid natin, Pero bakit mo naman tinatyaga...