Chapter 2: Our New House

22 0 0
                                    

Hi :) Sorry po! Binago ko kasi yung story, last year pa kasi yung Slow Mo eh at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dun! Sana magustuhan niyo po tung bago basahin niyo para malaman niyo kung ano ang nangyari kay kyle pagkatapos ng break up ng ex niya. :)

******

Kyle's POV!

Si Jenny talaga oh ang kulit, ngayon pa lang nag iimpake ng mga gamit niya na mag e-eleven na ng gabi,pasalamat siya mabait ako ngayon dahil nabusog ako sa ginawang meryenda ni mama kanina! Makatulog na nga! Zzzzz

-------

The Next Day ...

Nandito na  kami sa bagong bahay namin akalain mo ang laki grabi parang mansyon kalaki! Pumunta naman ako sa kwarto ko at pagpunta ko dun meron na lahat merong laptop, tv, tablet, at ang pinaka maganda ay ang book shelves ko na ang daming libro, mahilig kasi ako sa libro kaya yun, parang ako na siguro ang bookworm ng paaralan namin kasi daw matalino ako. Mga Favorite kung libro ay yung kay Rick Riordan, meron na nga siyang bagong libro na renelease last 2 weeks ago yung House of Hades bibili pa ako niyan bukas. Haha :D At nagagandahan rin ako sa mga libro ni Nicholas Sparks, ang the best kung nabasa ay yung The Last Song At yung The Notebook grabe talaga yun ang ganda ng storya! :)

"Anak!" -Sigaw ni mama!

"Ano po ma?"

"Tulungan mo nga kami dito ng papa mo na magbuhat nitong iba pang gamit natin na kakailanganin." -Mama.

"Ok po ma!

Pumunta na ako kina mama at tinulungan ko sila na mag impake ng iba naming gamit. Grabe ang bigat bigat ng mga dinadala ko. Pero ok lang, 13 pa nga ako pero malaki ng katawan ko at ang haba pa ng height ko, ang height ko kasi ngayong taon ay 5'6 grabe nuh? sa edad kung to? Talo ko pa yung mga high school students na nasa 3rd year na.  Hahaha. :D

"Anak may sasabihin ako sayo." -Mama

"Ano po yun ma?"

"Lilipat na kayo ng paaralan." -Mama

"Ha?" Nagulat talaga ako, kasi usually kapag lilipat kami ng bahay ay dun pa rin kami papasok sa dati naming paaralan na aming pinapasukan. Pero hindi ko inaakala na lilipat na kami ng paaralan, pero para sa akin mabuti na yun kasi mag fi-first year naman din ako, so wala na akong problema, bahala na si Jenny makipaghalubilo sa bago niyang mga ka klase. :3

"Oo lilipat na kayo ng paaralan kasi malayo na kayo sa dati ninyong paaralan at mahihirapan na kami na maihatid kayo, dahil meron pa kaming trabaho ng papa mo baka ma-late lang kayo. Papasok na kayo sa SSC or St. Scholastica's College, catholic school yan kaya parang bagay kayo diyan." -Mama

"Ha? Isang catholic school? Bakit naman diyan ma?- Jenny. Ito talagang si jenny na to ang epal, kami lang nag uusap ni mama sumabat agad narinig siguro niya na lilipat na kami ng paaralan.

"Catholic School nga diba? Ano ka ba? Pa ulit ulit? Alam mo parati kang unli? Pa ulit ulit ang tanong mo eh sinabi na nga na lilipat diba? Tsk." - Sabi ko sa kanya habang nag tetext ako.

"Sorry kuya ha? Naninigirado lang! Eh bakit diyan pa na school ma?" -Jenny

" Yun lang kasi ang paaralan na private school at malapit sa atin, marami ngang mga schools dito pero halos lahat ay public schools, pero di ko gusto na mag aaral kayo sa public schools kasi baka ano pa ang masamang mangyari sa inyo."  -Mama

"Alam mo ma ang grabe talaga ng imagination mo, may masamang mangyayari agad?" -Jenny.

"Hahay jenny ang epal mo talaga, parang hindi mo kilala si mama na ang overprotective niyan sa atin para nga tayong pagkain na hindi pinadadapu.an ng langaw eh."  Ganyan talaga si mama bata pa kami nun ang protective  niya sa amin, kahit nga magkasakit kami, hindi nalang siya pumapasok sa trabaho niya para ma alagaan lang niya kami, kaya kapag darating man ang araw na mawala si mama sa amin hinding hindi ko talaga yan matatangap kasi siya ang pinaka mapagmahal naming mama. :)

"BTW, Kyle, next week, mag ta-take ka na ng entrance exam sa paaralan na yun, kaya mag aral ka para mapasok ka sa 1st section" -Mama.

"Opo ma!" Si mama talaga, kahit hindi na ako mag aral, makakapasok pa rin ako ng 1st section. Yabang ko nuh? Haha :D Eh totoo naman talaga easy lang para sa akin ang mga major subjects tulad ng History, Math, at Science parang wala na nga akong gana mag aral eh gusto ko na kaagad magtrabaho. Haha ang yabang ko talaga no? :D

"Alam ko na kampante ka, kaya hindi ka na lang mag-aaral, huwag kang kampante diyan, kasi mga matatalino ang mga estudyante doon sa SSC kaya mag aral ka diyan ng mabuti."- Mama.

"Ha? Bakit mo nalaman na hindi ako mag aaral para sa entrance exam?"

Like what? Paano niya nalaman ang iniisip ko? Mama talaga oh ang grabe? May powers ba si mama na makapagbasa ng iniisip ng ibang tao? Nagulat talaga ako. Tsk2.

"Anak kaya kita, kaya alam ko na hindi ka nanaman mag aaral, dahil alam mo na ang lalabas sa exam, tatamarin ka na naman mag aral para sa entrance exam mo."- Mama.

Hahays si mama talaga alam talaga lahat ng pinaggagawa ko. Tsk2.

------

"Ma lalabas muna ako para mag ikot2 sa bahay." Sabi ko sa kanya ng malakas, ang laki kaya ng bahay na nilipatan namin, kaya kailangan kung lakasan ang  boses ko para marinig nila ako.

"Sige anak, pero huwag kang masyadong lalayo sa bahay ha? Bago palang tayo dito kaya huwag kang makikipag usap ng kung sino sino." -Sigaw ni mama pabalik.

"Opo ma." Hahays si mama talaga ang lawak ng imagination. Tsk2. Yun nga nag ikot ikot ako sa bahay, akala.in mo? May swimming pool pala dito at may basketball court? Kaya nung nakita ko yun hindi na ako nag pa ligoy ligoy pa at tinawag ko kaagad si jenny upang maligo kami sa swimming pool at maglaro ng basketball kinuha ko muna ang bola na binili ni papa sa kwarto at dumiretso na agad sa swimming pool. Para kaming bagong labas ni jenny sa bilanggu.an na parang nag wa-wild habang naliligo. :D

"Oyy nakita na pala ninyo ang swimming pool" - Si papa habang naka.akbay kay mama. Nandun kasi sila sa second floor sa may terrace kaya nakita nila kami.:D

"Malamang pa, kita mo na nga naliligo na kami dito oh, itatanong pa ba yan? :p :D" - Jenny.

"Napaka pilosopo mo talaga." Sabay binatukan ko siya sa ulo. Pero sa totoo lang nakakatawa talaga, itatanong pa ba yun na nakita na nga niya kami na naliligo sa swimming pool tapos magtatanong na nakita na pala namin ang swimming pool? Hahays. si papa talaga. Tsk2. :D

Umahon na ako sa swimming pool at nag laro na ako ng basketball. Nag lalaro na ako ng basketball ng biglang bumanding ang bola sa ring at gumulong papunta sa gate na bukas, mabuti nalang walang sasakyan ang dumaan, gumugulong na ang bola papunta sa daan, nung palabas na ako sa gate, may dumaan na babae at nakita ata niya yung bola tapos kinuha niya sabay tanong

"Sa iyo ba 'to?" -Ang babae!

"Ahh o-Oo." -Nauutal kung sabi.

"Ahh, ito oh." -Sabi niya sabay hagis sa bola at may kasamang ngiti.

"Eh? sa-Salamat." - Nauutal kung sabi sa kanya.

"Your welcome." - Sabi ng babae.

Hindi ko na siya pinansin at agad-agad na akong dumiretso sa basketball court, at napabuntong hininga. Grabe ang ganda niya, ang ganda pa ng mata at ang kutis at ang puti grabe! Sheeeyt bakit pa kasi ako nauutal kanina, grabe ang ganda niya kakaiba, at ang cute rin ng height niya at ng smile niya. Bakit kaya nag smile ka agad yung babae sa akin? Siguro nakita siguro niya yung katawan ko na may six pack abs. Haha :D (Ang yabang ko no?.) Topless kasi ako kanina dahil nga galing ako sa swimming pool at naglaro pagkatapos kaya hindi na ako nag suot ng shirt kasi babalik pa naman ako sa pool. Kinalimutan ko na lang yung nangyari at nagpatuloy na lang ako sa paglalaro ng basketball.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon