Jia's POV
Nasa kwarto pa lang ako rinig ko na yung mga tawanan sa ibaba. Ano kayang nangyari doon? Binilisan kong mag-ayos tsaka bumaba kung saan nandoon yung Papu ko at si alien.
"Oh Mel anak! Di mo naman sinabing ang galing naman pala ng manliligaw mo maglaro ng chess. Tinalo ako! Grabe."sabi ni Papu na parang hindi makapaniwalang natalo siya ni Bea.
Kasi si Papu ay magaling when I say magaling, magaling na magaling talaga! Naka-compete nga siya sa ibang bansa just imagine it tapos tinalo lang siya ni Bea. Well di naman nakapagtataka, alien yan baka binasa niya yung mind ni Papu.
"Julia! Tulala ka dyan, kunin mo yung juice sa may mesa painomin mo yung Papu at yung Bea mo baka nauuhaw na sila. "-Mamu
Bea KO daw. Wow ha? At dahil mabait akung anak kinuha ko nga yung juice, inilagay ko na yung juice sa may table kung saan naglalaro si Bea at si Papu. Focus na focus yung alien, di nga ako napansin kaya umupo ako sa tabi niya pero di pa rin niya ako napansin. Aba! Kinurot ko siya pero kinamot niya lang yung part na kinurot ko. Grrrr! Bahala siya! Aalis na lang ako total di nya naman ako pinapansin. Magsama sila ng chess niya bweset! Tumayo ako at pumunta sa labas, maglalakad lang. Miss ko na din kasing maglakad lakad dito. Pumunta ako sa may puno at umupo.
"Hmmmm sharap! Sige hangin pa sige!" Sabi ko habang naka-pikit.
Ganon lang ginawa ko for how many minutes. Narinig kong may tumikhim kaya binuksan ko mga mata ko. Walanjo!
"Ayyy alien!!!" Sabi ko sabay palo sa balikat ng alien na nasa harap ko.
"Ouch baby Jia!" Sabi ni Bea sabay himas sa balikat niya.
Magsosorry na sana ako sa kanya, nakalimutan kong nagtatampo pala ako sa kanya. Kaya insert masungit mode.
"Hmf. Baby your face! Doon ka sa chess mo!"-Ako
Bigla naman siyang ngumiti. Ayt pisteng alien to! :( Jia wag kang magpadala, wag talaga. Magtampo ka dapat magtampo ka dap---
"Nagseselos ba Baby Jia ko sa chess?" She said while smirking.
Ohhhhhhhhhh. Jia wag kang kiligin wag kang kiligin! Pero parang may iba,
"Kapal mo! Wait, may sakit ka ba? Okay ka lang ba? Naging tao ka na ba?" Sabi ko habang inilagay ko yung kamay ko sa noo niya. Anyare dito? Naano ba to? Si alien ba talaga ito?
Kinuha niya yung kamay ko and she intertwined our hands.
"No, Yes and No. Haha bakit? Ano ba meron? Wala naman ahh. Si alien MO pa rin ito." Sabi niya at diniin pa talaga sa MO.
"Tss. Whatever! Doon ka sa chess mo!"-Ako
Bipolar lang pero bahala siya! Kanina nagpapansin ako di niya ako pinansin tas ngayon siya naman magpapansin? Ayaw ko na. Bahala talaga siya. Nagtatampo pa rin ako!
"Baby Jia!!" Nagmamake face si alien pero im trying my best not to laugh. Alam ko kasing gusto niyang pansinin ko siya.
"Ayaw mo talaga akong pansinin?"-Bea
Di ko pa rin siya tinitingnan, tumitingin lang ako sa malayo.
"Sige aalis na lang ako."sabi niya at tumayo.
Tumalikod na siya at tinitingnan ko kung nagbibiro lang siya pero parang totohanin niya yata kasi humakbang ito palayo sa akin.
"BEA!!"-Ako
Tumayo na ako. Napahinto naman siya at lumingon sa akin.
"Sabi ko na nga ba eh! Di mo ako matitiis!" She said while smiling.Tumakbo ako palapit sa kanya and I hugged her.

BINABASA MO ANG
Hello Stranger
FanfictionAnong gagawin mo kung may biglang napadpad sa loob ng dorm niyo, at di mo naman siya kilala. Papalayasin mo ba o aalagaan? Itanong mo na lang kay Jia kung anong gagawin niya dahil yan ang problema niya. JiBea story here!