Chapter 3: Mae Asim Pa

4 0 1
                                    

Ariza's POV

"Wow Riz! Ang aga ah! Himala!" pagpasok ko pa lang ay pang-asar na agad ang naabot ko.

"Shut up ka na nga JB! Ang ingay mo, kairita ka boy." sagot ko.

Sino siya? Ewan di ko kilala yan. Joke lang! Siya si Josh Brian Tan. JB kung tawagin. Kung may girl bestfriend ako, siya naman yung boy bestfriend ko. Ayun, gwapo naman siya, hindi lang pala gwapo.. GWAPONG-GWAPO! Matangkad, tama lang yung kulay ng kutis niya at matalino PERO di ko siya type. Tsaka ayokong may kaagaw na bruha no.

"Wag ka ngang ganyan kay JB, Madi."

Singhal ng malanding bruhang nagngangalang Mae. Siya yung tinutukoy ko. Nagkakilala kami dahil sa reunion ng mga magulang namin. Ang nakakatawa pa eh ex ng mama ko ang daddy ni JB. Pero wala ng awkwardness kasi matagal na panahon na raw iyon. Limang taon na simula noong nakilala namin si JB. Sa limang taong yun ay may tinatagong feelings si Mae sa kanya. Na-love at first sight daw siya. Ewan ko dun! Ako nga yung nahihirapan sa kanya eh. Pursigido 'tong babaeng 'to. Tiningnan ko naman siya ng nang-aasar. Maasar nga to ng konti.

"Eh~ porket c--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko'y tinakpan niya na ang bibig ko at dinala ako sa gilid.

Nag-sign ako na hindi ako makahinga. Pero ang lintek na babae ayun at walang pakialam at diniin pa ang pagtakip.

Ah ganun? Ayaw mong tanggalin ah.

"YUCK! WALANGYA KA MADI! BAKIT MO DINILAAN YUNG KAMAY KO?!? KADIRI KA! EW EW!"

Opo. Dinilaan ko po yung kamay niya.

"Ayaw mong bumitaw eh. Pero in fairness ah, masarap kamay mo. May asim pa!" sabi ko sabay kindat.

"Spell disgusting Madi!?" dagdag pa niya habang naghahanap ng alcohol sa bag niya. Ang arte neto.

"Uhh.. D. I. S. G-- O ba yan or U?" pang-asar ko pa.

Nag-alab ang mga mata niya. Patay, nagalit ko ata. Tumigil ako sa pagtawa tsaka tiningnan siya ulit sa mata. Galit nga.

Binalingan ko ng tingin si JB. Papunta na pala siya sa direksyon namin. Nagpuppy eyes ako sa kanya. I need help.

Napailing lang siya ng nakangiti tsaka pumunta kay Mae.

"Mae. Galit ka kay Riz?" malumanay na tanong ni JB.

Lumapit siya kay Mae at inakbayan ito.

Para namang tuta si Mae nung dumampi ang kamay ni JB sa balikat niya.

"Come on Mae! Wag ka ng magalit, libre kita ng ice cream mamaya."

Hindi sumagot si Mae pero halatang pinipigilan niya lang yung ngiti niya. Hindi yan dahil sa libre, dahil yan kay JB.

"Oo nga Mae, sorry na. Wag ka na galit ha. Eh kasi naman di na ako makahinga eh. Tsaka don't worry, di dirty bibig ko. I brush 5 times a day." sabi ko sabay beautiful eyes.

Unti-unti siyang ngumiti. "Sige na nga! Basta siguraduhin mo lang na masarap yung ice cream ah."

"Oo naman Mae, masarap talaga si JB este yung ice cream."

Natawa lang kaming dalawa ni JB. Mag-bro kami neto eh. Sinabihan pa akong manyak. Taena.

Namula naman si Mae. Ew, landi neto. Sakto namang pagkatapos ng pagtawa namin ay dumating ang teacher.

Naupo na kami. Magkatabi kaming tatlo, si Mae yung gitna sa 'min. Nasa pangatlong linya kami.

Maya-maya'y may binulong sa akin si Mae. Kahindik-hindik nga eh.

"Thanks hihihi."

Oh diba? Parang witch lang.

"Landi mo masyado, Mae. Conceal, don't feel." payo ko.

Natawa lang naman siya. Moody din to oh.


xxx: Oo na, sa tinagal-tagal kong mag-update eto lang nakayanan ko. Huhuhu! I-delete ko nalang kaya to? 😢

- byunluxxx

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Life in Every StanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon