The promise

7 0 1
                                    

Nag simula ang lahat ng mamatay ang lolo ko. Siguro para sa isang 16 years old. They would never do that thing. To sacrifice what they want and their Goals. From just one promise. Promise are meant to be broken. That's how my life goes by before. I break promises, Because i know in some point i didn't meant to tell those words in some people. But when my lolo died. I always did everything just to fullfill the promise i made. Naalala ko pa nung naka confine sya sa hospital. Sabe nya sakin

"Anak, okey na ako. Basta ikaw na ang bahala sa kanila lalo na sa mga kapatid mo"

Sinubukan ko na wag umiyak habang kausap ko ang lolo ko. But i know anytime pwede nang tumulo luha ko. Pero pinigilan ko. Kase alam ko kailangan kung mag pakatatag at ipakita na kaya ko.

" ansakit ng puso at tagiliran ko" saad ng lolo ko.

Naka ngiti sya habang sinasabe nya yun. Pero ramdam ko at kita ko sa mga mata ang hirap sa kalagayan nya. 

 Mas masakit tay, pag walang puso at tagiliran. Sabi ko sa kanya at tumawa kameng dalawa. Unang beses na nakita ko ang lolo ko na nahihirapan parang gusto ko na ako ang pumalit sa kalagayan nya. Napaka buti nyang tao para arugain kami ng kapatid ko. Pinalaki nila kame ng lola ko. Kahit napaka pasaway ko never nya akong pinag salitaan ng masakit ni sumbatan.

 I been dependent to my grandfather. Because his the only person i count in. He knows me so much, He carried everything just to give what i need. And i'm very thankful and Proud na may Lolo ako na kagaya nya ..

Mahal na mahal ko ang lolo ko. Ayoko na malalayo ako sa kanya. Kase sya lang ang umiintindi sa akin. Siguro kung di sya nababad sa kakatrabaho para sa amin. Siguro di sya mag kakasakit. 

Nang gabing yun nag paalam ako sa lolo ko na uuwe muna sa bahay. Iniwan ko sila ng lola ko. Sabi pa nga ng lolo ko nun.

" uuwe na tayo, wala na tayong pera pang bayad dito pag tumagal pa. Kaya ko na naman at malakas na ako"

Natuwa naman ako nun. Sabi ko pa nga makakasama na si tatay sa bahay. At di na puro naka puti àng nakikita nya. Mga may sakit at gamot na iiniinom nya oras-oras. Dextrose na laging nakakabit sa kanya. At higaan na alam mo ayaw mong higaan dahil pang may sakit lang ito. 

Naglalakad nako pa terminal. Parang ayaw ng paa ko na umalis at mag bantay pa muna. Kaso nakapag paalam naden ako. At babalik naman ako ka agad sa hospital bukas. Yun na lang iniisip ko.

dahil lutang ako masyado di ko na namalayan na malapit nako sa bahay. Pag dating ko. Ay nahiga na agad ako at natulog pass 4am nagising ako. Napanaginpan ko ang lolo ko na na mamaalam na at malayo pa daw ang pupuntahan nya nakaputi na sya na sout at niyakap nya pako bago sya pumasok sa isang pintuan. Hinabol ko sya pero di ko na abutan. Nagising ako agad nun. 

Beep beep * tunog ng cellphone ko. 

Fr. Tito

Wala na si tatay iniwan nya na tayo.

Pagka basa ko nun agad akong umiyak tinatanong nila ko kung bakit ako nag wawala habang umiiyak. Hindi ako makasagot. Pakiramdam ko. Namatay na den ako.

Umiyak lang ako ng umiyak at nag wala halos masira ko na yung dingding ng bahay namin. Ganito pala ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay na sobrang malapit sayo. 

For the first time in my life. Umiyak ako na parang walang bukas di ko matanggap. Di ko alam kung anong gagawin ko sobrang sakit. 

Kung kaya lang sana makipag palit ng buhay at naibibigay iyun. Ibibigay ko sa lolo ko ang buhay ko. Ayoko pa syang mawala. Pero anong magagawa ko? Wala diba. Ganun naman palagi. Lagi nalang akong naiiwan nang taong pinahahalagahan ko ng sobra at nang taong na iintindihan ako. Una ang papa ko iniwan ako simula baby pako. Sunod ang mama kung umalis para sa ibang lalake. Lolo ko na nga lang ang natitira na nag mamahal sakin kinuha pa nya. Bakit napaka unfair? Yung iba dyan kompletong pamilya ako. Yun lang ang meron ako. Kinuha pa nya ...

Wala akong maramdaman nang araw na yun kundi sakit at galit

Humiling na sana lahat ng yun ay joke lang. April false kung baga.  Tapos biglang iuuwe si tatay na naka ngiti at masigla na. Pero hindi. Kahit anong iluhod ko at iiyak ko sa Diyos. Di nya binuhay ang lolo ko.

Umuwe ang lolo ko sa bahay pass 8 am na.

Nakalagay na sya sa ataul at nakabarong. Pumunta ako sa kabaong ng lolo ko sabi ko

" Andaya mo tay, sabi mo mag babarong kalang pag hinahatid mo nako sa artal at iaabot mo ang kamay ko sa mapapangasawa ko "

Pinag masdan ko ang lolo ko. Walang nag bago. Para lang syang mahimbing na natutulog.

Isang linggo at apat na araw na ipinaglamay namin ang labi ng lolo ko.

At lahat ng araw na yun. Bawat pumupunta sa burol nya ay pinapatawa ko. Palagi lang akong naka ngiti. Palagi lang akong nag papasaya ng mga tao doon. 

Sabi nga nila

" Parang masaya ka pa na nawala lolo mo"

Akala nyo lang yun pero di nalang ako sumasagot pag nag sasabi sila ng ganun sa akin. Hindi nyo alam kung gano kasakit para sa akin. Pero tinago ko, ininda ko para sa lolo ko sabi nya kase ayaw nya na umiiyak ako. Bata palang ako pag may gusto ako at di maibigay iniiyakan ko ang lolo ko. Di nya ako natitiis kaya ibinibigay nya den agad.

Spoiled ako sa lolo ko. At sa lahat ng apo nya ako pinaka mahal nya. Ako yung Laging inuuna nya. Ako yung laging napagbibigyan at inaalala.

Kaya pano nila masasabe na masaya ako na mawala ang taong pinaka mahalaga para sa akin?

Umiiyak naman talaga ako. Pero sa harap nya lang. Pag ako nalang yung Bantay kinakausap ko sya. feeling ko nga pag iniyakan ko sya. Tulad ng dati ibibigay nya agad. Gusto ko na bumalik sya, kahit ano gagawin ko. Lahat ng utos nya. At gusto nya susundin ko na. Pero wala e.

Iniwan nya na talaga ako. All i can do that time it's to pretend that i'm fine. 

And the saddest day of mylife is April 25, 2014.

4am in the morning that's the exact time i lost my beloved Tatay no one Can ease the pain. I will always lost without him. His the only one i treasured the most.

No Bestfriend and Friends who came to comport me nung ililibing sya. I felt so lonely. In that day i've promise to myself na magiging independent nako. At sarili ko lang ang aasahan ko wala ng iba. Gagawin ko lahat para sa pangako na tutulungan ko ang kapatid ko. At lola ko.

That day i also promise to myself that i can't bear to lost someone in my life again. So i will fight as hard as i can. Just to make them stay in my life.



Fallen TearsWhere stories live. Discover now