Work work

6 0 1
                                    

I become so matured now. It's been 5 months tatay since you left us. i work hard to earn money for them. Di nako nag aral kase wala ng mag papaaral pa sakin. Ikaw lang naman ang nag aalala para sakin. Pero hayaan mo tay. Pag kaya ko na mag-aaral ulit ako.

Araw-araw before ako pumasok sa work dumadaan ako sa sementeryo para mag kwento sa lolo ko. Isa nakong sale's lady sa isang mall sa lugar namin.

16 palang ako. Kaya kinailangan ko pa ang ate ko. Buti nga at kakilala nya ang isang may pwesto doon. Kaya nakapasok ako. 

Maayos naman ako doon. Ang kaso sa 3 buwan ko doon palaging kulang ang pasahod sa akin. Kaya di nag tagal umalis naden ako sa work ko doon.

Naging babysitter naman ako. Mura lang ang sahod pero pinatos ko na walking distance lang naman nag 1 buwan at 2 linggo naman ako doon. Dahil nga sa mura ang pasahod at kulang pa para sa gastusin namin sa bahay umalis din ako.

Nag apply naman ako sa patahian. Na tanggap ako pakyawan naman doon. Sa una mahirap lagi nga akong natutusok ng karayom. Di ko naman kase hilig ang pagtatahi. Pag minsan rumaraket ako sa dati kung teacher taga massage nya at minsan taga plantsya. Nung Fourt year high school ako ng umuwe lolo ko sa probinsya naging sideline ko ang mag massage sa mga teacher sa faculty. Di ko nga ineexpect na dadami sila e. Ang English teacher ko na si ma'am  Estrabo lang naman noon ang hihilutin ko dahil nga ipapatawag nya pa lola ko. Eh marunong naman ako kaya ako na nag presenta hanggang sa lagi ako pinapatawag ng mga teacher. Yun na ang naging income money ko. Madalas di nako humihinge sa lola ko ng baon. Nakakapag abot narin ako sa kanya nun.

Hanggang ngayon ineextra ko paden yun. Para naman may pera pako na maipon.

Tuloy-tuloy ako sa pag wowork para makatulong sa bahay.

Bumalik narin ang mama ko sa bahay. Ng may anak ng dalawa pa ulit lalo ko tuloy kailangan mag trabaho.

para naman mabawasan istress ko. Nag papaligaw din naman ako. Di lang halata. Marami narin akong naging boyfriend before na di alam ng lolo ko.

Hehehe ^_____^v pasaway kase talaga ako. Pero sa dami ng naging bf, at pinaasa ko. Isa lang ang minahal ko. Si Caf lang. Ang kaso dahil immature pako nun. pinagpalit ako sa Bestfriend namen. Sakit diba? Haha. Pero mas masakit paden nung nawala lolo ko.

Naging man hater din ako. Niloko at pinaasa ko din ang mga lalake Akala ko kase pag ginawa ko yun makakaganti nako. Kaya walang nag tagal na boyfriend sakin. Dahil ayoko na talaga mag seryoso may mga times nga na gusto ko na mag seryoso kaso playboy naman den yung iba kaya pinagpatuloy ko nadin ang kagagahan ko.

Lumipas ang taon at buwan unti-unti nakong bumalik sa dati. Sumigla na ulit ako at natanggap ko narin na wala na si tatay. Pero ang di nag bago ay yung pagiging play girl ko.  And one day. Nag decide na den ako na mag seryoso na at mag try ulit na mag mahal. 17 nako that time. At dahil nga siguro gusto ko nadeng maging happy kahit papano nag baka sakali ulit ako mag seryoso.

But it doesn't mean na nag bago na. Kailangan ko paden mag work para sa family ko. Pero syempre di ko naman maiiwasan ang love life. Haha. Di ko nga lang nilelegal. Ayoko ng issues kaya tinatago ko.

At sana gaya ng work ko. Sana mag work din tong papasukin ko ulit na karelasyon. Gusto ko naden maging stick to one at maging seryoso sa ganyan kaso sa totoo lang? Di ko alam kung papano mag sisimula lalo na sanay na ako na maging play girl.



But i believed that there's no harm on trying. :D and lemme work this out to baby Hahaha :D pak ganern!

Fallen TearsWhere stories live. Discover now