chapter 3: Locker Girl

27 1 2
                                    

'Michael Romero' ang pangalan ng werdong lalaking inaway mo kahapon.wika ni Aivee sa kaibigan. I think we owe him an apology so i find him."dagdag pa nya.

"W-whattt? malakas na bulyaw nya. You're crazy. Bakit mo naman yun ginawa? tanung naman ni Amber sa kanya. Hindi sya makapaniwalang ginawa iyon ng kaibigan. Masyado syang mabait.

"Amber, mabait naman yun tao eh. kinausap ko lang sya at humingi ng tawad. Naalala niya kung paano nya ito ginanap kahapon nung nagkaroon sya ng chance para hanapin ito. Saktong wala ang isang prof. nila at nasa library sila ng kaibigan. Nagpaalam sya at agad na hinanap sa buong campus ang naturang lalaki. Hindi naman sya nahirapan dahil agad din nya itong nakita.

Napansin nyang nagsusulat ang lalaki ng nilapitan nya ito. "Hi" bati nya sa lalaki. napalingon naman ito sa kanya at agad na isiniksik ang papel sa hawak nyang notebook.

"H-hellow... sagot naman nito sa kanya.

"Ako nga pala si Aivee..kaibigan ni Amber, pasensya kana sa mga sinabi sayo kahapon ni Amber. Mabait naman yun eh. Wala lang yun sa mood kahapon at nagkataon na ekaw ang napagbuntunan nya." paliwanag nya sa lalaki.

"W-wala yun..sanay naman na ako, sagot nito sa kanya.

"Hindi ka galit? paninigurado n'yang tanung dito. Umiling lang ito sa kanya at ngumiti.

"M-michael Romero... wika nito sabay abot ng kamay nito sa kanya. Tanda na nakikipagkaibigan ito sa kanya. Nabunutan sya ng tinik dahil mabait naman pala ang lalaki, mabuti nalang at nakinig ito sa paliwanag nya. Nagkaroon pa sila pagkakataon na makapag-usap ng matagal. Hanggang sa nagpaalam na din sya sa lalaki. Bukas nalang nya sasabihin sasabihin kay Amber ang pag-uusap nila ni Michael.

"Hindi mo dapat yun ginawa Aivee, dapat lang yun sa kanya. pagmamatigas pa din ng kaibigan.
Kilala nya si Amber at alam nyang ang mga sinabi nito ay ang tunay nyang nararamdaman. Kapag ayaw nya sa isang tao ay hindi sya mapipilit.

"Okey, hindi naman kita pipiliting makipagkaibigan sa kanya. But please subukan mo nalang na wag syang singhalan. Just be kind, that's it." wika nito.

"Whatever.... saad nya.

"Wag kana magalit, atleast nakahingi ako ng sorry sa kanya diba?, piwanag nya na lang sa kaibigan.

"Fine. Wag na nga natin sya pag-usap, wika naman nito. Wait! diba si Adrian yan? tanung nya sa kaibigan.

"Oo nga sya yan....

"Tara lapitan natin. saad nya at hinila ang kaibigan. Nag-iba bigla ang mood nya nakangiti na ito ng makita ang lalaki. Hindi pa din nya makalimutan ang unang beses na kinausap sya nito kahit na walang epekto dito ang pagpapa-cute nya. Sinabayan na lamang ni Aivee sa paglalakad ang kaibigan. Basta pagdating kay Adrian mabilis pa ito sa alas kwatro. Pag-ibig nga naman. Pero hindi naman nakapagtataka na marami ding humanga sa lalaki. May katangkaran ito at hindi naikakailang may itsura ito. Sa tingin pa nga nya ay bagay sila ni Amber dahil maganda din ito. Siguro kapag nagkaanak sila ay magaganda at guwapo din tulad nila.

"H-hi... bati ni Amber sa lalaki. Nasa gilid naman nya si Aivee.

"Locker girl.....wika nito ng makita sya, medyo nainis sya sa pagtawag nito sa kanya ng locker girl nakaramdam tuloy siya ng pagkahiya.

"You can call me Amber or Caite, yan ang pangalan ko. sagot naman nito sa kanya. Tumawa naman ang lalaki dahil siguro nahalata nitong medyo inis sya. Nangunot naman ang noo nya.

"Hahaha...im just kidding. I know you actually...i know you both..sagot pa nito. Kahit panu ay nakabawi ang lalaki ng sabihin nito na kilala sila nito, ibig sabihin nun isa sya sa mga admirer nya.

"But dont think that im one of them kung yan ang iniisip mo...ngumiti ito. Alam nya kung anu ang ibig sabihin nito, nakakabasa ba sya ng isip. tanung nito sa sarili. Inismiran nya lang ang lalaki. Tahimik lang si Aivee habang tinitingnan ang dalawa para silang asot pusa na hindi magkasundo.

"Hahaha...ang pikon mo naman, pang-aasar pa nito. Mali atang lumapit sya sa lalaki, hindi sya ready dahil sa pagiging cold nito sa kanya. Mapang-asar pala ito. Pero wala na syang magagawa dahil nakalapit na sya dito.
"Oh, sorry. If i offend you." dagdag pa nya.

"Ewan ko sayo.... sagot nalang nito. Tatalikod na sana ito ng bigla naman itong nagsalita.

"Im sorry... ang bilis mo naman mapikon.. wika nya. Humarap naman syang muli para makita kung seryoso ang kaharap at nakita naman nya na sincere ito sa paghingi ng sorry...

"Apology accepted...mabilis naman nyang sagot dito.

"A-drian.... pakilala nya sa mga ito. Inabot naman ni Amber ang kamay nito para makupagkamay at ngumiti.

"Amber Caite... at sya naman si Aivee, pakilala nya. Siniko sya sa tagiliran ni Aivee, pagdating talaga kay Adrian para itong namamagnit. Hinayaan nalang nya ang kaibigan na makipaglapit dito dahil alam nyang matagal na itong gusto ng kaibigan at nakikita naman nitong masaya ito kapag kaharap si Adrian.

Mula ng araw na yun ay naging malapit na sina Amber at Adrian sa isat-isa. Kapag vacant time ay kasama nila ang lalaki sa paborito nilang tambayan. Masaya si Aivee para sa kaibigan dahil sa wakas ay natupad din ang matagal nitong hiling na mapansin at mapalapit sa lalaki.

Who Killed My BestFriend? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon