Chapter 7

15 1 0
                                    

CHAPTER 7

I’m happy and single. Inaccept ko na yun. Birthday ko na mamaya. Gising parin ako e. Paano ilang kape ininom ko.

Kape nalang kesa beer.

Mamaya din kasi sana ang 3rd anniversary namin.. Sana kung kami parin.

“Happy birthday, tanda! Happy birthday, tanda! Happy birthday, happy birthday, happy birthday, TANDA! Hahaha. I love you, bestfriend. Thank you dahil ang tagal na natin. Boyfriend? WALA YUN! Walang forever sa mga yun! Satin lang, satin lang magkaibigan yun. Pero joke lang, malay lang natin, forever talaga kayo ni Kenneth. Mehehehe. Wag ka magagalit sakin. Alam ko magigising ka mamaya or gising ka na. Labas tayo exactly one o’clock para unique. Love you. Pick you up later. From your bestfriend, SARA NA SOBRANG GANDA. Muah xx”

Natutuwa lang ako, tama siya. Ang forever, samin lang magkaibigan yun.

At dahil nga 12 na. Nag-umpisa ng magtext ang kung sino sino. Don’t get me wrong, I didn’t give my number. Puro sila stalkers. Hahaha.

Nagbuklat nalang ako ng libro habang nagvvibrate yung phone ko.

Nasa 30 minutes palang siguro ako ng pagbabasa ako ay may nagmiss-call sakin.

Tumingin ako sa window, at kotse ni Sara andun.

Naligo na ako, automatic namang pumasok siya sa kwarto ko.

“Ako mamamimili ng damit mo, girl ha?”

“WTF? You want me to wear that?” tanong ko agad nung nakita ko yung nilabas niya sa cabinet ko.

It’s a plain white dress and white doll shoes. Mukha akong inosenteng inosente. Birheng Maria.

“Please?” sabi niya sabay beautiful eyes. “HAHAHA. Priceless. Joke lang. To suot mo to.” Sabay haggis niya sakin ng leopard na dress. Tipong kita ang shape ng katawan ko, criss cross sa likod at sa parting harap. Wild.

“Gift? Awwww. I love you. Thankssssss.” Sabi ko sabay kiss sakanya sa cheeks.

“Kulang shoes, Sara. Hahahaha.” Binatukan naman niya ako.

“Sino nagsabing kulang? Ayan oh!” sabi niya sabay turo nung box sa baba. Pump leopard heels din.

She knows I like leopard stuff.

“Wait, maganda porma ko pero ikaw? Bakit, too simple?” Tanong ko habang naglalagay ako ng make-up.

Kinindatan niya lang ako.

Ng natapos na ang lahat lahat, nilagyan niya ako ng eye mask.

“Wag ka mag-alala, walang mangyayaring masama. This will be your best birthday everrr. I swear.”

I just laughed. Never pa naman niyang ginawa to sakin pero natutuwa ako seeing how much effort this lady has given me.

Nakabukas lang ang bintana dahil nirequest ko yun. Masarap kasi ang hangin.

“Malapit na ba tayo?”

“Oo. Bakit?” sagot agad ni Sara.

Parang alam ko ang lugar na to. Alam ko yung amoy kaso nalimutan ko kung saan.

“Friend, love kita. Pero wag kang magagalit sakin ha?” tumigil naman siya.

My Yumi (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon