Chapter 1

20 1 0
                                    

“Yumi, pwede ba tayong mag-usap?” Text sakin ni Kenneth.

Nakahiga ako ngayon sa kama, kagigising ko lang. Hindi ko alam pero kinabahan ako sa text ni Kenneth. Boyfriend ko siya, at matatawag kong unique ang relasyon namin.

Ex ko siya at hindi naging maganda ang samahan namin noon. At sa hindi malamang dahilan, pagkatapos ng tatlong taon para nalang may magic na dumapo at naging kami ulit.

Inumpisahan ko naman ng pindutin ang cellphone ko. “Good morning, kababasa ko lang ng text mo. Bakit?”

Wala pang dalawang minute ng nasend ko yun ay tumawag agad siya.

“Morning!” bati niya agad nung sinagot ko.

“Anong meron?” tanong ko agad.

“Hindi ka manlang din ba mag-gu-good morning sakin?” Natawa ako dahil para siyang batang nagsusumamo.

“Edi good morning. Parang bata. Oh, ano ng meron? Tinatakot mo naman ako sa text mo e.”

Narinig ko naman ang mabigat na paghinga niya. Ewan ko. Goosebumps ba yun? Yung tipong tataas lahat ng balahibo mo?

“W-wala. Basta! Usap tayo mamaya ha? Labas tayo mamaya.”

“Lalabas kami ni Sara mamayang lunch, dinner tayo?”

“Sama ako sainyo ni Sara!!”

“Che! Quality time muna naming magkaibigan ‘yon noh!”

Tumawa naman siya. “Joke ko lang, to naman. Alam ko namang namimiss mo na siya dahil ako lagi mong kasama e. Saan kayo pupunta?”

“Sa mundo namin. Hahahaha.”

“Seryoso” Tila tatay ko ata ang nagsalita nung sinabi niya yun. “Saan kayo pupunta?”

“Kung san kami lagging nagbobonding. Sa bakanteng lote sa likod ng school.”

“Mag-ingat kayo ha.”

“Yes boss.”

“Ibaba mo na, Yumi. Kakain palang akong breakfast ko. Good morning ulit! I love you!”

Hindi naman matanggal ang ngiti sa labi ko. “Good morning, I love you.” Sagot ko at ibinaba na.

Tumayo naman na ako mula sa pagkahiga at inayos ang kama para kumain at magbihis.

“YUMI! ANG BAGAL MONG MALIGO!” narinig ko na ang sigaw ni Sara.

Baliw talaga tong babaeng to. Hindi ko na siya sinagot bagkus ay binilisan kong maligo.

“Ang tagal mo talagang maligo, friend. Ever.” Sabi ni Sara pagkalabas ko ng banyo at habang naggigitara siya.

“Uy! May dalang gitara! Marunong ba? HAHAHAHA!”

Tinapunan naman niya ako ng unan.

“Makatawa naman, ikaw, marunong ba?”

“May sinabi ba akong marunong ako?”

“Wala pero yun pinaparating mo.” Sabi niya sabay taas ng kilay.

My Yumi (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon