Ang ikalawang pagtutuos..

533 2 13
                                    

After ng malalim na pag-iisip..

malalim talaga? eto yung part II ng feature na ito..

-selya

___________________________________________________________________________

Kung mahal mo ba ang isang tao, makakaya mo syang paghintayin ng ganoon katagal?

-Para sa mga nagpapahintay dahil may current jowa, aalis, pupunta sa malayo at kung anik anik pa.Kung mahal nyo talaga sya, wag nyo syang paghintayin, dahil hindi nyo alam kung gaano kasakit ang maghintay, lalo na yung tipong ok na ok sya tapos ikaw hindi mo alam kung may hinihintay ka ba. Masakit yun. (may pinaghuhugutan? haha)

Don't play on peoples emotions.

-Aba, ikaw na nakikipaglaro sa emosyon ng ibang tao, maawa ka naman. Kung hindi mo sya gusto, wag na wag mo na syang bibigyan ng kahit kaunting pag-asa dahil yang konting pag-asa nay an, kahit gaano man yan kaliit, pilit nya yang panghahawakan. Kung di mo sya gusto, wag mo na lang pansinin. Wag mo na syang pahirapan pa.

 

You don't deserve to cry every single day just trying to force someone to love you.

-Kung hindi ka nya mahal, wag mo ng ipilit dahil sa di katagalan, mawawala din yang pilit na pagmamahal nay an kung sakaling pumayag man sya na maging kayo. Matuto ka nalang maghintay dahil sa tamang pagkakataon, dadatiing din sayo ang isang taong di mo man pilitin mamahalin ka pa din.

Kung gusto mo talaga makamove on, lumayo ka, hangga't nasa paligid mo lang sya hindi ka talaga makakausad.

-To be able to move on, kailangan mong lumayo sa kanya. It’s a necessity. Dahil kahit ang pinakamalakas na tao humihina pag andyan ang taongmahal nya. Mas lalo mong maaalalang wala na sya pag andyan lang sya sa tabi tabi. Ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para makalayo ka.

“Ang mga lalaki kasi kapag ayaw na, gagawa yan ng mga bagay na ayaw ng girl, ipaparamdam niya yun sayo ng unti-unti."

-Oo, ganun sila kabrutal at hindi natin sila masisisi kung ganoon man sila. Sometimes we fall out of love without any reason at all at yun ang katotohanan ng lahat ng taong nagmamahal. Ang love talaga ay on going process. Pero kung mahal nyo talaga ang isa’t isa, hahanap at hahanap kayo ng paraan to fall in love again.

Wag mong hahayaang mawala ang isang taong pwede namang maging sa'yo.

Kung mahal mo talaga sya at mahal ka nya, wag mo ng hayaang mawala pa sya sa’yo. Ang love minsan once in a lifetime lang dadating sa isang tao. Kaya nga may mga tumatandang dalaga eh. Sunggaban na yan kaagad.

Girls are more idealistic than guys. Papangatawanan nila yung pininta nilang lovestory sa isip nila.

-Totoo ito. Kayanga ang mga babae minsan adik sa lovestories, pocketbooks, etc. etc. Kaya minsan sa totoong buhay, kahit hindi na makatotohan, gusto pa din nilang gawin ng lalaki yun para sakanila. Walang masama pero sa panahn  ngayon madalang na ang mga lalakingmagtyatyagang haranahin ka pa sa gabi, dumalaw sa bahay para magsibak ng kahoy at kung ano ano pa.Minsan lang talaga gusto ng mga babaeng maglambing kaya gagawa yan ng paraan para maging memorable ang bawat moment ng lovestory nya.

________________________________________________________

pasensya na konti lang..haha

sa susunod dadamihan ko.

INLOVE KA BA?SAWI? TRY MO TO..(tips sa mga inlab-abo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon