Sa harapan ng Ninoy Aquino's international Airport may pumaradang isang napakagarang sasakyan at inilabas noon ang isang napakakisig na binata.
Maputi ang balat, matangos na ilong, Maayos ang tindig at may mapupulang mga labi. Nakasuot ng puting T-Shirt na pinatungan ng black leather jacket at nakasuot ng maong na pantalon. Meron din itong shades at nakapasak sa tenga nito ang earphones.
Sumandal siya sa kanyang kotse habang ngumunguya ng bubble gum. Halatang may hinihintay.
Halos lahat ng tao ay napapatingin sa kanyang dereksyon ngunit binaliwala ito ng binata at kinalikot ang cellphone.
Maya-maya sa harapan ng napakakisig na binata ay may humitong babae sa harapan nito. Naka puting v-neck t-shit at itim na pantalon. Nakasuot ito four inches na heels at may bitbit na traveling bag.
Maputi ang babae matangos ang ilong, mapupula ang mga labi, at maganda ang tindig. Humalukipkip ito sa harapan ng binata at nagsalita.
"Still same Lucas Enrique Martin." Saad nito at napataas ng tingin ang binata saka tinangal ang nakapasak na earphones.
Pagkakita niya sa dalaga ay napangisi ito at umiling. "Well, you are still beautiful Rain Denise Fontanel." Anito at kinuha ang bag niya. "How's the vacation?"
Kumibit balikat lang si Rain at napatingin sa kanyang paligid. Nakita niya na halos lahat ng tao roon ay napapatingin sa kanilang dereksyon ngunit binaliwala niya lang ito.
Ngumisi ang babae saka sumakay sa kotse ng binatang nagngangalang Lucas.
Sumakay silang dalawa sa kotse at pinaandar ito. "So," panimulang saad ni Lucas. "Kumusta ang bakasyon."
Ipinatong ni Rain ang kaliwang hita niya sa kanan at nakangising sumagot. "Hindi naman ako nagbakasyon eh, I finished some missions abroad. Paris to be exact."
"Yeah, I know but chief Mendez gave you a two days' vacation, right?"
"Well, I just sleep and recharge my body. Wala akong oras para mag-sight seeing"
Natawa si Lucas habang umiiling. Para bang hindi makapaniwala sa insal ng kaibigan.
"Tulog ka nalang ng tulog, kahit sa ibang bansa dala mo ang habit mo'ng ganyan."
Ngumisi siya. "Well, yun lang naman ang gusto kong gawin pag wala akong mission. I need to recharge my energy kasi pagnakaharap na ako sa misyon wala akong oras para matulog."
"Hmmm, sa atin naman ikaw ang pinaka-seryoso." kumindat si Lucas sa kanya.
ngumisi siya. "Ganun talaga."
tumikhim si Rain. "May bago bang mission na ibibgay si Chief kaya pinauwi niya ako agad galing paris?" mahabang tanong niya.
"You are really obsess with your works." May hinugot si Lucas sa bag nito na isang folder at ibinigay ito sa kanya. "That is your new mission. Pag-aralan mo muna bago ka pumuta kay Chief bukas." Tumango siya at binuksan ang folder.
"Luke Ian Santiago?" Basa niya sa pagbukas niya sa folder. "Twenty seven years old CEO of Santiago chain of hotels?"
Umiling siya tinitigan si Lucas na abala sa pagmamaneho. "bakit may isang Luke Santiago sa isang mission 'ko?"
Nagkibit-balikat ang binata. Mukhang wala rin itong alam. Hindi niya ito masisi ang mga misyon na hinahawakan nila ay exclusive lang sa mga agents na naatasan para doon. They can't just give information that easy.
"Walang masyadong impormasyon ang binigay sa akin ni Chief but, he said that Luke is the next target of that Syndicate."
Namilog ang mga mata niya at tila excited na ngumiti. "The one we've been after for two years?"

BINABASA MO ANG
SOLDIER
ActionVICIOUS GIRLS SERIES #1: SOLDIER | COMPLETED Katotohanan, Estado ng buhay, Realidad, kaligtasan at panganib, Ilan sa mga bagay na mahirap kalabanin at mahirap lagpasan. Ngunit, hanggang saan kayang ipaglaban ng prinsipe ang pagibig niya para...