JHO.
Sinadya ko talagang gumising ng maaga ngayon, gusto ko kasing pagsilbihan si Bea, Nuks! Oo nga, kasi baka umabot ng 1 month bago kami magkita ulit. Bakasyon na kasi, so kailangan kong umuwi ng Batangas usually ganun naman talaga ang ginagawa ko palagi. Kahit si Bea rin, kailangan din niyang umuwi sa bahay nila syempre magbabakasyon din sila.
So ito nga, pinagluluto ko si Bea ng almusal. Gusto ko kasi paggising niya handa na ang lahat char, wife material ba? Lol!
After cooking I went back sa bed and umupo sa tabi niya. Gusto ko siyang titigan hanggang sa magising siya.
"Bea, I'm so blessed to have you. Hindi ko man laging nasasabi sayo pero gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita."
Bakit parang feeling ko ayaw ko nang humiwalay kay Bea? Pwede bang huwag nalang akong umuwi? Pero kailangan, gusto nga niyang sumama eh kaso hindi rin pwede, minsan lang sila magkasama ng matagal ng family niya so hindi ko talaga siya pinayagan sumama sa akin
Look how beautiful Bea is, kahit tulog ang ganda parin. Sht! Kung ganitong mukha ang bubungad sa akin araw-araw? Naku baka ayaw ko nang makakita ng ibang pang mukha lol.
Ang sarap niyang pagmasdan, she look so happy. Ang soft ng buhok niya, ang soft ng cheek niya, uy jho! maaga pa para pagnasaan mo yan, tse! Anuba self, nagmomoment ako dito.
1 month? Ang tagal kaya nun, kaya lulubusin ko nang titigan siya. Hehehe. Pagnanasa ka diyan, Buang!
ekikiss ko na sana siya sa cheek kaso..
"Jho, too early for that"
Huh? Lagot! Gising na si Bea, huli ka Jho! Hahaha.
"Ayaw mo ba? :("
"Of course not!"
"Waaaah, Bea anuba. Bea hahaha."
Bigla ba naman akong hilain, na siya namang naging dahilan para mapahiga ako. At yakap yakap na niya ako ngayon. Ah okay, galawang Bea. Hehehe
"Let's be like this muna Jho. 1 month is like a year for me."
"OA mo naman Babe, babalik din ako no."
"OA na kung OA, kasi mahal kita kaya feeling ko 1 month is matagal tagal narin."
"I'll come back for you Bea, I love you"
"Mas mahal kita Jhoana. Ikaw lang"
And she kissed me on my forehead.
Bea kissing me on my forehead is the sweetest of all.Sa yakap mo Bea, feeling ko napaka-special ko. Sa piling mo feeling ko ligtas ako sa lahat ng kapahamakan.
Wala na akong mahihiling pa. Kung meron man siguro ay yung matupad naming pareho ang mga pangarap namin, yung pareho at sabay naming maaabot yun dahil alam naming, suportado namin ang bawat isa.
"Bea 6am na, kain na. Mamaya aalis na ako."
Bigla naman siyang nalungkot.
Haaay Bea, kahit ako malungkot din pero kailangan ko talagang umuwi. At ganun din naman ako, feeling ko taon na ang dating sa akin nung 1 month."Jhoana, I'm gonna miss you so badly. Bakit parang ang bilis naman ng oras, gusto pa kitang makasama eh"
"Mamimiss din kita Bea. Pero ano kaba! Sa Batangas lang ako pupunta at babalik naman ako ah. Malay mo baka hindi pa man din mag 1 month eh nandito na ako. Ikaw nga yang matagal magbakasyon eh, Last year nga mga 1 month and half kang hindi umuwi."
"What? Are you counting your days without me before? Hahaha so you mean, hinihintay mo talaga ako? And hello? You were the one who took a long vacay kaya."
Oo, hinihintay kita kahit ako naman talaga yung matagal magbakasyon lol.
"Oo hinhintay kita lagi, and hello? can't live my days kaya before without my bestfriend ngayon pa kaya na .."
"Na ano?"
Corner nanaman ako sa tanong ni Bea. Hahaha, medyo nahihiya kasi ako ah, uhm ang awkward lang isipin na iba na kami ngayon. I mean, naglevel-up na. From bestfriend to alam niyo na hehehe. Kaya kayo guys, don't hesitate to show the world what's really inside your heart. Minsan kasi, mas magandang magpakatotoo ka nalang para maging masaya ka.
"Na hindi na tayo magbestfriend."
"Jho, were still bestfriends but onto a different level. Were lovers but were still having our bestfriend attitude, Jho please call me everyday or I'll call you most of the time."
Hinawakan ko siya sa kamay,
"Tatawagan kita lagi, basta huwag mong kalimutang kumain 3x a day. Huwag nong balaking mag-diet kase ang sexy mo na. Sht mas sexy ka pa nga sa akin Bea eh."
"Hahaha. Mas maganda ka naman kesa sa akin Jhoana eh. Don't worry about me."
"Anong don't worry ka jan. Medyo Matagal din tayong hindi magkikita, and wait magtino ka ha? Huwag kang iinom ng alam mo na lagot ka sa akin."
"And you, huwag kang lalabas ng bahay."
"Huh? Bakit?"
"Baka umitim ka lalo---ouch. Joke lang! Mahirap na baka may magkagusto sayo,..
Hinawakan niya ako sa mukha at nakatingin ng seryoso.
"Tandaan mo Jho, amin ka lang."
"Ha anong amin Bea?"
"Amin ka lang, family mo at Ako"
Haaay. Bea naman eh, baka hindi na talaga ako makauwi ng Batangas ngayon. Parang ayaw kong tapusin ang moment na to. Huhuhu.
Matagal din kaming magkayakap ni Bea, ano hindi mo ba ako pauuwiin? Hehehe.
"I love you Bea, take care ha? Tss Bea naman, smile na please?"
"Fine. I love you too. Kiss moko kay Tita Lovel and Jho, Babalik ka ha?"
Ayaw pa akong bitawan. Sa Batangas lang ako pupunta Bea, Ganyan mo ba ako kamahal? Hahaha Joke. Isama nalang kaya kita? Pero hindi pwede, hindi kita pag-aari kapag bakasyon. Sad.
"Babalik ako syempre. Sige na alis na ako Love."
Iiyak na yan, Lol Joke lang! Pero parang iiyak na eh.
"Tsup."
Nagulat naman siya sa ginawa ko, last kiss ko yan sa ngayon Bea, hihi. Pagbalik ko, madami na yan hihihi.
"Bye Babe, I'll wait for you."
"Wait for me Bea"
BEATRIZ
Nakakalungkot naman, bukas pa.naman ako uuwi sa bahay eh. Paano ako matutulog mamaya nang wala sa tabi ko si Jho?
Miss ko na siya agad, kahit na 30 minutes palang naman siyang nawawala sa tabi ko.
To Babe
Babe take care. Call me when you get there, I miss you already. I love you!
There are things talaga na akala mo okay na, Akala mo perfect na. Akala ko kapag masaya sa simula ganun din sa huli pero hindi pala. Bakit ganun? -Bea
A/N;
Puro happy moments, I think it's time to..
Basta! Magbasa nalang kayo, hehe.
SALAMAT! :*