"Meet the Park Family"

22 2 3
                                    


Naglalakad si Chanyeol, buhat-buhat ang baby hybrid NYA, pa-uwi sa mansion nila. Tama, mansion nila. Sya ang anak ng Park Corps. Sabi nya sa baby hybrid nya ay matulog muna dahil malayo yung bahay nya, or mansion to be exact, and bilang masunurin na baby puppy, natulog na sya.


"Ang cute nya."


Bulong nya sa sarili nya at sabay tawa ng mahina, baka magising yung puppy nya pag malakas yung pag-tawa nya. Masyadong mahirap yung scene kanina, kaya hindi muna i-ke kuwento sa inyo ni Chanyeol.


"Asdfghjkl~"


Sabi ni Baekhyun habang tulog pa. Napatwa si Chanyeol dahil sa cute na boses ni Baekhyun. Niyugyug nya si Baekhyun ng onti para magising dahil malapit na sila sa mansion nila, mga isang kilo metro pa. Nagising si Baekhyun at humikab dahilan para ma-cutan lalo si Chanyeol sa kanya.


"Gutom ka na ba?"


"Hindi pa.."


Baliktad sa sinabi ni Baekhyun, biglang tumunog ang tyan nya, napatawa si Chanyeol ng mahina at namula naman si Baekhyun kaya niyakap nya eto ng mahigpit para hindi makita ni Chanyeol yung namumulang mukha ng baby puppy nya.


"Gusto mo ba ng kwek-kwek?" Tanong ni Chanyeol kay Baekhyun na may kasamang ngiti. Wala syang dala na pera para paka-inin ang puppy nya sa isang mamahaling resto, ni hindi nya nga alam na mangyayare yung scene kanina eh.


"Ayaw.."


Bulong ni Baekhyun, kahit na gusto nya ng kwek-kwek, ay mas gusto nyang tumahimik. Nahihiya sya masyado, madami ng nagawa ang taga-pagligtas nya sa kanya.


"Kahit na sabihin mong ayaw mo... Papakainin kita."


"Bahala ka.."


Ngumiti na lang si Chanyeol, kahit na hindi yun makikita ni Baekhyun dahil nga hanggang ngayon ay naka subsob pa rin ang mukha nya sa leeg ni Chanyeol, at naglakad papunta dun sa mga nagtitinda ng fishball, kikiam, squidball, at kwek-kwek.


"Baekhyunnie~" Tawag ni Chanyeol sa kanya. May kung ano naman ang naramdaman ni Baekhyun sa katawan nya nung tinawag sya ni Chanyeol na Bakhyunnie. 'Gutom lang siguro toh.' Sabi nya sa isip nya.


"Ano?"


"Anong gusto mo? May kwek-kwek, kikiam--" Hindi na sya pinatapos magsalita ni Baekhyun ng magsalita agad sya.


"Kahit ano." Simpleng sagot nya. Medyo pabulong ang pagkakasabi nya at audible naman kay Chanyeol yun. Medyo pagod din ang boses ni Baekhyun nung sinasagot nya yung mga tanong ni Chanyeol sa kanya. Bumili na si Chanyeol at kinain ng mabilis yung sa kanya gamit yung isang nyang kamay.


"Bakit ka nagmamadaling kumain? Masama daw yun." Sabi ni Baekhyun kaya nabulunan ng onti si Chanyeol at sabay nun ang pagtawa nya.


"Tara na, oh, kainin mo na toh." Sabi nya at inabot nya yung stick na may fishball. Kinuha naman din yun ni Baekhyun at mabagal na kinain. Nahihiya pa rin sya dahil sa dami ng nagawa ni Chanyol para sa kanya. Nagsimula na ulit maglakad si Chanyeol, buhat buhat parin si Baekhyun na kumakain pa rin ng peshball nya.

MY BABY HYBRIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon