Sixteen

41 2 2
                                    

Napako sa kinatatayuan si Cerene when she realized that he is really in front of her.

Damn, am I hallucinating?

Muntik na siyang mapangiwi sa matatalim na titig na iginagawad nito sa kanya.

"I've been looking all over the place for you wife .." dugtong nito na lalong nakapagpatigil sa kanya.

Of all circumstances, nakita siya ng asawa niya na may kasamang iba!

Agad siyang napatayo at kahit medyo kumikirot ang sugat sa paa ay tinungo ni Cerene ang asawa.

"H-hun! Kanina ka pa ba dumating?" Sabay yakap pa niya dito na hindi inilagan ni Dymon na talagang ikinagulat niya.

"Kararating ko lang." Sabay sulyap kay Kristoff na walang pinapakitang ekspresyon sa mukha. "I see you're enjoying here Hon." Sabay ngiwi niya nang hapitin ni Dymon ang baywang niya ng sobrag higpit. Napasulyap siya kay Kristoff at halos manigas siya ng makitang nakakunot ang noo nito. Nakita kaya niya?

"A-ah, yeah. M-magaganda naman kasi ang mga lugar na pinuntahan n-namin Hon." She awkwardly smiled at Dymon ngunit nanatili pa rin itong nakatingin kay Kristoff.

"A-ah, Hon, t-this is -"

"Nice to see you again Elardo." Ngisi ni Kristoff sabay abot ng kamay nito sa asawa. Magkakilala sila? She couldn't help herself wonder. Tinanggap naman ito ni Dymon pero nanatiling walang emosyon ang mukha nito. "Yeah. Its been a while."

Nagsukatan ang mga ito ng tingin. Hindi niya maintindihan ang nangyayari pero whatever it is, its not good. She can feel the thick tension everywhere. Magkalaban ba ang mga ito noon? If that's the case, lagot siya kay Dymon!

"Cerene!" Napabuga siya ng hangin. Thank heavens at dumating ka Mari! She silently said to herself.

"H-hey!" Agad niyang hinila ang asawa at inakay ito papalapit kina Hanz at Maricar. Lumaki naman ang mga mata ng kanyang kaibigan ng mapagtantong andito ang asawa niya.

"Dymon! I didn't know you would follow us here!" Nagtatakang tanong ni Maricar habang naglalakad papalapit sa kanila. Napangiwi si Cerene sa mapaglarong tingin na iginagawad sa kanya ng kaibigan.

"Yeah. I just missed my wife so I decided to come here and be with her." Hinapit pa siya ni Dymon sa bewang at halos mapugto ang hininga niya sa lakas ng kabog ng dibdib niya.

Lord, end of the world na ba?

"Tamang-tama! We're about to have our dinner na. Come! Hanz prepared a place for us in the restaurant already!" Aya naman ni Mari sa kanila. Hindi ata napansin ang tensyon na namamagitan sa dalawang lalake sa magkabilang gilid niya. Nagpatinaod na lamang sila sa imbitasyon ng magkasintahan pero hindi pa rin maalis sa sistema niya ang pusisyon nila ni Dymon ngayon. She blushed.

Lord, if this is a dream, then let me sleep forever.

She wished for this for a long time now. Seems her prayers could come true!

They all settled down sa pabilog na table at agad silang hinainan ng makakain. There were lobsters, chiken, inihaw na bangus at tilapia, at marami pang iba. Agad silang dumulog sa hapagkainan. Mari seated in front of them, katabi nito ang nobyong si hanz. Habang nasa kaliwa naman niya si Dymon at nasa kanan niya si Kristoff. Cerene busied herself with Mari's stories. Naiilang kasi siya sa mga mapanuring titig ng asawa. Idagdag pa si Kristoff na parang ineenspeksyon silang dalawa ni Dymon!

"So Dymon, si Cerene pala ang napangasawa mo?" Tanong ni Hanz sa kanyang asawa habang kumakain. "I thought you and Ciara were going to last.!" Muntik na siyang mabilaukan sa tinuran ni Hanz. Agad naman siyang napainom ng juice. Sinikap ni Cerene na maging pormal. Kumunot ang noo niya ng mapansin ang pagkairita sa mukha ng asawa. She gulped. Sana naman, wag siyang ipahiya nito.

"Yeah Elardo. I thought so too. What happened?" Halos panawan siya ng ulirat. Kelan pa naging tsismoso itong si Kristoff?!

"It's not like i have a choice." Dymon shrugged at inisang lagok ang whiskey na hawak. Napatanga siya sa sinabi ng asawa. Mari's face was in shock habang ang dalawang lalake ay hindi alam ang sasabihin. Kumunot naman ang noo ni Kristoff.

"What do you mean you don't have a choice?, hindi mo ba mahal ang asawa mo?" Dymon just looked at Kristoff " hindi. We married for convenience. That's all."
Literal na napanganga ang kaibigan niya at ang dalawang lalake sa tinuran ng asawa niya.

Cerene clinched her fists at agad nang tumayo. Napatingin naman ang lahat sa kanya.  She forced a smile while keeping her tears at bay. halos manliit siya sa mga tingin na ipinupukol sa kanya. Awa. Nakakaawa siya. "E-excuse me."

Agad siyang tumakbo paalis. Bakit ganoon? How could Dymon do this to her? Wala siyang ginawa kundi ang mahalin ito. Hindi pa ba iyon sapat? Ganoon ba ito kagalit sa kanya para ipahiya siya nito sa lahat?

Her vision blurred with so much tears pouring across her face. Yung mga ipinakita nito sa kanya kani-kanina lang, all for a show. She laughed bitterly. Nakakapagod din pala ang ganito. Nakakapagod palang magpakatanga.

She was running towards the sea nang may nakabunggo siya. She was  about to apologize pero umatras ang  dila niya at napalitan ng pagkapoot ng makita ang babaeng naging dahilan kung bakit nagdurusa siya ngayon.

"C-Cerene"


Into SmithereensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon