In twitter...
@ kyra.zm:
camping goals pwe - tagged zaleaa, cycy, maddi, Lau
↪@ azale.a
ganda ko talaga amp↪@ thelaurishanne
pa candid shot mga teh↪@ itsmecypresspearl
ganda natin mga ateng shet↪@ blazeinfire
@ kyra.zm kaya pala bigla kang nawala -_--
Blaze: hoy tigil-tigilan niyo na yang photoshoot niyo malalate na tayo sa activities
Kyra: shet stalker si koya!! -lau
Kyra: jusko ang ship ko!! -az
Blaze: teka lau? yung laurish anne?
Kyra: jusko ba't mo ko kilala?! wag mo sabihing stalker rin kita! nonono si ky lang ang dapat sayo!! -lau
Blaze: tanga. ikaw yung secret girlfriend ni Lune.
Kyra: HA?! MAY BOYPREN NA SI LAU KO?!?!
Kyra: ako na pala to
Kyra: pasensya sa kanila magulo talaga yun
Kyra: papunta na ako diyan
6:55 PM
Kyra: masama pakiramdam ko di muna ako sasama sayo
6:57 PM
Blaze: wag kang mag maang-maangan diyan
Blaze: alam kong wala kang sakit
Kyra: edi wag kang maniwala tss tulog na ako bye
-
Pumasok si Blaze sa tent nila Kyra. Alam niyang hindi nagkasakit si Kyra dahil napakahyper niya kanina.
Pero nagulat siya nang nakita niyang nakabalot ng kumot si Kyra. Hinawakan niya ang noo at tila mapapaso na siya dahil sa init.
"Tss. Nagkakasakit ka pa rin pala? Ansaya mo pa sa ulan kanina eh."
Kinuhaan niya ng chicken soup at paracetamol si Kyra para kapag magising ito may makakain siya. Binantayan niya lang ito dahil sa palagay niya responsibilidad niya si Kyra sa camp na ito.
"K-kuya Flare! W-wag mo kong iwanan! Kuya!"
Napansin niyang nananaginip si Kyra at umiiyak na ito.
Niyakap niya nalang ito at pinatahan.
"Shhh. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan."
Bigla naman itong tumigil. Hindi nalang pinansin ni Blaze ang yakapan nila hanggang sa nakatulog siya.
Nagising si Kyra ng makita niya sila ni Blaze na magkayakap. Tinitigan ni Kyra ang maamong mukha ng lalake at di napansing gising na si Blaze.
"Done checking me out?"
Dahil sa gulat biglang naitulak ni Kyra si Blaze.
"Aray! Ako na nga yung tinititigan mo ako pa ang tinulak mo? Paano nalang kung masira ang mukha ko? Wala ka nang matititigan niyan."
"Leche ka! Feeler mo! Alis nga maliligo na ako!"
Pagkatapos nilang maligo, nag-impake na sila dahil ngayon na sila babalik sa school.
"Shet! Nasaan ang peyborit shades ko?!"
"Nandito sakin tss."
"Peste! Pinakaba mo ako! Importante sakin yang shades na yan! Akin na nga!"
"Habulin mo muna ako!"
Naghabulan sila hanggang sa naslide si Blaze at sumunod naman si Kyra. Nakapatong sila sa isa't isa at walang ni isang nagsalita at gumalaw. Bigla namang natauhan si Kyra kaya tumayo siya at kinuha na ang shades saka lumabas ng tent.
BINABASA MO ANG
haunted house
Short Storyyoongi x wendy on-going || epistolary [ started: 071616 ] [ finished: - ]