"Shetshetshet yoko na Blaze ibaba mo na ako!!" Sigaw ng babaeng nasa tabi ko pfft.
Nasaan kami? Sa puso ko. Dejoke lang. Nasa isang bahay lang kami na hindi naman katakot takot. Well, pinalagyan ko lang naman ng mga babaeng naka white gown at pulbo and yun na. Tapos lights off. Eh itong nasa tabi ko sigaw ng sigaw. Wagas pa kung makayakap sakin. Pero wala naman akong magagawa. Ako nagsuggest nito eh.
"Ano bang kinakatakutan mo dito? Normal na bahay na may mga babaeng nakaputi lang naman yan eh."
"Tss mamaya na ako magkukwento ilabas mo na ako!"
"Haha chill. Pababa na rin naman tayo. 13th floor pa nga lang."
"Anong klaseng bahay ba kasi ito?! Ang laki-laki tapos walang elevator? Buti hindi napapago- LECHE FAAAAK!"
Hahaha. Ang ganda niya pa rin kahit natatakot. Teka-- siya maganda?! No way.
Ang cute lang haha. Teka cute?! Hindi ah. Panget niya. Tss.
"Hay sa wakas nakababa na rin. Leche ka talaga dela Vega!"
"Oh ano nang kwento mo?"
"Ha? May kailangan ba akong ikwento?"
"Oo. Sabi mo ikekwento mo sakin kung bakit takot na takot ka sa haunted house o sa dilim?"
"Ah kk punta muna tayo ng Starbucks."
Ang demanding naman tss.
Kyra
Nagdadrive si Kuya Flame patungo sa hindi ko alam kung saan. Natulog ako sandali kasi 3hours pa daw ang biyahe.
"Ky! Gising na! Nandito na tayo!"
"Wow! Ang ganda naman ng bahay na to Kuya!"
Pumasok kami sa isang magandang bahay na puno ng antique things at medyo maraming alikabok dahil mukhang matagal ng hindi natirahan.
"Kuya? Bakit tayo nandito?"
Walang sumagot kaya tiningnan ko ang katabi ko. Nagulat nalang ako ng nag off lahat ng lights at may nakaputing babae sa harapan ko.
"S-sino ka?"
"Ikaw ang sino iha? Alam mo bang pamamahay to namin?"
Kung nagulat ako kanina, ma's nagulat ako ngayon dahil marami na silang nakaputi ang nakapalibot sakin.
"Kuya!! Nasaan ka?! Kuya Flame!"
"Wala na ang kuya mo. Kinuha na namin! At ikaw ang susunod naming kukunin bwahahahaha!"
Wala akong ibang nagawa kundi umiyak.
"Kuya Flaaaame!"
"Hoy Kyra Zianne Millendez! Gumising ka! Nandito lang ako sa tabi mo! Nakarating na tayo oh!"
Nagulat ako na nasa Enchanted Kingdom na kami.
Leche. Panaginip lang pala.
"At simula doon takot na ako sa mga haunted house."
"Pffft. Akala ko pa naman kung ano na."
"Ikaw, magkwento ka naman tungkol sayo!"
Andami kong nalaman tungkol sa kanya. Marami rin siyang pabaong jokes kaya tawa lang kami ng tawa.
Hindi rin naman pala siya ganun ka sama tulad ng ineexpect ko.
BINABASA MO ANG
haunted house
Short Storyyoongi x wendy on-going || epistolary [ started: 071616 ] [ finished: - ]