IV. The day I first cared..

27 0 0
                                    

Pagpasok ko sa aming classroom, dahil karaniwan (oo, I admit it) palagi naman akong muntikan ng malate kahit may service ako…at naauna siyang dumating si MG..( ayy Liana nga pala) Thursday noon,at naglilinis siya dahil nga sweepers kami…( ang sipag no? eh ako? Nga nga haha)

Pagkalagay ko ng aking gamit sa may table ay kumuha na ako ng walis tingting dahil nga sweepers ako…(  ay mali dahil nahihiya na ako sa kanya at siya lang ang naglilinis) kaya tinulungan ko na siya…Ngunit ….

“Bakit parang nanghihina siya na hindi ko maexplain? At matamlay ata siya ngayon” bulong ko sa aking sarili.

Ngunit I tried to ignore kasi mukhang okay pa naman siya at kaya niya pa..I want to ask her sana pero  nahihiya pa ako kasi ilang araw pa naman kaming magkakilala and baka isipin niya feeling close ako…

Recess..(9:40-10:20 period)

I suddenly made of my mind to talk to her kasi pansin ko namumula siya at parang may lagnat na di ko maexplain..basta iba siya ngayong araw na ito..Okay here I go..

“Liana,( kinalabit ko siya) ayos ka lang ba? Bakit namumula ka? Rashes ba yan? At mainit ka ah..” sabi ko sa kanya..

“Ayos lang ako” ( sa boses niya palang iba na ang mararamdaman mo..yumuko siya at hiniga ang kanyang ulo sa mesa)

“ Halika, samahan kita sa clinic” ( niyaya ko siya at hinawakan ang braso in the direction papuntang clinic)

“Ayos lang talaga ako…ayokong pumunta sa clinic”. wika niya

Sa sobrang kakulitan ko pinilit ko siya dahil alam ko iba na ang  nararamdaman niya dahil alam ko naman kung may sakit ang tao o wala…at dagdag pa namumula siya na parang hindi naman talaga rashes..at wala namang pumapansin sa kanya…Mukha ngang iba ang nararamdaman niya…

At dahil sa sobrang kakulitan at pagpipilit ko sumama siya saakin papuntang clinic

Ramdam ko na mainit at iba nararamdaman niya noong araw…inisip ko “Bakit pa kaya siya pumasok? At bakit namumula siya ng ganito”..hawak niya ang kamay ko papuntang clinic..pero sa kasamaang palad wala si nurse ng school namin..kaya dahan dahan kaming bumalik sa classroom..at sabi ko sa kanya magpahinga na muna siya sa upuan niya..

Kahit hindi ko man siya ganoon kakilala, iba talaga ang pakiramdam pag yung seatmate mo ay may lagnat…minamasdan ko lang siya at everytime (kahit makulit) tinatanong ko siya kung maayos lang ba siya o kaya niya pa…

Nakita kong wala siyang gana kumain at sinamahan ko siya noon..

“Liana, ayos ka lang talaga ha? Baka masama na talaga pakiramdam mo, pasundo ka na lang kaya sa mama mo..” ( concerned na makulit kong talk )

Hindi siya umimik tanda nga na tama ako..iba na ang pakiramdam niya…at dahil na naman sa super kakulitan ko at somehow concerned rin ako kay MG, tiningnan ko siya sa may ilalim ng upuan dahil ayaw niya na magsalita…

“ Ayos ka lang talaga?”…kinuha ko yung baon niya na nasa may gilid ng mesa niya at binuksan ito….

“Uyy Liana, Kain na…sige ka mas lalong sasama pakiramdam mo niyan tsaka papayat ka” ( nakuha ko pa talagang mag joke eh..chubby naman siya eh)

Tumingin siya saakin na para bang nanghihina at kinuha niya yung lunchbox at nagsimulang kumain…ngunit isang subo pa lang umayaw na siya

“Wala na talaga akong gana,pasensya na Cassy” ani niya..

“Liana sige na kahit dalawa na lang ( ang kulit ko talaga noh) mas makakabuti sa pakiramdam mo pag kumain ka at para hindi ka gutom”

“ Sige na nga” Kumain siya ng kahit 2 subo lang tulad ng sinabi ko at uminom ng tubig..

( sabi ko yes..umubra ang powers ko…) “sige na pahinga ka na muna diyan..babalik na ako sa upuan ko, sabihin mo lang pag kailangan mo na ako”

“ Salamat ha”..dalawang salita na sinabi niya bago bumalik ulit siya sa posisyon niya.

Biglang may ngiting kumislap sa isipan ko, at napaisip ako na nakagawa ako ng kabutihan ngayong araw..”ang sarap pala ng pakiramdam”

Bumalik na ako sa upuan ko at pinagpatuloy ang ginagawa kong essay…Kinuha ko ang ballpen ko at nagsulat sa munting notepad ko sa bag..

Dear Notepad:

Masayang masaya ako ngayong araw na ito kasi natulungan ko si MG..hayss ang sarap pala ng feeling..sana maging okay na rin siya lalong lalo na sa kanyang pag uwi..

                                                                                                                                       Love, Cassy

                                      -----------------------------Kriiiiinnnggg!!-------------------------------------

Uyyy Bell na yes uwian na! sigaw ng ilan kong classmate na boy..( mukhang excited rin sila)

Kinuha ko na ang bag ko at inayos ang napakagulo kong gamit ( as usual)

Ngunit bago man ako umalis sa classroom, naalala ko sweepers pala ako…( halaaa)

Nakita ko siya ulit naglilinis..Lumapit ako at sinabi na umuwi na lang muna siya ngayon at ako na ang tatapos ng trabaho niya..

“Sige na Liana, ako na umuwi ka na muna at masama talaga pakiramdam mo”

“Sige..” Kinuha niya ang bag niya at dahan dahang umalis pauwi…ngunit sa mga kilos niya alam mong masama talaga ang pakiramdam niya…

Naglinis ako sa classroom ( oh yeah! For the first time ng matagal)

Pagkatapos ay umalis na at kumaripas na ako sa gate dahil alam kong andyan na sundo ko!

Pagdating ko sa gate..andito na nga ang kinakatakutan ko..( patay ka Cassy!)

Kuya Driver: “Bakit natagalan ka Cassy?”

“Sorry po kuya naglinis pa ako..”

Pagkatapos ng sobrang kahihiyan doon dahil first time kong natagalan sa pagsakay sa fx, sumakay ako at tumanaw sa bintana…Inisip ko ang isang buong araw na nangyari saakin..ang pagkalate ko, paglinis ko, recitations ko sa ibang subject, at si MG…at napawish ako…

“ Sana po maging okay na po siya.”

"Measles" How I met my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon