VI. Friends forever :)

13 0 0
                                    

Pagkadating ko sa aming bahay, kumaripas ako ng takbo sa kwarto..sabay ni lock ang pintuan ng napakalakas “whaaaaam!” halos pa nga magkaroon ng earthquake sa aking kwarto sa sobrang lakas..

Bigla akong nahiga sa aking waterbed  at dagling binuksan ang letter na hawak ko..

Cassandra Perez,

                               Isinulat ko itong liham para mapaloob sa iyong isipan na huwag ka nang umasa na magkakaroon ka ng kaibigan dito sa bago mong school.. Dahil lahat naman kami ayaw sa pag uugali mo..Hindi ka masayang kasama at nakasubo ka sa mga libro mo at comics kaya huwag ka nang umasa ha,masasaktan ka lang. Yun lang Salamat.

                                                                                                                          Liana Geronimo

Pagkabasa ko ng letter bigla ko itong naibagsak…Tumulo na lang ang ilang luha sa aking mata na para bang ang bigat sa aking damdamin na hindi ko maipaliwanag. Totoo ba tong nangyayari? Ano bang ginawa ko sa kanya at sumulat siya ng ganyan saakin? Ayaw niya ba akong maging kaibigan? Hindi nga dapat ako umasa na magkakaroon ako ng kaibigan sa Higschool? Sabay tulo ng ilang mga luha sa aking mata na puno ng lungkot…may narinig akong isang boses na para bang…

.

.

.

.

.

.

“Cass! Cassaaandra!” isang tinig na narinig ko na para bang tinatawag niya ang aking pangalan, lumakad ako papunta sa kanya at bigla ko na lang naisip na  nasa van pa pala ako…

“Cassy! Andito na tayo sainyo!” bigla akong natauhan..tinapik tapik ko ang aking sarili at pinahid ang ilang parang luha sa aking mata..Kinuha ko ang aking mga gamit na mabibigat…bumaba at sinarhan ang pintan ng service.

Habang naglalakad ako naisip ko na isang napakasamang bangungot lang iyon at panaginip lang lahat…Hindi totoo ang sulat na may laman ng masasakit na salita..

“ Ano ba naman yan Cassandra, sa sobrang pagiging excited mo sa sulat ni Liana yan tuloy nanaginip ka nang kung ano ano…Ang wild talaga ng utak mo!” sinabi ko sa aking sarili habang naglalakad sa aming eskinita papunta sa aming bahay.. Kahit ganoon ang nangyari sabik na sabik pa rin ako na makauwi….binilsan ko na ang aking paglalakad hindi lamang dahil sa sulat kundi marami ng aso sa labas, madilim na at baka kung ano pang masamang espiritu ang lumapit saakin..”Nyeee!”

Pagdating ko sa aming bahay..Nagmano agad ako sa aking mama at papa..Ibinaba ko ang mga gamit ko sa sala sabay unat ng  aking mga kamay dahil sa sobrang bigat daw ng mga dala ko halos dala ko na ang aking buong bahay sabi noong teacher na nakasalubong ko kanina…( ang bigat nga naman noh?)

Binuksan ko ang bag kong parang trash bin sa kalat ( wala na kasi akong time mag ayos hahaha) at kinuha ang letter na nakasalipit sa isa sa aking notebook.

Tiningnan ko siya at bigla kong naisip yung panaginip ko kanina, baka maging katulad rin yun ng kanina..isang liham na sasaktan ako…pero may nakita akong isang smiley at mga bear sa envelope niya na ngayon ko palang napansin…kaya nagkaroon ako ng pag iisip na maganda ang nilalaman nito at first letter iyon na naibigay saakin sa aking highschool life…Here it goes Cassy kaya mo yan.

Binuksan ko yung letter…(dinahan dahan ko para hindi masira)

Dear Cassy,

                  Thank you for being such a good friend. Gamitin at ingatan mo yang friendship bracelet na yan. Mabuoton kang maray ( in our language mabait kang sobra) . Salamat ta ikaw ang pinakamabait na person sa CSNHS na nakilala ko. Pasensya na sa temper, pareho kami ng bestfriend ko may problem sa temper…SHORT kasi..Nevertheless thank you talaga and I hope you always stay the same

                                                                                                                                                Liana Geronimo

Sa kanyang sulat, may biglang nahulog na isang bracelet..Nabigla na lamang ako at dinampot ito sa aking bed…Yellow and black ang kulay nito at para bang nakatirintas siya..Sinuot ko ito at inisip na..

“Totoo ba to o sadyang panaginip na naman…dahil sa tanan ng aking buhay iilang tao lang ang nagbigay saakin ng ganitong mga bagay…” Biglang may ngiting lumabas sa aking mukha ang gaan ng pakiramdam ko at napakasaya ko dahil sa unang pagkakataon may taong nagparamdam saakin na isa akong importanteng tao whahahhahaha

Kumuha ako ng isang kahon at doon inilagay ang bracelet at letter na naitanggap ko…sinarhan ng maigi at tumawa ng tumawa..Kinuha ko pa nga yung address niya at nilagay ko sa cabinet ng mga magulang ko kung sakaling kailangan kong pumunta sa kanila para hindi ako mawala at maligaw….

“Yehey!!! May bago na akong kaibigan! Yes! Yes!” sigaw ko habang tumatalon talon ako sa aking kama  at tumatawang parang may sira sa ulo…HAHAAHAHAHAHAHA..

“Cassy anak ayos ka lang ba? Kanina ka pa dyan tawa ng tawa ah” sinabi ni mama habang biglang binuksan ang aking pintuan.

Tumigil ako sa kakatalon at kinontrol ko ang aking sarili sa katatawa.. “Wala po ma, nakakuha lang po kasi ako ng sulat mula sa isa kong kaklase..at bago kong kaibigan” palusot ko at nadakip ako ni mama

“Ah..ganoon ba..kala ko naman kung naloloka ka na” sinabi niya saakin sabay sa kanyang tawa

“ Ma, alam niyo naman pong may pagkalokaloka anak niyo hahaha” sagot ko

Pagkatapos ay hinalikan ko siya at niyakap..ang saya saya ko kasi eh…Kung iisipin ang OA ko talaga mag react dahil lang sa isang liham pero intindihin niyo na lang…first time ko to eh..hahaha Oo sabihin na nating weird nga akong teenager..pero sa loob ko masayang masaya ako dahil at last may taong gusto akong kaibiganin despite sa fact na addict ako sa libro,madaldal at makulit…at ang bida pa dito si MG pa na sobrang tahimik…natatawa nga ako sa aking sarili habang nakahiga sa aking kama.

Biglang pumasok sa aking isipan na kunan ng picture ang liham niya…at bracelet na ibinigay niya…Hinalungkat ko na naman sa kahon ( ang weird ko noh? Masanay na kayo) at kinidnap ang teddy bear sa may table ko sa aking kwarto..( Huwag kayong mag alala, pinagpaalam ko siya sa mama bear niya pramis! Walang krimen na nangyari..inosente si  Cassy!)

Inilagay ko yung liham at bracelet na para bang hawak ni baby bear,  kinuha ko ang camera at agad agad inupload ko sa facebook..kasabay nito ay ang isang message para kay Liana, isang message ng pagpapasalamat dahil naparamdam niya saakin sa kanyang liham ang saya kung paano magkaroon ng taong pinahahalagahan ka at gusto kang kaibiganin….Sana nga totoo yung sinabi niya sa sulat FRIENDS FOR LIFE dahil sa ngayon pa lang ramdam ko nang magkakasundo kami ni MG…….

"Measles" How I met my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon