His Dying Wishes (One shot story)

1.8K 91 31
                                    



Naisipan ko siyang surpresahin habang abala siya sa pag-uukit sa isang malaking bato. Nakatayo lang ako sa likuran niya at ingat na ingat na wag gumawa ng ingay. Halos mapangiti ako ng makita ko ang maamo at mala prinsipe niyang mukha habang sobrang nakatuon ang pansin niya sa kanyang obra maestra.   



Halos ilang minuto na akong nakatayo dito at inaantay na mapansin niya pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako napapansin. Napabuntong hininga ako, medyo naiinis at naiinip na rin ako dahil kanina pa ako dito. Plano ko na sanang tapikin siya sa balikat nang biglang mahulog ang panukol na gamit niya sa sahig. Kinusot niya ang mata niyang parang naiinis at ilang segundo lang ay tumayo siya at isa-isang pinagbabasag ang mga obra maestra na nakapatong sa isang mahabang mesa. 



May namuong luha sa mga mata ko, nanginginig na napahawak ako sa labi ko. Hindi siya ang Curt na kilala ko, isa siyang masiyahin na lalaki pero hindi ko alam kung anong nangyari at naging ganito na lamang siya. Naupo siya sa sahig, nakapatong ang siko sa tuhod at umiiyak. Nilapitan ko siya at walang ano-ano'y niyakap siya mula sa likod. Napa-angat ang katawan niya, hinawakan niya ang kamay ko at inalis ito sa bewang niya. Lumingon siya at bumungad sakin ang gulat na mukha. 



Hindi ko maalis ang titig sa mga mata niyang kulay asul, para akong nasasailalim sa isang matinding salamangka sa tuwing tinitingnan ko ang mga nangungusap niyang mata. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang luha sa mga mata ko. 



"How long have you been here?" malumanay at mahinahong tanong nito sakin. 



"Long enough to see everything. What's happening?" Umiling-iling itong nakangiti sakin. Ngunit kahit nakita ko na ang ngiti sa mukha niya ramdam ko pa rin na may mabigat siyang dinadala. 



***



Kasalukuyan kaming nakaupo sa ilalim ng isang malaking puno dito sa parke. Nakahiga ako sa binti niya habang siya'y nagbabasa ng libro. Pinagmamasdan ko lang siya habang nakangiti siyang binabasa ang libro, tiningnan ko ang pamagat ng aklat na binabasa niya, SHE DIED by Haveyouseenthisgirl. Natigilan siya sa pagbabasa ng hawakan ko siya sa braso, ibinababa niya ang librong hawak at tiningnan ako. 



Isang makahulugang ngiti ang ibinigay niya sakin, tumayo ako mula sa pagkakahiga at naupo sa tabi niya. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at ipinikit ang aking mata. Payapang-payapa ang buong lugar, tanging ang mga ibong nagkakantahan at mga dahong nagsasayawan lamang ang iyong maririnig. 



"Alice." binuksan ko ang aking mga mata ngunit hindi ako nakatingin sakanya. "mmmm?" 



Katahimikan ang sumunod, matagal siya bago muling nagsalita. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Dying Wishes (One shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon