SFIWMBBF~ Chapter 2

470 5 8
                                    


Clea's POV

"Whaaat? Bakit di nyo pinblish yung story natin? Paano tayo nyan? di tayo neto papasa? What the? nag iisip ba kayo? ". Sigaw ko sa mga kagrupo ko na di ipinublish yung story namin, hays so hirap naman talaga ng buhay, di ko na alam kung makakapasa pa ba kami dahil ngayon ang deadline nun and syempre may time kaso lagpas na i hope bigyan pa kami ng second chance kahit mahirap tatanggapin ko, hays.

"Sorry clea, ginawa na namin lahat pero di namin kinaya dahil wala ka". Mangiyak ngiyak na pagsabi sakin ni Angela

"What? hindi nyo 'to kaya nang wala ako? gosh, college na tayo? pang elementary lang ang salitang sa leader iaasa ang lahat!". Banat ko

"You know what clea? Ang sakit mo magsalita! Dahil lang sa pesteng story na yan? nagkakagnyan ka?".

"Pesteng story? Wow, just wow studies kasi ang usapan dito kaya di mo pwedeng mapeste peste to".

"Yes, we know. Pero bat ganito? You know what? magkanya kanya nalang tayo, walang mangyayari sa grades natin kung ganito lang, bahala na kayo sa buhay nyo". Sabi ni angela habang papalayo.

Grabe, bakit ba nangyayari sakin 'tong mga 'to? ang hirap, di ko na alam kung paano ako papasa kailangan kong makuha yung scholarship. Nagpunta ako sa tabi ng puno at umupo at yumuko para mag isip isip dahil sobrang litong lito, at gulong gulo na rin ako sa mga school activities na ganito and i'm so dumb dahil dinown ko yung mga classmates ko, i need to say sorry pero di ko alam kung sa paano paraan. Habang nakayuko, napaisip ako kung nagagawa ko ba lahat ng gagawin ko dapat nag iisip isip ako ng mga bagay na kailangan kong itama dahil nakasakit ako ng tao, hays. Sobrang drama ko, kailangan kong isipin kung paano ako papasa "Dun ka mag-focus" biglang may nagsalita habang nag momoment ako sa tabi at nagsasalita mag isa, "Huh? sino yun?" Napa bulong ako dahil hinahanap ko yung nagsabi sakin nun, boses lalaki sya, tumingin nako sa buong paligid pero di ko mahanap yun pala "Hi sayo" nasa likod ko lang sya at bigla siyang nag "Hi" sakin. "Ikaw? Diba ikaw yung nakasalubong k-ko s-sa s-s-school ng kapatid ko?". Nautal utal pako sa sobrang gulat ko, dahil sya yung lalaking Nakabangga ko sa school ni Kaylee. "Yes ako nga yun, and btw i'm Michael Christopher De Leon dito ka rin pala nag aaral sa Horizontal university".

grabe, sa dinadami dami ng lugar na pwede ko 'tong makita dito lang pala and school mate ko pala siya and gosh! ang gwapo niya, yung ngiti nya and yung mata nya ang ganda.

"Hmm. Ah, Oo dito rin ako nag aaral, Scholar lang ako dito ikaw din ba?". Sabi ko habang napapakamot

"Oo, papasok pa nga lang ako eh, and badtrip na badtrip ako dahil yung mga kagrupo ko hindi pinublish yung story namin, di ko na alam kung paano ako papasa". sabi nya

nagulat ako sa sinabi nya kasi same kami ng sitwasyon ngayon.

"Oh? kayo din pala? kami nga din eh, di ko na alam kung paano kami papasa". Sabi ko

"Umm. ganito na lang, what if tayong dalawa na lang magsama? tutal parehas naman tayong walang pinublish na story tayo nalang gumawa ng story then ipublish natin, are you okay with it?". Sabi nya

Gosh? gusto nya 'ko makagrupo? Clea. Wag assuming! Studies lang yan, di ka niyan crush.

"Oo ba sige magandang paraan yan, kailangan natin pumasa eh so kailan tayo magsstart?".

"Um. maybe tommorow pauwi na din kasi ako para sunduin yung kapatid ko".

Kapatid nya? feeling ko dun din nag aaral yun sa school ni Kaylee.

"Ahh. Dun ba yung school ng kapatid mo sa pinaghatiran ko kay Kaylee kanina?".

"Yes. Oo doon".

"Sabay na tayong magsundo".

--------------------------------

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secretly Falling Inlove with my Boy BestfriendWhere stories live. Discover now