Payong

75 1 0
                                    

Title: Payong

Ang Love parang taong kain ng kain.

Ayaw tumaba pero kain ng kain.

Parang,

Ayaw masaktan pero asa ng asa.

Sakit noh?

Yung pinaasa ka lang. Tapos iiwan ka sa ere na parang walang nangyari.

_____________________

"Tititigan mo nalang ba yang pag-kain mo?" Tanong ni Mama sakin.

"Nuh." 1 year nakong ganito mula nung iwan ako ng bf ko.

"Lalake lang yan Janine! Jusko mas mahal pa buhay mo kaya kumain kana."

"Di ko lang talaga matanggap na first boy friend ko lolokohin ako."

"Oo na! Basta sa susunod wag ka na mag pauto."

"Ma uto uto ba tawag dun? Psh. Sige na alis nako. sa school nalang ako kakain." sabi ko tska tumakbo palabas ng bahay. Nakakainis talaga si Mama. Nasaktan na nga ako papagalitan pako. Pero kahit ganun love ko yun!

"Uy Janine!" Tawag sakin ng isa kong classmate.

"Why?"

"May nag papaabot sayo nito." sabi niya tska binigay yung isang letter.

"From?"

"Hindi ko alam eh. Nakita ko lang sa Table mo kinuha ko kasi baka mawala."

"Thanks." sabi ko tska Nag lakad papuntang classroom.

Umupo ako at Binasa yung letter.

"Smile Always. Pumapangit ka kapag nakasimangot ka From:Someone." Wow ha! Nahiya nama ako sakanya. Sino kaya to'? SECRET ADMIRER? Wow. Uso pa ba yun? Actually mula nung nag break kami last year ng ex ko lagi nalang ako nakakatanggap ng ganito pero lagi kong tinatapon. 

"AHA! KANINO GALING YAN?"

"Ay anak pusakal!" Nakakagulat naman tong si Jaina.

"Hehehehe nagulat ba kita suri!!"

"AY HINDI. Psh."

"hahaha Kanino galing lagi ka nalang may ganyan ah?"

"Di ko nga alam eh."

"Ay tsktsk baka sa ex mo??"

"Tsk wag mo nga sabihin yan baka umasa ako sa wala."

"Ay friend alam mo ba may nangliligaw sakin?"

"Who?"

"Secret!"

"Ang duga mo naman eh!"

"Eh kasi gusto ko kapag sinagot ko na."

"WOW HA! Gwapo?"

"Oo pre!"

"Ikaw na!"

"Guys absent daw yung teacher! Pwede na daw umuwi!" sigaw ni Boka. President ng class. Ano bayan bat kasi pumasok pako. isang subject lang naman kasi ngayong araw. 

Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon