Tayo na nga

63 2 2
                                    

[a/n: Waaaaaah, One Shot. First Time ko Mag publish ng OS. Sana magustuhan niyo. Wiheeeeee]

Ako si Angellina Santos

Naniniwala ako sa Kasabihang,

Don't let the sadness from the past and the fear of the future ruin the happiness of the present.

Dahil jan, NAWALA LAHAT SAKIN. Dahil sa Isang Tao na Bumalik na dati ay Iniwan ako. Na dati ay Niloko ako. 

This is my Story.

***

[Ange's POV]

"ANGEEEEEEE UYYYYY GISING NA!!" Bwiset naman oh ~_~

"Ano ba? Ang aga pa!" Sabi ko tska Umupo sa Kama pero nakapikit padin.

"Oo maaga pa! Pero hinihintay ka na ni Josh!" Sabi niya. Napamulat naman kagad ako.

"Si Josh anjan na? Omg! Alis!" Sabi ko tska Tunulak siya at dali daling pumasok sa Banyo. Nag madali ako mag shampoo at mag sabon, Nag toothbrush na din ako at Nag sulay. Pag labas ko ng Banyo, Nag bihis na ako ng Uniform at Kinuha ko na yung bag ko tska yung Librong hinirap ko kay Josh at dali dali akong Bumaba ng Hagdan. 

"O ayan na pala si Ange! Josh! Nag paganda pa!" Sabi ni Ate Mae. Sissy ko.

"Heh!" Bigla namang Tumayo si Josh at Nag abang sa Pinaka baba ng Hagdan. Para bang ako ang Princessa at yung prince ko :"""""> AYYYY TEKA. Siya nga pala si Joshua Chua ang

TUITOR KO. Oo Tuitor ko ~_~ Perp Crush na Crush ko siya! Swerte ko nga eh Classmate ko siya This year, This year ko lang din siyang naging Crush. Kung nag Tataka kayo bakit ko siya nagng Tuitor. Kasi si Mommy at Mommy niya Mag kaibigan, Eh etong nanay ko, Sabi sa Nanay ni Josh Ituitor daw ako ~_~ Kaya eto. Kilig with tiis mode ako.

Nilahad naman ni Josh yung Right Hand niya, Omg. Para Tuloy akong Princessa :"">

*BOOOOOOOOGSH*

"A-awwwwww." Sabi ko habang hawak hawak yung Pwet ko. Pano ba naman?! Ilalagay ko na yung kamay ko sa kamay ni Josh na nakalahad pero bigla niyang iniwas kaya nalaglag tuloy yung isang paa ko sa hagdan kasama yung Buo kong Katawan! Bwiset.

 "BAKIT MO INIWAS YUNG KAMAY KO SA KAMAY MO?! NALAGLAG TULOY AKO!" Sigaw ko.

"Eh bat mo kasi Ilalagay?!"

"Eh kasi Inulahad mo! Syempre ilalagay ko, Diba aalalayan moko? Nilahad mo kaya kamay mo!"

"Ha? Para alalayan kita? Hahaha! Joke ba yan Ange? Kaya ko nilahad yung Kamay ko para kunin yang Librong hiniram mo sakin. Baliw."

"Yun lang yun?"

"Oo, Kulang ka lang sa Tulog. Hay nako. Tara na malate pa tayo." Sabi niya tska nauna ng lumabas. 

"AHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Napatingin naman ako kay Ate Mae na tawa ng Tawa.

"BWISET!" Sabi ko tska Sumunod kay Josh. Tuitor ko nga siya, Muka naman akong yaya. Eh pano ba naman! Lagi akong nasa Likod isipin nila Stalker ako or Yaya ako!

****

"Uy Ange!" Napatigil naman ako sa Pag lalakad ng May tumawag sakin.

"Oh? Ica?" Siya nga pala si Jessica isa sa mga Close Friend ko.

"Friend." 

"Ano ba?" Sabi ko.~_~

"Eh kasi si Vincent." Nanlaki naman yung mata ko sa Sinabi niya.

"Wala akong pakialam sakanya." Sabi ko tska Nag iwas ng Tingin. Siya si Vincent Co. Ex Boy Friend ko nung 3 rd year ako, Last Year lang. Nag Break kami dahil hindi na daw niya ako mahal. Madali naman akong KAUSAP. Pero sa Totoo lang masakit padin ngayon. Pero mas masakit noon. Sobrang sakit. Halos mag pakamatay na ako noon pero pinag sabihan ako nila Ate na dapat hindi ko daw sinasayang yung Future ko sa Isang lalakeng walang kwenta. 

"Sure ka? Dito na daw ULIT siya mag Aaral." Napatingin naman kagad ako kay Ica. Yung hayop na yun DITO MAG AARAL?! Psh! 

"Tara na." sabi ko tska nag patuloy sa pag lalakad ko papuntang Classroom. Sumunod naman sakin si Ica, Classmate din naman kami. Papasok na sana ako sa Classroom pero napatigil ako ng Bumugad sakin ang Isang Lalakeng Nakatayo at naka pamulsa.

"Angellina." Sabi ni Vincent. Sabi na eh Hilig niya kasi ang laging naka pamulsa.

"Oh Hi Vincent! WELCOME BACK." Sabi ko tska Nilagpasan siya. Pangit niya!

"Wala daw Teacher!" Sigaw ng Isa kong Classmate. Buti naman.

"Review tayo?" Napatingin naman ako kay Josh. Mag katabi lang naman kami.

"Sure." Nauna naman siyang Tumayo kaya sumunod nalang ako.

"Angellina. Lets Talk." Sabi ni Vincent habang hawak hawak yung Braso ko.

"NASASAKTAN AKO." Napangiti naman siya.

"Kasi mahal mo pa ako tama ba?" Sabi niya habang ngiting ngiti, Huminto si Josh tska tumingin samin.

"TANGA HINDI. STUPID KA BA? ANG HIGPIT NG HAWAK MO! ALISIN MO NGA!" Sabi ko tska Inagaw yung kamay ko.  Nag tawanan naman yung mga classmate ko.

 "Lets go Josh." sabi ko tska Lumabas, Sumunod naman sakin si Josh. Dumretso kami sa Library. Umupo kagad ako tska Nag heads down.

"Sino yun?" Tanong niya with a serious tone.

"Bakit? Selos ka?" Sabi ko tska inangat yung Ulo ko at ngumit.

"Nag tatanong lang. OA mo ahahaha!" Sabi niya tska Nag iwas ng Tingin.

"K." Sabi ko tska Tinitigan siya. May dala kasi siyang Libro nag basa siya.

"Ma-maha-"

"Hindi ko na siya Mahal. Okay na yung once ako nasaktan. Ayoko na Maulit yun."

"Hindi naman yan yun Itatanong ko eh." sabi niya habang nangangamot ng Ulo. Pinag loloko ata ako neto eh -____-

"Ewan ko sayo!" sabi ko tska Nilabas yung Phone ko galing sa Bulsa ko, Mag lalaro nalang ako ng   Candy Crush. Buset naman tong crush ko o! Hays.

"Tayo na nga!" Napatingin naman ako sakanya, Nakatayo na siya habang hawak hawak yung Libro at nakatingin sakin.

"Ta-tayo na? Te-teka! Hindi ka pa nang liligaw ah!" Pag rereklamo ko.

"Ha? Ligaw? Kulang ka lang sa gamot  Ange! Sabi ko TAYO NA NGA! Tumayo ka na jan! Dahil gutom na ko! Iwan na nga kita jan." sabi niya tska Umalis ng Library. Buti nalang kami lang ang Tao -_____-

Ta-yo na nga. 

Tayo na nga.

AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! DARETSO KASI SIYA MAG SALITA! AKALA KO NAMAN GUSTO NIYA DIN AKO! HAY BUHAY!

*******

SHORT STORY! ONLY ONE SHOT! ^________^

Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon