Yes, natanggap na ko sa committee at ngayon ang first day na mamemeet ko ang officers.
Naeexcite ako kasi andun si labs. Hahaha!
E syempre lalandi muna ko. Antagal din nung huli kame nagkita.
Matumal ngayong week ang kakiligan e. Haay, Melwin! Miss na miss na kita!
Kasama ko ngayon si Erika, papunta na kame ngayon sa classroom kung saan magaganap ang assembly ng committee, sumakay na kame ng elevotor..
Uhmm, mejo excited na ko! Melwin my labs! I’m coming! :”>
Well, nandito na kame ngayon sa room at kame pa lang ang tao. Excited much pala ako? Nahiya naman ako! HAHAHA!
At… at… at…
He’s here na! Kakapasok lang niya ng pinto..
Kasunod niya si…
Uhmm, sino nga ba yun? Teka, kilala ko yun e. Yung presidente. Sino nga uli yun? Hindi ko na matandaan e.
After ilang minutes…
Nandito na rin yung ibang committee at lahat ng officers.
Nagdasal muna kame na pinangunahanan ni ate Marj.
Tapos nagsalita na yung presidente na hindi ko talaga matandaan yung pangalan..
“Good evening, committees. I’m Russ Alvarez the President of this organization and as I….”
Uhmm, okay! Wala ko maintindihan. English e. Haha! Dejk. Mejo boring lang talaga.
Tapos pinakilala na din niya yung ibang officers..
Si ate Kelly yung vice-president, si ate Marj yung secretary, si kuya Robi yung treasurer, si Melwin (my labs) yung auditor, si kuya Justine yung pro, si kuya Enzo yung 4th year rep, si ate Ashley yung 3rd year rep at si Mara yung 2nd year rep.
Nagsalita sila isa-isa..
Nagthank you sa’min at sinabi nila yung mga plano nila sa org.
Inexplain din nila kung anong mga dapat naming gawin at kung ano ang mga maitutulong namin sakanila.
Nagset ng rules..
At duties…
Okay naman ang lahat hanggang sa..
Turn na ni kuya Robi..
As expected nakakatuwa siya kasi ang jolly niya, ang ingay-ingay at napakaapproachable..
“As your treasurer gusto kong magpasalamat sainyong mga committees sa pagsuporta sa ating org..”
Ang cute niya kaso nga lang bakla talaga e.
“Asan nga ba yun?” sabi ni kuya Robi
Sabay tingin sa’kin..
“Ahh, siya. Si Shiela.. Siya yung favorite ko sa lahat ng ininterview ko kasi ramdam na ramdam ko talaga siya habang nagkkwento siya at alam ko may connections kame.”
Mejo nagulantang naman ako kasi si gay crush favorite daw ako? Landi ng isip ko! Hahaha!
Hanggang sa natapos na si kuya Robi..
At..
Si my labs na ang sunod! Enebe? Kinikilig na agad ako. HAHAHA!
“Good evening, guys. I’m Melwin your auditor….”
Habang nagsasalita siya nakatitig lang ako sakanya, wala na akong paki kung matunaw siya basta ang alam ko masaya ako at kinikilig! HAHAHA!
Hanggang sa may nahagip yung mata ko..
Malapit lang sa tabi ni my labs yung presidente na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga maalala yung pangalan basta ang alam ko lang A yung umpisa ng apelyido niya..
Ayy, ewan ko! Paki ko ba kasi sa pangalan niya db?
Natapos ang convergence at bumalik na kami sa kanya-kanyang classrooms..
“Shie, ano nangyari sa assembly niyo? Nainlove ka na naman ba kay Mel?” bati sa’kin ni Sage.
“Oo naman, never naman ako mafafall-out of love dun e. Ang pogi kaya niya kanina.”
“E lagi naman siyang pogi sa paningin mo e.” pang-aasar niya.
…
Well, tapos na ang araw na ‘to. Wala namang masyadong nangyari. Nandito na rin ako sa kwarto ko at nagsusulat sa diary ko about sa nangyari kanina at sa mga kakiligan ko kay Mel.
Pero may naalala akong pangalan..
Russ. Russ A? Sino yun? Hindi ko kilala pero naalala ko. Hindi ko maintindihan. Sinulat ko nalang sa gilid ng diary entry ko for today. Siguro kelangan ko malaman kung sino siya..
Ang pangalan na hindi ko inaasahang sobrang makakaapekto sa buhay ko in the future. SOBRA.
A.N
E sorry na, sabaw na UD. E kasi naman tinatamad ako. Naparami ng kain ng chocolates so I’m not feeling well. Basta, mahal ko kayo readers! :*
BINABASA MO ANG
Secretly in love with Mr. President
General FictionKwento ng isang hopeless romantic. Isang babaeng umiibig sa lalaking mahirap abutin. Ano kayang mangyayari kung magkakaroon sila ng chance na magkausap, ano na kayang mangyayari kung yung pangarap niya ngayon, abot kamay na niya?