Chapter 2

45 2 1
                                    

Nakatayo ako ngayon sa labas ng room ng building na sinabi ni Mara kung saan on-going ngayon ang screening ng applicants for the committee..

Pero kahit ano kasing sabihin ni Sage medyo napanghihinaan pa rin talaga ako ng loob e. Ang hirap naman kasi nito.  Never pa ako nainterview all my life ng kahit sino, first time ito if ever.  Itutuloy ko ba?

Nilabas ko ang cellphone ko at nagscan ng contacts at nadaan ako sa pangalan ni Grace. Tinawagan ko ito para kausapin at ibalita itong balak kong gawin, gusto rin kasi niya sumali at nagpasa na rin siya ng requirements pero hindi natuloy kasi naisip daw niya na kelangan niya iprioritize ang studies niya this sem para maging scholar, may point nga naman siya kaya hindi ko na pinilit.

“Hello, Grace?”

O Shiela? Bakit ka napatawag?” tanong niya.

“Nandito ako ngayon sa labas ng room, screening ng committee ngayon e. Itutuloy ko ba? Natatakot ako magpainterview kasi first time ko.  Ayoko na ata tumuloy e.”

“Wag!! Ituloy mo yan, alam ko gusto mo talaga maging committee at syempre makakasama mo din si Mel dun.”Pangongonsensiya niya.

“E pero nahihiya ako.”

“Papalampasin mo ba yung pagkakataon? Kaya mo yan, girl. Andito lang ako susuportahan kita.” sabi niya.

“O sige na nga, Grace. Papasok na ko. Maya nalang. Salamat ulit sa pagpapalakas ng loob ko ah. I love you, friend!” sabay baba ng phone.

Haay! This is it! Kaya ko ‘to! Papasok na ko!

Kumatok muna ko tapos binuksan ko na yung pinto...

“Hi, nak!” sabi ni ate Marj

“Hello po.” sagot ko.

“Oyy Robi! Interviewhin mo na ‘to, tulog ka ng tulog jan e.”

Bigla naman nagising yung isang officer na akala ko nung una lalaki, bakla pala. HAHAHA! Sayang crush ko pa naman siya. Ampupu. Landi ko na agad e hindi pa nga natatanggap. Magtigil ka, Shiela! Kay Melwin ka na, siya ang dahilan kaya ka nandito.

“Hello, bebe! Upo ka na dun.” Bati ni kuya Robi sa’kin.

“Osige po.”

“Ano pangalan mo?” tanong niya.

“Shiela po.”

“Ahh. Hi, Shiela! Wag ka mahihiya sa’kin ha. Relax ka lang.”

“Osige po.”

“Okay, ready ka na?”

“Opo.”

“Okay, I’m Robi Dayao ang treasurer ng org. At ako ang magiinterview sa’yo. Pakilala ka.”

“Ahh. Ako po si Shiela Mae Aguila, 2nd year. Panganay po akong anak. 3 kameng magkakapatid . Actually po, pangarap ko po talaga maging doctor kaya po ito ang napili kong course. Yung papa ko po may sakit at yung mama ko ang nagtataguyod ng pamilya namin.”

“Ahh. Osige. Anong una mong naisip nung narinig mo yung tungkol sa org namin. Ano sa tingin mo ang maitutulong nito sa students?”

… 

At sinagot ko naman ang tanong niya habang nagsusulat siya ng siguro ay scores ko at comment niya sa mga sagot ko sa tanong niya…

Hanggang sa matapos ang interview at relaxed pa din ako..

Ganun pala yun noh? Ang sarap pala sa pakiramdam na hinarap mo yung mga bagay na kinatatakutan mo and it turned out well.

Lumipas ang mga araw at dumating ang pinakahindi ko hinihintay!

Ang resulta..

Nakapasa kaya ako?

Pagdating ko sa classroom e bigalng sumigaw yung kaklase ko na applicant din ng committee at sinabing..

“Shiela, may result na!”

Kyaah! Kinakabahan ako! Ano na kaya? Sana nakapasa ako!

Nakapikit akong hinila ni Sage sa bulletin board namin upang makita yung nakapaskil na papel doon.

“Hoy babae! Tignan mo na!”

“Ayoko nga!”

Wag ka nga pumikit jan! Tignan mo na kasi!” sabay sigaw ng malakas!

Ano nangyayari? Bakit ka sumisigaw?”Tanong ko habang nakapikit pa din.

E gaga ka kasi! Idilat mo kaya mga mata mo para makita mo! Shiela, tignan mo na kasi!” habang niyuyugyog ako.

Binuksan ko ang mga mata ko at...

Kyaaah! Nakapasa ako! Sage, nakapasa ako! Waaaah! Hindi ako makapaniwala!” ako naman ang yumugyog sakanya.

“Oo, nakita ko gaga!” sabat niya.

“Oh my gee! Oh my gee! Hindi ako makapaniwala.”

At sa sobrang saya lahat nalang ng makakasalubong ko na kaibigan ay niyakap ko at pati mga kagalit ko nginitian ko kapag nakasalubong ko….

At may biglang nagtext..

“Hoy! Nakapasa ka pala. Congrats!” nagtext si Melwin at talagang Hoy lang ang tawag sa’kin ng mokong na ‘to. Sakit talaga e.

“Oo nga e. Salamat!” reply ko.

 ...

“Anak, congrats ha. First time mo maging member ng org ha? Umaasenso ha?” bati sa’kin ni mama.

“Salamat po, ma!”

Haay! What a day! Ang saya. Pero nasaktan pa din  ako sa tawag niya sa akin na Hoy! Hindi ko matanggap daig ko pa tropa niyang lalaki. Alam ko naman hindi ako maganda pero sana naman ituring pa rin niya akong babae. Nasasaktan din ako. Sana alam niya yun.

Pero back to reality. Okay, pasok na ko! Makakasama ko na siya ng mas matagal! Kyaaaah! Mas mapapadalas na ang pagkikita at pag-uusap namin. Haay! Eto na yun!

Secretly in love with Mr. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon