Mae Rianne's POV
Arggggh! Hindi na mawala sa utak ko yung sinabi ni Aling manghuhula.
"Susi yan para makamit mo ang tunay mong mga kaligayahan. Ito lang ang tandaan mo, hindi lang basta oras; pwede rin itong maging araw, lugar, panahon, at kahit na ano na magtutugma sa mga numerong iyan. Yan ang magiging dahilan ng iyong tunay na pag - ibig at lubos na kaligayahan."

Arggggh!
Napatingin ako sa orasan at lalo akong kinilabutan.
1:43 p.m. Nananadya ata ang tadhana ee.
( > __ < )
3rd Person's POV
Nagdaan ang mga araw na laging naabutan ni Rianne ang mga oras na sinabi sakanya ng manghuhula.
Minsan hindi na niya ito pinapansin pero madalas lagi niyang naaalala ang mga sinabi ng manghuhula.
Naikukwento na rin niya ang mga pangyayari sa mga kaibigan niya pero ito lang ang laging sinasabi sakanya...
"HAHAHAHA! Okay lang yan girl. Ayaw mo yung magkaka love life ka na?"
"Pabayaan mong dumating wag mong intayin. Kaya ka kinakabahan ee."
Ilan lang yan pero hindi parin talaga maalis sa utak niya.
Mae Rianne's POV
Tama nga siguro sila. Hindi ko dapat hintayin, kusang dadating yan.
Kaya ko siguro hinihintay kasi gusto ko na ring makita ko kung sino ang para sa akin. Hay!
BINABASA MO ANG
Time Check! ⌚
Novela JuvenilNaranasan niyo na ba na tuwing titingin kayo sa orasan niyo may partikular na mga oras ang palagi nyong nakikita tulad ng 11:11, 7:11, 12:51, 1:43, 12:12? Sabay-sabay nating tuklasin ang kahulugan ng nasa likod ng mga oras na ito.. A/N: Don't worry...