Nakilala ni Aisha si Adrian nung mga panahong broken sya. He is the perfect guy, tall, good-looking, smart, funny and caring. Ok na sana. Kung hindi nya lang alam mula sa umpisa na di sila pwede.
Bakla kasi si Adrian.
Ang kuwentong walang sense pero totoo. Pano nga ba magmahal? Pano mo nga ba masasabing eto na, true love na to?
Ixora Adrian De Asis x Jennette Aisha del Rio
--
My first attempt in writing here in WattPad and writing a Filipino story na hindi fan-fiction. Hope you enjoy :)
--
Chapter 1:
'This is it', I heaved a deep a sigh as I pushed the doorbell of the glass door. Nakita ko ang receptionist na ngumiti sakin bago magbukas ang pinto ng opisinang yun. Ngumiti din ako at pumasok na saka ko sya nilapitan.
"Hi, good morning. My name is Jennette Aisha del Rio. I am looking for Thea Lamatog?"
"May I know if you have appointment for today Mam? Are you scheduled for interview?"
I shook my head, "Ah no. Actually I am reporting for my first day at work today. I already signed the contract."
She smiled bigger. "Is that so Mam? Kindly take a seat for a while po muna. And welcome to Dot South Technologies. :)"
I thanked her tapos umupo muna ako sa isang rattan chair nila. Pinagmasdan ko ang paligid. Ang laki ng opisina na to. Kumpara sa dati kong kompanya na di pa lalagpas sa 20 ang tao, may halos 500 programmer na nasa Dot South. Obvious na mayaman ang kompanya based sa mga furnitures at arrangement ng buong opisina. Hindi kagaya sa SAI na una kong pinagtrabahuhan.
Nakaramdam ako ng kirot ng maalala ang dahilan ng pag-alis ko sa SAI. Kakambal na ng SAI ang ala-ala ni Art.
2nd boyfriend ko si Art. He was 5 years older than me. Mula't sapul kasi ayaw ko sa mga kaedad ko lang. I've always had a more mature mind compared sa mga kaedad ko. Akala ko si Art na. But he left me.
Even more than that, he betrayed me. He broke me into pieces.
I stopped myself bago pa ako mag-ala Judy Ann sa first day ko. Tamang tama naman dahil may lumapit sakin and called my name, "Jennette Aisha Del Rio?"
Tumayo ako mula pagkakaupo at inabot ang kamay niya, "Ms Thea?"
The woman in front of me is probably around mid-30's. Mejo plump ang katawan nya at maamo ang mukha na binagayan ng hanggang balikat na buhok. Malumanay pakingggan ang boses nya.
Tumango sya as she shake my hand, "Welcome to Dot South. Just call me Thea."
I laughed, "Sure Thea. You may call me Aisha or Jen or whatever you prefer."
"Andami non a. Ang hirap ng mahaba ang pangalan no? Hahaha. Dahil Aisha ang unang sinabi mo I'm thinking that's what people often call you. So, how do you feel on your first day of work Aisha?", she asked as she lead the way papunta sa workstation ko siguro. Mejo naiilang ako dahil parang iba yung tingin sakin ng mga nadadaanan namin. Or is it just me? May mali ba sa suot ko? Nakacasual din naman ako kagaya nila a. Lalo tuloy akong kinabahan.
Napansin ata ni Thea na di agad ako nakasagot kaya nilingon nya ako. Natawa sya ng biglang magyukuan yung mga nakatingin sakin. She leaned in and whispered, "Wag kang kabahan iha. Hindi lang sanay makakita ang mga yan ng mukhang fashionista at ndi mukhang nerd na programmer gaya mo."
--
"Hallooooowww mga Ateeehhh!", malakas na bati ko sa mga housemates soon-to-be officemates ko ulet.
BINABASA MO ANG
True Love
RomanceNakilala ni Aisha si Adrian nung mga panahong broken sya. He is the perfect guy, tall, good-looking, smart, funny and caring. Ok na sana. Kung hindi nya lang alam mula sa umpisa na di sila pwede. Bakla kasi si Adrian. Ang kuwentong walang sense pe...