Chapter 2

5 0 0
                                    

Chapter 2

"Hi", nagulat ako sa boses na biglang nagsalita sa gilid ko. Si Adrian pala.

"Yes?", I gave him a helpful smile. I know sinabi ko na naasar ako sa pagiingay nya kahapon pero wala e. That's me. I try to be as professional as l can get. Ayokong may nasasabi ang kahit sino tungkol sa pagtratrabaho ko.

"Uhm, Aisha right? Ano kasi, sabi ni Thea kanina I can get the copy of the project documents from you. Pwedeng pasend naman sa email ko.", he gave me a mejo kimi smile. Don't get me wrong ha, hindi sya mukhang mahiyain. In fact, the way he approached me exudes confidence and power. Weird pero ganun talaga ang dating e.

"Ah, sure. Ano bang email mo?"

"Pasend na lang sa ixora.adrian.deasis@dotsouth.com. Thanks!"

"Alright. Will do.", sabi ko saka humarap ulet sa monitor ko. Napalingon ulet ako sa kanya nung naramdaman kong di pa din sya umaalis.

"Is there anything else?", natatawa kong sabi.

"Ahaha. Can I get your ym? Just so, you know, if I need something from you I can give you a quick message."

I got his point and instantly jotted my yahoo username in a post-it note then handed it to him.

Pagbalik niya sa upuan niya which is just 5 seats away from me, nagpop na sya ng message sakin sabay litaw ng add notification sa screen ko.

ixora_adrian: thanks for helping me out. I badly need it. :)

I typed a quick reply.

jennette_aisha16: np ;)

ixora_adrian: sorry ha alam kong busy ka wala lang kasi talaga akong alam pa dito sa project e nakakahiya naman magtanong sa iba. Alam mo na ba yung mga technologies na sinasabi ni Thea?

Hmm, is he making small talk with me? Mukhang mabait naman pala sya. I shouldn't judge him o mainis sa kanya dahil lang sa ang ingay niya kahapon. I mean, I have a lot of moments too na maingay ako.

jennette_aisha16: it's ok, no worries. Actually, di ko pa din masyadong alam yung mga yun e. I've been using ASP.Net kasi sa last company ko. First time ko gagamit ng Mvc.

ixora_adrian: iniisip ko na nga lang may training naman e. Will you help me out? Tatabi ako sayo ha :) Bukas na daw yung training sa mga technologies e. Nakakahiya man. SE4 ako pero mukhang mas technical ka sakin haha

jennette_aisha16: haha akala mo lang yun. Sige let's help each other out.

ixora_adrian: sureness! Hey! Do you watch Big Bang Theory?

jennette_aisha16: ha? Hindi e. Ano ba yun? (Sabay search ko sa internet)

ixora_adrian: OMG! O.O sang lupalop ka ng earth galing?! Di mo alam yung big bang?

jennette_aisha16: haha hinde e. Comedy series pala yan. Sinearch ko sa google lol

ixora_adrian: you should watch it! I have copy of all of the episodes up to the latest season. Dalhin ko yung external ko bukas, icopy mo? Kahit dalhin mo na yung external ko, you like? :)

I thought about it for a little while. Sa totoo lang, di naman talaga kasi ako palanood ng kahit ano e. I'm more of a books person. But he's offering kasi and he really seems eager and sincere sa pagoffer. Parang nahihiya din naman akong tanggihan sya.

jennette_aisha16: sige thanks :)

I sighed.

--

Pauwi na ako ng madaanan ko sina Rome at Mabel sa reception area kasama si Adrian. Nagtaka pa ako ng makita ko si Reese na team mate ko kasama nila. Mukhang barkada din nila si Reese.

Nagtatawanan sila at as usual maiingay na naman. Magtatap na sana ako ng proximity card para makauwi na ng bigla na lang may humawak sa braso ko.

Napalingon ako at napakunot-noo ng makita ko ang nakangiting mukha ni Adrian.

"Anong tingin mo kay Rome? :)", malaki ang ngiting tanong nya.

Humarap na ako sa kanilang magbabarkada. Anong meron? Anong anong tingin? Lalo tuloy napakunot ang noo ko.

"Hui! Di ka na sumagot?"

"Anong anong tingin? Tingin ko sa kanya bading."

"Waaaaa! How'd you know! Halata ba ako?", nagrereklamong iyak ni Rome. Natatawa na ako.

"Hahaha, e di ba bading ka naman talaga!", natatawa kong sabi

"Aisha, di naman out si Rome pano mo nalaman? I mean, look at him o! He looks like a man.", singit ni Melba na nagtataka din.

"Huh? Di ko alam e pero unang kita ko pa lang alam ko na. Siguro sa pagsasalita mo?"

"Hahaha hala ka Romano halata ka na baka mahalata ka na din ng tatay mo!"

"Ah ganon?! Aisha, anong tingin mo kay Adrian?"

Lalo akong natawa. Ano ba to? Joke time ba to?

"E di bading din!"

Laglag ang panga ni Adrian.

--

"P-pano mo alam?", nauutal kong tanong. I'm not hiding I'm gay but this girl is so weird. Parang may inner gaydar sya or ano.

"Ahahahaha o ano akala mo ako lang ha?! Bilis ng karma no?!", pang-aasar ni Rome.

"Heh! Pero seriously teh pano mo nalaman. Ikaw lang ang nakapagsabi samin niyan ni Rome. I mean, kakakilala pa lang natin?"

"Unang kita ko pa lang sayo alam ko na. Nagbeep-beep na ang radar ko hahaha Aren't you guys out?" Naiiling na natatawang sagot nya.

"I am. Rome's not. Sundalo kasi tatay nyan e. Pero grabe, you amazed me." Napapangiti ko na ding sabi.

The first time I've seen this girl alam ko magiging malaking part sya ng life ko e. And with this parang lalong lumalakas yung kutob ko na she'll be a huge part of my life.

Ang totoo mukhang masunget talaga sya nung una e. Hindi ko kasi alam minsan kung ano yung iniisip nya. Nagulat nga ako nung unang beses ko sya nakitang tumawa. Pano kasi ganon pala sya, halos mawala yung mata nya kapag tumatawa sya. Tapos labas ata pati ngala ngala. Parang sya yung tipo ng babae na walang pakialam kahit ang panget nya pag tumatawa sya basta sincere yung tawa nya.

At ang fashion statement ni Ateh! Wagas! Parang di pang-programmer! Aba sya lang ata nakikita ko dito na hindi nagjejeans e. Nakadress sya lagi at heels pero di naman yung tipong formal. Pag nagpupunta nga to ng banyo laging sinusundan ng tingin. Paano kasi ang lakad parang model, nasasa-shay!

"Haha ganon ba? Don't worry Rome. Ok lang yan. Alam mo you can't please everybody, they will always have something to say. Alam mo, this is what I learned from experience, there's no use trying to have everyone accept you. Mas mahalaga yung mahal mo at accepted ang sarili mo ;)", makahulugan nyang sabi tapos she gave this sincere smile pero may halong lambong sa mga mata nya.

Maya-maya lang narinig ko na lang nagclick yung door. Nagpaalam na pala sya.

--

True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon