Chapter 3

6 0 0
                                    

AN: haays ang hirap pala magtype at gumawa ng storya sa cellphone. Parang namamanhid na yung thumb ko hahahaha. Pero gusto ko matapos tong story na to kasi para sa kanya to. Landi lang :p

--

"Teh, to na yung external ko o. Uwi mo na lang :) para di ka na mahirapan magcopy dito"

"Sure ka? Baka kailanganin mo to a." , nag-aalalang tanong ko. Nakakabaliw pero kung nung una parang asar na asar ako sa baklitang to ngayon naman tuwang tuwa na ako sa kanya. I mean, effort kasi talaga sya to approach me, lagi nya ako kinakausap sa ym at di naman ako ganon katanga para di maramdaman na he wants me to be his friend. Marunong naman akong makaappreciate.

Kung normal na lalake lang sya tatanggihan ko siguro na makipaglapit sa kanya. I've been hurt by a man too much na parang natrauma na ako sa kanila. Yung parang may wall na. Yung parang tingin ko na lang sa lahat ng guy na nakakasalamuha ko, ndi guys but genderless friends. Magulo ba? Basta ganun. Yung tipong because I don't see them as guys they will never have the chance to get close to my heart and break it again.

Mapait akong napangiti.

'Tanga ka ba Aisha? Anong ibrebreak? Nabuo ba yan ha?' Parang tangang kausap ko sa sarili ko.

I will never get attracted to them again. Di na ulet akong parang gamo-gamong sususong sa apoy para lang mawala ang lahat sa akin. Never again.

Napakurap ako ng tapikin ako ni Adrian, "layo ng lipad ng utak mo teh! Gusto mo ng kape? Haha."

Itinaboy ko muna sa isip ko yung mga bad memories saka ako ngumisi sa kanya, "libre mo?"

--

Nasa training kami at kagaya ng napag-usapan tumabi ako sa lola Aisha niyo. Ang gulo gulo nung topic e. Di ko na nga magets. Umeepal pa tong Architect namin sa paglelecture gulong gulo na nga ang byuti ko. Hihi.

Tumingin ako kay Aisha na di mo alam kung lumilipad na naman ang utak o nakikinig sa pagtatalo ng archi namin at nung lecturer. Blangko na naman kasi ang mukha nya.

"Nagegets mo ba teh?", tanong ko sa kanya.

"Nagegets naman."

Tipid magsalita? Nagsasave ng laway? Natatawa kong kausap sa sarili ko.

"Galing mo naman. Ako hindi ko na sila magets e. Haha."

Tumingin sya sakin at humagikhik. Moody talaga tong babaeng to.

"Epal kasi tong ipis na archi natin. Pinapagulo nya yung sitwasyon e hihi. Turo ko sayo maya"

Natawa na naman ako. Hahaha ikumpara daw ba sa ipis si Riley?

Napabaling ako don sa lecturer na halatang naiinis na sa architect namin. Kulang na lang sabihin nya kay Riley na sya na lang ang magturo e.

Nagulat na lang ako ng biglang magtaas ng kamay si Aisha at tumayo agad nung inacknowledge ng lecturer.

"Look, I think we are wasting time here. Mas nakakagulo kasi kung 2 yung nagtuturo. I know you both are knowledgeable in this area but if one wants to teach one way and the other wants to teach another way, di ba maguguluhan kami non? Gentlemen, I just want to remind you that intelligence is not a dick measuring contest. So Riley, sorry to be blunt, if you want to teach a new way of doing this, let's have yours scheduled in another meeting. "

Napanganga ako. Well, hindi lang naman ako. Halllllooooo! Architect at lead lang naman nya ang sinabihan nya non. And she even mentioned the word, dick!

Katahimikan. Tapos bigla na lang may pumalakpak.

Napatingin sila lahat sakin.

'-_- ano meron?'

Tapos napatingin na lang ako sa kamay ko.

Tae, ako pala yung pumalakpak.

--

After a week natapos na din yung training. Naghiwalay na kami ng landas ni Adrian kasi sa kabilang team naman talaga siya e. Ako, team mate at team lead ko lang naman yung ipis na si Riley na btw ay syang katabi ko na po ngayon. -_-

Minsan nagpapop pa din sakin ng message si Adrian, nakakasalubong ko sya minsan nangangamusta tapos everyday naman nagpapasama sya magbreakfast. Ayun, dahil don naging parang kaibigan ko na din sya.

Madaldal si Ateh. Opo, nakiki-te na din ako ngayon. Paano kasi teh sya ng teh sakin, nahawa tuloy ako. Kung ano ano pang chinochorva sakin. Yung mga gay expenses chuchu daw kagaya ng paggyg ym at pagpunta sa gay bar. Pati kung pano mo malalaman na bading at gusto kang maka-nike (as in just do it. Gets? As in DO). Pag malagkit daw ang tingin at tiningnan ka from head to toe, pabalik etc etc. Hay nako wala ng iniwang details si Ateh.

Eto pa malala. Inaya ako sa gay bar! Hahaha. Alam niyo ba yung BED sa Malate? Matino naman daw na gay bar yun at may mga nagpupunta din na girls. Papayag na sana ako e. Kaso biglang sabi, "Pero iiwanan na kita pag nakahanap na ako a. Keri mo na yun!"

Ayun, sweet naman ang loko. Para akong may sister. Pati nga si Art nakuwento ko sa kanya. Napaiyak pa ako sa harap niya. Ang baklita kala mo nakakita ng aparisyon di malaman ang gagawin! Sa sobrang lito nya ang binigay saking tissue yung pinambalot sa sandwhich na baon nya. Hahahaha.

Pero syempre may barkada yun e. Tamang close lang ako sa kanya. Wala pa talaga akong super kaclose dito. Bwahahahaha.

Wala lang. Baliw-baliwan ang peg?

Magwa-1 month na ako sa bago kong trabaho at I'm proud to say na sobrang bilis kong naging asset ng team. Si Riley nga na mukhang ipis na katabi ko nga kagaya ng sinasabi ko sa inyo kanina madalas na ako kulitin.

"Palitan mo to. Ihiwalay mo ng another method. Rename mo to. Tapos lagyan mo ng property summary lahat ng ginamit mong properties"

"Opo boss."

Gusto ko nga mainis sa ipis na to e. Pano kasi tuwing may code review lagi nya ako nahahanapan ng butas. Nakakainis kaya yun! Imbes na tapos ka na, magrerework ka pa! Akala mo tapos ka na dun tapos babalikan mo pa pala.

Pero in fairness dito kay Riley, mabait sakin. Hindi naman nya ako pinipersonal. Actually lahat ng sinasabi nya tinatanim ko sa kukote ko dahil may sense. Lahat ng tinuturo nya tinatandaan ko. Saka ang gusto ko pa sa kumag na to, laging tinatanong ang opinyon ko.

Saka eto pa, lagi nanlilibre.

"Smile naman jan Ms. Ganda. Wala pang 15 mins sayo yan e.",nang-aasar na sabi niya.

"Hoy Riley! Nanggagago ka na naman! Saktan kita e", sabay suntok ko sa kanya. Naggygym naman tong sira-ulong ipis na to e wala lang sa kanya yun hahaha.

"Grabe nagbanta ka pa nasuntok mo na ako! Amazona ka talaga e. Kinilig ka lang e. Aaayyyiii!"

"Loko-loko. Leave me alone!" Pagsusungit ko sa kanya kuno.

Minsan nasabi nya sakin natutuwa daw sya sakin. Lagi daw kasi pag naalis yung espiritu ng pagkaloka loka sakin, may sense daw mga sinasabi ko. Kadalasan daw ako ang voice of reason nya. Lalo na daw pag nararamdaman nyang sobrang galing nya. Yabang din no? Hahaha.

Akala niyo magagalit sya sakin no? Kasi sinita ko sya nung lecture?Nakakatawa nga e. Kasi nagpasalamat sya sakin pagkatapos. Ginulo pa yung buhok ko.

Gwapo din tong si ipis e. Babaero nga lang. Kaya ipis pa din tawag ko sa kanya. Parehas kaming insekto kaya sinali ko na din sya sa mga genderless friends ko.

Natawa ako nung ginulo nya naman yung maiksi kong buhok.

"Riley tae ka talaga!!!" Sigaw ko sa kanya ng biglang nagring yung phone ko.

Unknown number.

Kinuha ko tapos sinagot ko, "Hello?"

"Hello Jang! Andito ako sa reception area niyo. Pwede mo ba ako puntahan?"

I froze. Kilala ko yung boses na yun. Pati yung nickname ko. Dalawa lang silang lalake na tumatawag sakin ng ganon bukod sa pamilya ko.

Parang namanhid yung buong katawan ko sa pagdaloy muli ng sakit. Paulit-ulit. Walang humpay.

"A-art..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon