Horror Story that was Read by Chico Loco :)

315 2 1
                                    

hello kuya chico, gusto ko lang i share sa lahat ng takapakinig mo ang isa sa pinaka hindi ko malilimutang experience with the paranormal,
just call me RED, and now I am a third year student at Bulacan State University, taking up Bachelor of Secondary Education major in Biological Sciences
2 years ago ito nangyari, sa college ko, it was just an ordinary week, but it bacame one of the spookiest week I had

during our psychology class, bigla na lang nagkwento ang teacher namin sa klase namin about sa experience niya noong one time na nagtuturo siya sa mga fourth year students mga bandang 7 na ng gabi, na nakakita ng multo that hugs him during their class, pinadiscribe nung teacher ko yung features nung lalaking entity na yumakap sa teacher ko then my teacher answered na yung best friend niya yun na namatay a year before nung incident na iyon at nung araw na iyon, birthday ata nung best friend niya. nung kunikuwento ng teacher namin yun, natakot ang buong klase, nung time na iyon.

after that puro ghosts and creepy stories ung topic naming magkaklase, hanggang magklase kami sa communication arts 1 namin room 410, pagkapasok nung teacher namin, parang iba ung aura niya, then bigla siyang sumigaw at sinabing 'ano iyan', she pointed on the vacant seat sa likuran ng row namin, then she said na parang meron siyang nakita that is behaving strange kaya sinita nya..

after nun, nagsigawan ang buong klase sa takot, hindi ko alam pero bigla akong napatingin sa may bintana malapit sa corridor ng forth floor (yung current floor nmin) may dumaan na tao, then nung sinundan ko siya ng tingin, nawala siya sa sumunod na bintana, bale kasi yung setting ng wall na yun ay isang bintana then yung door then dalawang bintana na may division, dun sa pangalawang bintana it disappeared and may image akong nakita ng isang taong may mahabang buhok na gulo, maitim at parang babae na medyo petite. after nun, lumingon ako sa whiteboard at pinagwalang bahala na lang,

then merong kumalabit sa akin, mula sa likod, then nung lumingon ako, my classmates were just focusing on our topic, medyo creepy pero pinabayaan ko na lang akala ko kasi kaklase ko lang yun

then biglang sumakit yung leeg ko, parang may nag exert ng pressure at unit-unting bumibigat hanggang sa last subject ko na philippine history, sumasakit pa rin siya.

pag uwi ko sa amin, nagulat ang mama ko at nagalit siya sa akin dahil akala niya nag-uwi ako ng kaklase ko sa amin, pero bigla bigla niya akong pinakuha ng rosary at pinagpag sa akin yung sinuot kong damit, noon pa lang kinikilabutan na ako, then sinabi niya sa akin na meron daw nakababa sa likuran ko at naisama ko daw mula sa school hanggang sa bahay namin (parang isang scene sa shutter and comming soon, basta merong bumaba daw sa akin), at that point pinagdasal niya ako at binuksan yung pinto tas pinapalayas niya yung nakababa daw sa akin, then after a full rounds on praying the holy rosary, gumaan ang pakiramdam ko, and somewhat naniwala ako na meron ngang entity na sumama sa akin from our school at Malolos city, hanggang sa house namin dito sa Hagonoy (Bulacan)

kinabukasan, nag cr ako sa third floor ng same building, and pinagkibit balikat ko nalang ang incident na nangyari,
nasa may lababo, nakaharap sa salamin habang naghuhugas ng kamay at nag-aayos ng buhok ng biglang may pumasok, parang lalaki, obviously lalaki dapat kasi cr ng guys yun, that was around 5, malapit ng isara ang mga cr sa building namin, after siguro 5 minutes, hinihintay kong may lumabas pero wala, then bigla akong kinilabutan kasi diba kapag umiihi tayong guys e dapat maingay, or kung dumudumi, dapat may maaamoy, or any movements or sounds pero wala talaga akong narinig tas mag-isa lang ako sa loob ng cr at sa takot nalala ko yung incident last day, so nagmadali akong lumabas

then nung friday at the same week, pumunta kami sa faith healer na pinagkakatiwalaan at subok na ng family namin at sinabi sa akin na, oo nga may babae na bumaba sa akin, pero hindi daw ito tuluyang umalis, sumusunod pa rin daw ito sa akin, nagmamasid at pinapanood ako pero hindi ako malapitan ng entity na ito, ginawa ko na nga lang na medyo positive kasi, at least merong entity na nahumaling sa pagiging gwapo ko... hahaha... (assuming lang po >.<)

and then on hindi na ako masyadong nakakaramdam kasi iyon yung pinaka creepy na nangyari sa akin so far, well sana mabasa nyo po ito, sorry kung medyo mahaba, at sana sa birthday ko po mabati nyo ako, sa nov. 22 po 18 na ako.. XD salamat po and KUDOS and more power to YD. at hello po sa lahat ng BSEd III-A Biological Sciences at sa mga ka-bio ko over sa Bulacan State University 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stories of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon