*Chapter 2: Mr. Sungit/Isnabero.*
Malapit nang magstart ang klase pero wala pa din si Mr. Sungit slash Isnabero. Oo, 'yan ang tawag ko sa kanya kahit mahaba. Cute naman diba? Ay ewan. Nababalit na ako. Natatawa na lang ako sa mga kalokohang naiisip ko. Nagsusulat ako ngayon dito sa diary ko.
Kung anu-ano lang ang pinaglalagay ko doon. No'ng natapos na kong magsulat ng diary ko at saktong pagsara ko ay dumating si Mister Isnabero. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makaupo siya. Nilingon niya ako nang nakataas ang kanyang kilay, ngumiti ako pero as usual hindi ako pinansin. Tss. Ngumuso na lang ako at dumating na 'yong homeroom teacher namin.
"Okay, good morning class. Ako nga pala si Sir Jayson Fablar, ang inyong homeroom teacher." binati namin siya, "okay, since bago lang ako dito at hindi ko pa kayo kilala dahil nga bago lang ako." hindi siya natuloy sa pagsasalita dahil napuno ng tawanan ang buong klase. Hala! Ang baliw lang ni sir. Maski siya natawa sa sarili niya e.
Pinagpatuloy niya ang pagsasalita, "kaya magpakilala na kayo isa-isa. Magsisimula sa'yo." tinuro ni sir si Lloyd, ang pinakatahimik sa klase. Gwapo siya pero super tahimik. Dati ko pa siya kaklase. Hm, mga five years na? Hindi ko sigurado basta mga gano'ng taon. Ang tagal na din pala. Well, sa mga taong magkaklase kami ay bihira ko lang siyang marinig o makitang nagsasalita. May mga kaibigan siya pero kahit na kasama niya iyong mga 'yon ay hindi siya gaanong umiimik pero lagi naman siyang kinakausap ng mga kaibigan niya. Tumayo siya sa harap at nakayukong nagpakilala pagkatapos ay bumalik na siya sa upuan niya. Pumalakpak lang kami.
Iba talaga kapag tahimik ang isang tao, para bang pine-preserve nila 'yong laway nila. Ginto ata 'yon. Ay ewan. Ano ba itong pinag-iisip ko? Nagpakilala na silang lahat. Ang boring. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napatingin ako kay mister sungit. Nagulat ako no'ng nakita ko siyang nakaub-ob sa mesa niya at natutulog. Whaaaat?! Ke bago-bago pa lang niya dito may attitude na? Ay lakas ni Koya. Tsk tsk. Pasaway. Hinayaan ko na lang siya at nakinig na lang ulit ako.
Nagpakilala na si Megan tapos 'yong katabi niyang lalaki na laging kasama ni Mister Sungit. Ay, siya pala iyong may-ari no'ng bag na nasa tabi ko. Tumayo siya sa harapan at, well, gwapo siya, maganda ang pagkakadepina ng jaw line niya, ang ganda din ng kilay niya na medyo makapal ng kaunti, ang mga mata niya na matapang pero parang nang-aakit at ang manipis niyang labi. Matangkad din siya infairness, and I can say that he's hot.
"I'm Cyriel Yvo Montemayor, transferee. Nice to meet you all." ayon lang ang sinabi niya at umupo na siya sa upuan niya. Ang mga kaklase ko naman ay kulang na lang maglaway sa sobrang titig sa kanya at nakanganga pa talaga. Napailing na lang ako sa kanila at tumayo na dahil ako na ang magpapakilala.
Tumayo ako sa harapan at ngumiti sa kanilang lahat, "Hi! I'm Cassandra Lexie De Vera. Sana maging magkaibigan tayong lahat." pagkasabi ko no'n ay naghiyawan silang lahat. Hindi ko alam kung bakit pero natawa na lang ako sa naging reaksyon nila. Umupo na ako.
"Okay, next." sabi ni Sir. Humupa ang ingay at tumahimik, hinihintay kung sino ang sunod na magpapakilala. Teka, sino na ba next? Luminga-linga ako at nanlaki ang mga mata ko no'ng napatingin ako kay Mister Sungit na tulog pa din. Omg! Sheez! No choice ako, kailangan kong gisingin itong masungit na ito. Kinalabit ko siya ng dalawang beses.
"Ey! Mister, gumising ka na dyan!" bulong ko sa tenga niya. Nakakahiya naman kasi kung sisigaw ako diba? Hindi pa rin siya gumigising. Hala! Isa pa. Sundot sundot, anak ng potek tulog-mantika naman ito, "Hoy! Gising na! Ikaw na 'yong susunod!" medyo malakas na 'yong pagkakasabi ko. Tumingin ako sa mga kaklase ko at nakita ko silang nakatingin sa amin pati na din si Sir. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa nangyari.
BINABASA MO ANG
OURS (Nerdy Princess ♥♥ Part 3) *EDITING!*
Dla nastolatkówStory of the children of the main casts in Nerdy Princess. Technically, the book 3 of NP. Still under editing & revising.