Chapter 2- Falling in Love

29 1 1
                                    

EMERALD

"It's funny how we fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time."~Anonymous

Now, second year na kami. The exact date? Feb 9, 2009. Monday before ng valentine's day sa saturday. Ang club kong CHUMS, in other words- guidance counselor club, is holding a valentine's booth sa may stairs between the 2nd floor and 3rd floor, every year namin yun ginagawa. Tradition na kasi na kapag may Valentine's ay maglalagay kami ng booth kung saan maraming studyanteng dumadaan. Doon sa booth, pwedeng bumili ng Teddy Bears na nagrerange from 20-100 pesos depende sa size,some are holding hearts, in different sizes,meron ding different sizes ng heart-shaped na pillows with love quotes na ranging from 50-150 pesos, roses(kahit plastic lang, nasa budget kasi) na from 10-50 pesos, at pwedeng magpasulat ng love letters sa love nila(at crushes) called "Heart Messages", isusulat nila sa piece of paper na ibibigay namin sa kanila at kami ang nagsusulat ng mga sulat nila, then ibibigay namin sa gusto nila ipabigay, 5 pesos to 10 pesos naman yun.

Hay... ito ako ngayon sa classroom namin, ang II-A, hindi kami magkaklase ni Prince ever since we started High School so medyo malungkot. Sad but true, kailangan kong tanggapin we can't always be together in one place naman kasi but we can see each other naman 'pag umaga, recess, lunch, at uwian. Anyways, ito ako ngayon nakasuot ng jeans at pink na button up polo shirt na may left breast pocket kausap si Luce, este Lucinda Selene "Lucia" Florantine, ang bago kong best friend and classmate AND super gandang seatmate. Ang super sweet niya at maalaga kahit nakakabingi boses niya sa sobrang katinisan nito, ang ganda ganda naman ng boses niya 'pag kumakanta siya. Pinaguusapan namin ngayon yung Third year niyang crush na si Jamie Mercado, gwapo siya na may mala-piñang ayos ng buhok at parang naliligo sa gatas sa sobrang kaputian. Tumingin ako sa may front door at nakitang dumadaan si Jamie with some of his friends. Yan na ang cue ko, "Luce, look!" bigla kong sabi cutting her off, oh please!kanina pa siya dada ng dada kung gaano kagwapo si Jaime. As much as I love her, I hate it when she's like that. "Si Jamie!"

"San? San?" paulit-ulit niyang sabi. Paling dito paling doon ang ulo niya.

"Sa labas! Dumadaan!" ang huli kong nasabi bago nabingi ang tenga ko sa lakas ng tili niya, "Ah, shit! Ano ba yan, Luce! parang nabingi ata ako!"sabi ko sa kanya habang ginagawan ng paraan ang ringing sound sa tenga ko dahil sa tili niya, "Alam mo 'pag nalaman ni Prince na ginawa mo akong bingi magagalit 'yun! Alam mo naman kung gaano kaoverprotective sa'kin nun eh!"

"Opo na. Sorry na po!" sabi niya with puppy dog eyes after that, "Ayan! Dalian mo bago pa siya mawala idrawing mo na!Dali! Dali!" sabi niya na halos parang kiti-kiting hindi mapakali habang paulit-ulit na hinahampas ang kaliwang braso ko.

"Oo na! Oo na ito na! Patapos na!" Irita kong sabi habang nilalayo ang braso ko sa palo niya't nagconcentrate idrawing si Jamie. Mula sa mala-piña niyang buhok hanggang sa tindig niya. Lagi ka pa namang isama ng best friend mo sa mga lugar sa school kung nasaan nandoon ang crush niya kung hindi mo pa memorize ang itsura niya, ewan ko nalang. "Ayan! Tapos na po. Ansakit mo mamalo talaga! If Prince really hears about this he'll surely get mad!"

"Yan!Thank you!" hablot niya sa drawing na aakalain mong mapupunit yung papel at isinilid sa may notebook niya at sinabing, " Yan naman kasing best boy-friend mo masyadong overprotective. Do you think na nagoover-the-bakod na siya? I mean, hindi mo naman siya boyfriend tapos madikit ka lang sa mga lalaki nagseselos agad. Tapos sinasabihan ka pang kalimutan mo na si Gian. Do you think that's way too much for just a best friend?" Paliwanag niya and it had me thinking... Oo nga noh? He's only my best friend pero ang acting niya parang boyfriend na super overprotective at nagagalit pa 'pag nasasaktan ako o di naman kaya 'pag may kasama akong lalaki. Bakit ba siya ganon? No! Impossible! No one could ever ever love, moreover, like me! There is no way he would like me! Nuh-uh!

The Wolf Prince and The Vampire Knight(In Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon