Prologue: Start of Something New

70 0 0
                                    

EMERALD

"When we first met, I honestly had no idea that you would be this important to me."~Anonymous

"Ems! Be careful!!" sabi ni Mama sa'kin nang lumabas ako ng bahay.

"Opo!"sagot ko habang papatakbong lumabas ng bahay.

"Ems! Tara!" sabi ni Gian, ang kaklase ko't crush ko. Siya ang unang una kong nagging kaibigan sa Summerbreeze Kindergarden. Araw-araw niya akong hinahatid-sundo sa school. Siya din ang knight in shining armor ko kasi dumadating siya sa tabi ko para ipagtanggol ako sa mga bullies.

"Gian!" Tuwang-tuwa kong bati sa kanya.

Nang tumigil ako sa harapan niya, napatingin ako sa medyo tousled niyang dirty blonde hair at cerulean blue eyes, pale skin niya, ang medyo katangkaran niyang height at ang pamatay niyang ngiti.

"Are you done checking me out?"

"Hindi noh!" Belat ko sa kanya, "Ano? Tara na! Malelate tayo!" Sabi ko habang pinipilit kong tinatago ang pamumula ng pisngi ko.

Habang kami ay naglalakad paakyat sa mala-hill na kongkretong kalsada namin papuntang school. Willing na willing si Gian dalhin ang stroller ko kahit stroller din naman ang bag niya. Siya din ang nagaakyat-baba ng bag ko sa hagdan ng school papuntang second floor kung saan nandun ang classroom namin.

"Uhm... Gian?" Bigla kong sabi nung nasa paanan na kami ng hagdan making him stop.

"Yes?" Sabi niya, centering his attention to me.

"M-may sasabihin sana ako pero please 'wag kang magagalit hah?" nauutal kong sabi sa kanya.

"Of course! We promised that we won't lie or hide anything from each other, right?" Sabi niya while smiling and encouraging me to continue. I just looked at him. Stunned but thankfully not rooted in place as we continue to go up.

"R-right. Well... Uhm..." Before ko masabi ang dapat kong sabihin bigla nang nagring ang bell thankfully nasa second flight of stairs na kami, malapit sa classroom.

"Don't worry warning bell palang yun. Ano nga 'yong sasabihin mo?" Pagaasure niya sa akin.

"H-ha? W-wala yun. 'Pag may time nalang tayo. Yung tayong dal'wa lang?" Ngiti ko sa kanya. Sa totoo lang, bukas na ako aalis. Lilipat na kasi kami tapos na kasi yung bahay namin sa Bloomfield City, malapit-lapit lang naman yun dito. Ayoko din namang umalis na hindi nagpapaalam kay Gian, sabi nga niya, nagpromise kami sa isa't isa na we won't hide anything from each other.

As the day progressed, hindi ko man lang nasolo si Gian. Kung hindi niya kalaro ang iba niyang mga kaibigan, kasama naman namin ang mga kaibigan namin sa lunch. Hindi ko na tuluyang nasabi sa kanyang aalis na ako't posibleng hindi niya na ako makikita pa kailanman.

Next day... Araw ng pagalis namin...

Aalis na kami. Sabi ko kay Mommy kagabi na pupunta ako sa school para magpaalam sa mga kaklase't kaibigan ko. Inantay ko si Gian sa tapat ng gate namin pero hindi siya dumating. So, dressed in pink collared shirt and white jumper with matching pink sneakers white shoe laces and trims at nakafrenchbraid, ako nalang ang nagpunta mag-isa dala-dala lang ang farewell letters ko para sa mga kaibigan ko.

Pagkadating ko sa school, umakyat ako sa classroom namin. Alam na ng mga teachers ko na aalis na kami ngayon, so pinapasok ako ng advisor namin, si Sister Maridel, at hinayaang mamaalam ako. Nang hindi ko makita si Gian, tinanong ko si Chloe, ang best friend kong babae, kung nasaan si Gian. Ang sabi lang niya ay wala daw si Gian, absent. Disappointed, wala akong nagawa kundi ipabot ang sulat ko kay Gian kay Chloe.

The Wolf Prince and The Vampire Knight(In Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon