spongebob

599 32 7
                                        

----sunday------

"AAAASSSSSSSHHHHHLLLLLEEEEEYYYYYYYY!!!!"

"Waaaaahh may sunog! may sunog!! Asan ang sunog??" Sigaw ko habang tumatakbo pababa ng hagdan at hawak hawak si spongebob, papatirahin ko na kasi siya sa bahay niya, susunduin ko pa si garry dun sa garden hehe

"Wala pong sunog ate" sabi ni andy, kasama namin sa bahay

"Pala eh, bat sumisigaw yang matadang yan?" Turo ko kay lolo

"Aaahh ehhh.. Hehe" napakamot si andy sa sentido niya at ngumiti ng alanganin, habang si lolo naman eh naka takip yung dalawang kamay sa muka at pulang pula yung tenga, hmn bakit kaya? Nagkibit balikat na lang ako at tumuloy tuloy sa may aquarium, hinawakan ko si spongebob at pinaharap sakin

"Okay, papauwiin na kita huh?! Mamimis kita" sabi ko at niyakap siya, huhuhu mawawalay na ko kay spongebob! Ai di bale, madami pa naman siya kapareho dun hehe, "babye na spongebob!" Sabi ko sabay tapat kay spongebob sa taas ng aquarium. Nakangiti lang siya sakin na parang sinasabing okay lang siya, kumaway ako sa kanya habang sumisinghot singhot ng sipon. Bibitiwan ko na sana siya kaso may humablot dito!

"Sabi na nga eh!" Sabi ni lolo habang nakaturo pa sa muka ko

"Lo! Bakit?? Ayaw niyo bang pauwiin si spongebob?" Sabi ko saka nagpunas ng luha, napaluha na pala ako habang nagbabye kay spongebob!

"Manahimik ka bata! Sabi na nga bang ikaw ang naglagay ng pinya sa tirahan nila nemo at ng papa niya eh!How could you!!" Galit na sabi ni lolo, oo! Adik ang lolo ko kila nemo, tanda tanda na eh! ( kala mo siya hindi XD)

"Lo! Pashare naman sila spongebob! Kawawa po siya ehhhh!!!" Sabi ko

"No way!!" Tanggi niya

"Sige na lo, kukunin ko pa po si garry sa garden ehhh!!" Nagpapadyak padyak na sabi ko, huhu kawawa naman kasi sila, di na sila nagkakasama sama sa sarili nilang bahay

"What the hell? Lalagyan mo ng suso ang aquarium ko??"

"Lo si garry po yung ilalagay ko, di po siya basta bastang suso! Naliligo at nagtotooth brush po yun!" Pilit ko

"Kahit na!"

"Aish lolo naman eh!!" and my lower lip began to quiver kaya nagsoften na yung facial expression niya

"Okay okay! Idaan na lang natin to sa paligsahan, pag nanalo ka, titira yang butas butas mong alaga sa aquarium ko hmp" sabi niya, yey!!! Kaya naman dinamba ko siya ng yakap saka pinaulanan ng halik sa muka, yiiieeee!! bait bait talaga ni grandpa!!

"Aish, di parin tayo bati" sabi niya saka tumingin sa ibang dereksyon.

"Let's meet in the training area at 6, wear white tshirt and bring your eye protector, i want justice for my nemo" seryosong sabi niya at dumiretso sa kwarto niya, malamang mag kukulong na naman yun, gaya nung ginawa niya nung iflinush ko si nemo, kawawa kasi eh nakakulong sa aquarium eh diba nga hinahanap siya nung papa niya, sobrang sama ng loob ni lolo sakin nun, pero bumili siya ng bago aaaattt kasama na ni nemo yung papa niya, kasama din nila si dory hehehe. Pano kaya kung nagkaron ng kapatid si nemo at yung nanay eh si dory, magiging stripe na blue and orange kaya yung kapatid niya?? Ewan

-----6:00pm-----

"Catch" sabi ni lolo sabay hagis ng isang paint ball gun sakin and we part ways at nag hanap ng magandang tataguan

Tong training area kasi madaming pasikot sikot may hagdan hagdan din. Nakalagay tong training room sa basement ng bahay namin. Ang mechanics ng game, kung sino man ang may pinaka madaming tama ng pinta ay siyang matatalo

The Fifth SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon