Summer Paradise 2

158 8 5
                                    

Summer paradise 2

Ayesha’s POV
Tuloy lang ako sa pagtakbo kahit tirik na tirik yung araw. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis mula sa aking noo at paghina ng aking katawan pero di ako pwedeng tumigil dahil mahal ko pa ang buhay ko. Ayoko pang mamatay, di ako pwedeng mamatay nang dahil lang sa di ko magawa ang simpleng bagay na dapat ay tapusin ko sa loob ng isang oras. Tumingala ako sa itaas at ni isang ulap ay wala akong Makita, tanging nakikita ko lang ang bughaw na alapaap at ang nangangalit na sinag ng araw na tumatama sa aking muka.

Ayoko na…..

Pagod na ko……

Bahagyang natisod ako sa buhangin at dumausdos ang aking katawan, dala siguro ng pagod at gutom. Ngayon ko lang naalala, konti lang pala kinain ko kanina

*BANG!!*

Patay! Ayan na naman siya!

Dali dali akong bumangon para ipagpatuloy ang aking pagtakbo. Kahit na parang di na kaya ng katawan ko.

“AYESHA! Bawal ang lalampa lampa sa teritoryo ko kundi papasabugin ko ang ulo mo!”

Sh*t! Kailangan ko nang matapos to!!!

Tumingin ako sa aking relo

“AAAAARRRRRGGGGHHH!!!” inis na sambit ko at mas binilisan ko pa ang pagtakbo, takte! Labing limang minuto na lang!!! kaya ko too!!!!!!
Malapit na….

Bakit ko ginagawa to, well…..

FLASHBACK

“so before we eat, let’s talk about why are you here first”
Napaupo kami ng maayos nang mapansin naming sumeryoso ang expression ng muka ni lola goddess

Di maganda ang kutob ko dito…

Pero at the same time excited din ako

“Leonardo told me about what happened last time. Kung pano kayo napunta sa gulong iyon at kung pano niyo ito nalusutan.”

Tumingin sakin si lola goddess saka ako inirapan, luh? Anong kasalanan ko??

“napanood ko lahat ng nangyari na nakuha ng cctv sa lugar, and what yesha did was reckless”

Tumingin silang lahat sakin at pinagbabatukan ako

“stop!’ inis na tili ko

Huhuhu sasama nila sakin

“ayan kasi! Pasaway!”
“loko loko ka kasi!”
“di ka kasi nag aaya!”

Reklamo nila habang nag eenjoy silang pagtripan ang ulo ko, di ko alam kung dahil ba sinsita nila ako or talagang trip lang nila, nanadya eh

May nanabunot, pinipitik yung noo ko, at meron din yung kinutusan ako

“enough!”

Sita ni lola sa kanila and thanks to her tinigilan na din nila ako saka kami tumingin lahat sa kanya

“so napadesisyonan naming dalawa na habang nandito kayo sa islang pag aari ko, magtraining kayo ng ibat ibang bagay para mas magkaroon kayo ng silbi sa komunidad” anghard niya, seryoso

Napatango kaming lahat sa sinabi niya

“ako lang ang nakakaalam ng mga gagawin niyo sa buong week end, buong weekend means, 48 hours kayong magtetraining dito sa isla. Walang pahipahinga, ang magpapahinga ay tatamaan ng kung ano mang makapaligid sa inyo, pwedeng pana, palaso o bala ng baril ang tatama sa inyo, meron din naman mga asong nakakulong sa ibat ibang lugar ng islang ito, at choice ko kung papatamaan ko ba kayo ng kung anu ano o ipapahabol ko na lang kayo sa mga aso ko. Naiintindihan nyo ba?” seryosong sambit niya habang palakad lakad sa harapan namin. Napalunok ako,

48 hours…….

2880 minutes…..

172800 seconds…..

Di kaya kami mamamatay sa lagay na yun?

“okay, let’s eat”

Nag simula na kaming kumain at magkwentuhan

Di ko maiwasang isip yung gagawin namin mamaya.  Na e excite ako na ewan.  Ah basta

"you have five minutes to finish your food "

"what?! " napatingin kaming lahat kay lola dahil sa sinabi niya

"hurry up!  Kundi kukulangin kayo sa pagkain because we will start the training after five minutes!! "

Takteeee,  yoko na!!!

Binilisan ko ang pagkain pero di pa ko tapos sa pangalawang pingan ko, 

"times up! let's go! "

......................

Nakahelera kaming lahat sa may buhanginan sa tabi ng dagat habang si lola goddess naman ay palakad lakad sa harap namin. Muka kaming sundalo hihi

................................

Charan!  Bitin kayo noh!!!

Gomen minna!  Sobrang busy ko talaga ngayon.  Buti nga naisingit ko pa tong mag a update ng sangkatiting na sabaw ng utak ko.  Jusko,  asa part na ko ng buhay ko kung san gusto ko nang ibaon sarili ko sa hukay. 

So ayun hahahaha.  Sana may magbabasa pa.

Diyosang makulit

The Fifth SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon