Three Wishes and A Kiss

13 2 5
                                    

Nagising ako sa iyak ng nag-iisa kong kapatid na si Fritz. Dali-dali akong tumakbo patungo sa kwarto niya. Nandoon si Mommy pinagdidiskitahan na naman niya si Fritz.

"Pumasok ka na naman ba sa aking silid?! Nawawala ang kwintas ko! Mabuti pa ay ibalik mo na agad iyon sa akin bago ko pa sabihin ito sa iyong ama." sigaw niya dito.

"Bakit ba lagi na lang si Fritz ang pinagbibintangan mo? Nakalimutan mo na ba na noong unang mawalan ka ng alahas ay katulong natin ang kumuha?! Ilang beses mo na bang pinagbuhatan ng kamay ang kapatid ko?" Noon ay hinawi ko siya papalayo kay Fritz. Pero hindi sinasadyang napalakas ito at humataw ang ulo niya sa dulo ng kama. Tinawag ko si Manang upang tulungan si Mommy. Tumawag din siya ng ambulansya upang madala na agad ito sa ospital.

Kinakabahan ako sa maaaring mangyari ngunit ganoon pa man ay hinarap ko si Daddy. Pumasok ako sa opisina niya upang ihatid ang balita.

"Dad, si Flaire po ito." mahinang sabi ko sa tapat ng pintuan.

"Pasok." ma-awtoridad na tugon naman nito.

Pumasok ako sa loob at sinabi sa kanya ang nangyari. Katulad ng inaasahan, pinagbuhatan niya ako ng kamay, hindi lang isang beses, ginawa niya iyon hanggang sa mamanhid na ang pareho kong pisngi. Ako na naman ang sinisisi niya. Umuwi ako sa bahay habang siya naman ay dumiretso sa ospital. Pinuntahan ko agad si Fritz sa kwarto niya. Umiiyak na naman ito. At lalo pa itong umiyak nang makita ang itsura ko.

"Ate! Sorry. Sinaktan ka na naman tuloy ni daddy. Kasalanan ko 'to." bata pa lang si Fritz, pitong taon pa lamang siya ngunit namulat na siya sa ganito. Naaawa ako sa kanya.

"Fritz, matulog ka na ha. Gabi na, hindi maganda para sayo kung mapupuyat ka." mahinahong sabi ko na lang sa kanya.

Hinintay ko lang na makatulog siya at saka ako lumabas sa kwarto niya upang bumalik sa kwarto ko.

KINABUKASAN.

Pagkagising ko ay dumiretso agad ako sa kwarto ni Fritz.

"Fritz, the monster is in your room." mababaw lang matulog si Fritz kaya kapag ginagawa ko ang ganoon ay nagigising na agad siya. "Fritz, the monster is here." ulit ko pero hindi pa rin siya kumikilos kaya lumapit na ako sa kanya at doon ko lang nakita ang pamumutla ng labi niya. Ipinatawag ko ang driver namin. Dinala namin siya sa ospital. Nalaman kong sinumpong na naman pala siya ng sakit niya. Pumunta ako sa labas upang magwithdraw ng pera pambayad sa hospital bills ni Fritz, ngunit naka-freeze ang account ko. Sinubukan kong contact-in si dad at mom pero wala din. Sinubukan ko na rin magtanong sa bahay at sa opisina pero wala pa din.

Umuwi ako sa bahay at pumuslit sa loob ng kwarto nila. Wala akong choice. Wala akong pera at kailangang malunasan si Fritz. Bahala na. Nagbukas ako ng drawer, iisa lamang ang laman nito, isang maliit na envelope. Binuksan ko ito sa pagbabakasakaling pera ang laman noon. Ngunit mali ako. Isa itong kasulatan para sa isang mag-asawa. Carmen at Davide Esteron na pumapayag sa isang kasunduan upang alagaan ang dalawang natitirang tagapagmana ng mga Scrifiace kapalit ang marangyang pamumuhay. Unti-unti ay nabitawan ko ang sulat at parang isang malakas na ulan na bumuhos ang mga alaala sa akin. Isang aksidente. May namatay. Mom. Dad. Fritz. Nagawa ni Dad na ilabas ako at ang batang-batang si Fritz, ngunit nang si Mom na ang kukunin niya ay sumabog ang kotse. Kasabay ng pagbuhos ng alaala ay bumuhos ang mga luha mula sa aking mga mata. Kaya pala kung ituring nila kami ay ganoon na lang. Ang anak nila ay namatay din sa aksidenteng iyon, nasagasaan siya nang mawalan ng kontrol ang kotse.

Ilang araw kong hinintay ang pagbabalik nila. Wala pa din. Lumalaki na ang bill ni Fritz sa ospital. Lumalala na rin ang kalagayan niya.

Galing sa ospital ay dumiretso ako sa bahay. Sa kwarto ko ay naghanap ako ng bagay na maaaring ibenta. Nakita ko ang isang kwintas na regalo ni Daddy Davide nung 11th birthday ko. Bahala na. Ibinenta ko ito at sakto lang sa pambayad upang asikasuhin siya ng doktor.

Three Wishes and A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon